Chapter 24

10 1 0
                                    

Kinabukasan..

Nagising ako dahil sa may mabigat sa tyan ko ano bayon? Agad kong tinignan at nakita kong kamay. Kaninong kamay to?



Inalis ko ang kumot at tinignan kung sino ay lintik na  nakayakap sakin.

Pagtanggal ko ng kumot ay laking gulat ko ng makitang kamay ni Tedious yon kaya naman napatayo agad ako at hinampas siya.



"Bastos ka! Bakit mo ako niyakap? bakit ikaw ang katabi ko?!" Sabi ko, nagising naman siya dahil sa hampas ko sakanya.


"Aray naman! Ganyan kaba? Pano nalang kapag naging mag-asawa na tayo ganyan mo din ako gigisingin? Grabe to!" Sabi niya kaya sinipa ko siya ulit.

"Tumayo ka diyan! Tinatanong kita bakit moko yakap? Saka bakit ikaw katabi ko?!" Nang gigil na sabi ko sakanya.

"Ewan ko! Bakit ba ako sinisisi mo ha! Eh ikaw tong tumabi sakin kagabi. Kunwari ka pang gusto mong lumayo tatabi kadin naman pala!" Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko at hinampas siya ulit.



"At talagang sumasagot kapa?!"

"Eh tinatanong mo ako eh! Mamaya kapag hindi ako sumagot saktan mo ulit ako!" Sabi niya kaya pinaghahampas ko siya ng unan loko tong lalaking to ang lakas ng tama.

Pero infairness kinilig ako sa yakap niya!

"Kunwari kapang ayaw mo sa yakap ko eh yumayakap ka din naman kagabi!" Sabi niya kaya nanlaki mata ko.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Tulog ako non hindi ko alam yon!" Sabi ko kaya tumawa siya.

"Ako din naman tulog ah! Pero kung hampas hamapasin mo ako para namang nirape kita!" Sabi niya at napapailing na tumayo at dumeretsyo sa CR! Ano namang pake ko? Siya na nga itong nang yakap siya pa galit kapal niya.



Papunta na sana ako ng Kusina ng maalala ko ung nakita ko kagabi! Hinanap agad ng mata ko si Ep at ginising siya.


"Hoy! Hoy! Gising bilis!" Sabi ko at inalog siya.

"Ano ba naman yan Bap! Para namang may sunog!" Sabi niya pero hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Ikaw? Ikaw ba may ginawa kang kabalastugan kagabi habang tulog ako ha? Kayo? Kayong dalawa ni Avelino may ginawa ba kayong kabalastugan? Aba naman Ep nasisiyahan ka pang umungol don sa kusina kagabi. Hindi na kayo nahiya at sa kusina pa ang napili nyong pwesto!" Galit na sabi ko sakanya siya naman ay nakakunot ang noo at binatukan ako.



"Nauulul ka nanaman ba ha? Ano nanaman yang pinagsasabe mo dyan? Hindi ako yon kupal ka!" Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Kung hindi siya sino yon?



"Anong hindi ikaw? Eh sino yon?!" Pagtatanong ko sakanya kaya nabatukan ulit ako.

"Aba malay ko! Gising ba ako non kupal to!" Sabi niya ulit kaya napaupo ako. Sino yon kung hindi sila?


"Eh kayo lang naman ni Avelino maglovers dito ah!" Sabi ko kaya binatukan niya ako ulit potangina napapansin ko lang nasisiyahan na siya sa pambabatok sakin kaya binatukan ko din siya.

"Sayang saya ka sa pambabatok ha!"

"Porket kami lang lovers kami na agad ung naglalampungan? Hndi ba pwedeng may iba dyan ayaw lang umamin?!" Sabi niya kaya napaisip ako. Eh sino naman kaya? Si Hazel tapos si Marc? Imposible yon eh.



"Nako Bap malala kana ewan ko sayo dyan kana nga!" Sabi niya at iniwan ako sa sala. Tangina sino ba kase yon? Sinong mga hangal ang nambaboy sa kusina namin.


Animal! Pumunta ako sa kusina at tinignan ung pwesto kahapon nung naghahalikan, sinukat ko siya at tinignan ang layo! Yumuko pa ako para masigurado. Tapos tumungtong din ako sa sink at ginaya ung ginagawa nung babae. Ganito yon eh kitang kita kopa.


Iniisip ko kung sinong babae samin ang ganong kumilos! Pero wala akong maisip. Hindi naman kase sila ganon.

"POTANGINA SI BABAP BALIW NA!" Nagulat ako dahil biglang sumigaw ni Joana kaya naman napababa ako ng sink wala sa oras.


"Anong ginagawa mo don? At gumagalaw galaw pa ulo mo? Ano iniimagine mo may ka kissing scene ka sa sink?! Nays ganda mo pumili ng place!" Tumatango pang sabi ni Joana. What the fuck! Inaaral ko lang naman ung nanagyare kagabi para malaman kona kung sino yon huehue.




Tangina napagkamalan pa akong baliw ah.


"Iha pumarito kana ano pa ba ang ginagawa mo dyan andito na silang lahat!" Sigaw ni Manang kaya naman agad na akong pumunta sa mesa.

"Ano bang ginagawa mo don?!" Tanong ni Lorine.

"Eh kase iniisip ko kung sino yung nakita ko kagabi dyan sa kusina!" Sabi ko at kumuha ng hotdog at bacon.

"Nahulaan mo naman ba?!" Ep


"Ewan ko sayo!" Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Pag nalaman ko talaga kung sino yon kakaldagan ko! Hindi na nahiya eh sa kusina pa talaga. Sino ba kase yon tangina naman.



"Anthony may Girlfriend ka na pala?!" Nagulat ako sa biglang tanong ni Ep kay Anthony, kahit ang iba ay nagulat din


"Wala!" Deretsyong sabi niya kaya naman kumunot ang noo namin ni Ep.


"Eh sino yung nakita naming kahalikan mo sa Mall nung isang araw?!" Tanong ni Ep ulit nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Anthony pero agad ding napalitan ng ngisi.



"Nako wala yon! Wag niyong isipin yon!" Sabi niya kaya tinignan ko siya ulit.


I know you to well Anthony! Kung sila maloloko mo pero hindi ako! Masyado kitang kabisado para lokohin mo.

I know Your lying dear! Alam ko ding kinabahan ka dahil sa naitanong ni Ep sayo! Anong tinatago mo at ganyan ka kung kabahan?

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon