Chapter 3

48 3 0
                                    

Tapos na sembreak kaya may pasok na kami! Ayoko pa sana dahil may iniiwasan akong tao.

"Hey! Pupunta na kaming Airport. Pumasok kana, tapos inbitahan mona din yung mga kaklase mo at iba mo pang friends mamaya ha! Take care bunso" Sambit ni ate at umalis na.

Oo nga pala mamaya yung party, konting celebration lang naman yon! Dadating din kase yung ibang friends nila mama kaya naghanda sila, para ding welcome party nadin para kela mama.

"Iha bilisan mo na dyan malalate kana!" Sigaw ni Manang sa baba kaya agad akong nagmadali.

"Eto na po!" Sagot ko at mabilis na bumaba.

"Kumain ka muna iha!" Sabi ni Manang pero umiling ako. "Sa School nalang po Manang bye Iloveyou!" Sabi ko at mabilis syang hinalikan sa pisnge.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito!

Ano kayang gagawin ko kapag nakita ko sya? Dalawang linggo din kaming hindi nagkita noh. Hindi ko din alam kong alam niyang birthday ko kahapon.

Huminga muna ako ng malalim bago bumaba ng kotse! This is it.

Pagkababa ko ay magsimula na akong maglakad, may mga mangilan ngilan ang ngumingiti sakin pero hindi ko sila ginagantihan ng ngiti as if close kami? Wew.

"Hoy namiss kita Babap!" Halos atakihin ako sa puso ng bigla syang umakbay sakin, shit. Ang bilis ng tibok ng puso 'ko! Ganito talaga ang epekto 'nya sakin.

"Ano ba ginugulat mo ako!" Bulyaw ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"Hindi mo ba ako miss?!" Nagtatampong sambit nya.

Miss na miss kita shit kung alam mo lang.

"Hindi!" Pagsisinungaling ko.

"Ang gara mo! Namiss kita tapos ako hindi mo miss?!" Sambit nya at binitawan ako.

"Para kang ewan!" Natatawang sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uso kase umamin Babap!" Humahabol na sabi niya kaya napahinto ako.

"What?!" Kinakabahang sabi ko. Hala baka alam na niya? Oh god.

"Umamin kana kase!" Sabi niya ulit kaya mas lalo akong kinabahan.

"Ano bang amin-amin ang pinagsasabe mo ha Tedious?!" Kinakabahan na banggit ko.

"Uy! Kinakabahan. Sabihin mo na kase na namimiss moko!" Sabi niya kaya mabilis ko syang hinampas at sya naman ay humagalpak sa kakatawa! 'Kingina kinabahan ako don ha!

"Gago kang tunay!" Sabi ko at iniwan syang magisang tumatawa don. Baliw na sya! Parang gago amputa 'pero kinabahan ako don.

"Hoy joke lang haha! Miss padin kita kahit di mo ako miss!" Sabi niya habang hinahabol ako! Argh bakit ka ba ganyan.

"Hoy ikaw Ted tantanan moko dyan sa kalandian mo ah!" Sabi ko pero tinawanan nya lang ako.

"Ano bang malandi sa pagkakamiss? Natural mamimiss kita tropa tayo eh!" Sabi niya dahilan ng pagsikip ng dibdib ko! Gago hindi mo kailangan ipamukha sakin.

"Ewan ko sayo baliw kana!" Sabi ko at tuluyan na siyang iniwan at dumeretsyo ako sa room namin.

"Oh hello birthday girl!" Salubong ni Ep sakin. "Wala pa sila?!" Tanong ko at umiling lang sya.

Mabilis kong nilagay ang bag ko sa upuan at umupo.

"Nakita ko kayo! Then i realize one thing!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin

"Bagay kayo ni Ted! Jusko naman kase Te amin amin din!" Sigaw na sabi niya kaya agad kong tinakpan ang bibig nya napatingin naman ako sa paligid buti na lamg at wala sya.

"Ang inggay mo gago ka!" Sabi ko pero tumawa lang sya. Argh whats wrong with this people.

"Argh. Ewan ko sainyo bwisit!" Sabi ko at umupo na lang sa upuan ko.

"Hey Classmates! Punta kayo sa birthday ni Babap mamayang 5 pm!" Sabi ni Ep kaya nanlaki ang mata ko.

"You! Fuck you bitch!" Sabi ko at akmang sasabunutan sya pero nakatakbo na sya at tinatawanan lang ako.

"Ahhhhh that girl!" Sigaw ko at sinipa ang upuan. Wala na wala na sira na araw ko.

Lumabas ako ng Room at dumeretsyo sa likod ng building kung san lagi akong pumupunta! Wala kaseng masyadong tao dito. Kapag bored ako at malungkot pumupunta lang ako dito.

Dito ko din nakilala si Tedious.

Si Tedious ay yung magugustuhan ng lahat!  Mabait, masiyahin, gwapo, maganda boses, husky ung voice nya kahit hindi sya kumakanta! Matangkad, Matalino, Friendly. Ideal Man kumbaga.

Umupo ako sa ilalim ng puno at pumikit! Gusto kong magkaroon ng peace of mind.

Ano ng balak ko? Ano ganito nalang ako? Nagmamahal sa lalaking may Girlfriend na.

Ang hirap ng ganito. Pero hindi ko naman kase maiwasan eh. Ewan ko ba kapag nandyan sya sa tabi ko komportable ako.

Napagtanto ko kaseng halos pareho kami ng hilig. At habang tumatagal mas lalo ko syang minamahal. Natatakot kase ako na baka kapag sinabi ko yung nararamdaman ko lumayo na sya sakin.

"Kala mo talaga! Kung makapag senti eh noh!" Nagulat ako ng biglamg sumulpot si Ted sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Kagaya mo nagpapahangin lang ako! At kailangan ko din ng Peace of mind!" Nakangiting sabi niya. Ngiti mo lang nawawala lahat ng mabibigat na nakapatong sa dibdib ko.

"Bat naman kailangan mo ng peace of mind?!" Tanong ko sa kanya.

"Bakit kailangan ba laging may dahilan kapag gusto ko ng peace of mind?!" Nakangiting sabi niya.

"Ulul ka linya ko yang mga yan gaya gaya ka!" Sabi ko at inirapan sya.

"Nagtatampo ako sayo! Hindi mo man lang ako inimbitahan sa birthday mo!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Gago lang? Eh bat alam mong birthday ko?!" Nagtatakang sabi ko.

"Sinabi ni Ep kanina, punta daw ako sainyo kase birthday mo!" Sabi niya ulit.

Ano bayan umasa pa naman ako! Akala ko inalam niya talaga.

"Edi imbitado kana!" Walang ganang sabi ko sakanya.

"Badtrip ka?"tanong niya.

Bukod kela Ep isa sya sa nakakakilala ng mga kilos ko.

"Epal kase sila Ep! Nangiimbita ako nga dapat magsasabi!" Sabi ko.

"Asus nagtampo osige na yayain mo ako ulit!" Nakangiting sabi niya na ikankunot ng noo ko.

"Assuming ka gago! Ewan ko sayo dyan ka na nga!" Sabi ko at tumayo tapos na yung unang subject.

"Iwan mo na ako?!" Malungkot na sabi niya.

"Drama mo! 5 pm sa bahay. Punta ka ha!" Sabi ko at umalis na.

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon