Chapter 16

13 2 0
                                    

Pagdating ko sa pangpang ay nakita kong nandon silang lahat, dalawa lang pala kami ni Anthony ang wala.

Naghaharutan silang lahat don, kaya agad kong hinubad robe ko at nagsimula akong magpicture sa sarili ko.

Napatingin ako sa dagat at sa mga taong naliligo don. Ang saya nila, sana habang buhay kaming ganito. Sana hindi masira ang pagkakaibigan namin! Sana kapag nagsenior high kami hindi sila makahanap ng bago. Kase ako makakita man ako ng bago wala pa ding makakapantay sa kagaguhan ng mga to.

Napatingin naman ako sa lalaking ang saya sayang nakikipag-harutan.

Lahat sakanya minahal ko! Hindi ko alam kung san nagsimula pero nagulat nalang ako pag gising ko siya na at hindi na si Anthony! Yung mga tawa niya, mga ngiti niya, yung pag-aalala niya sakin, pang-aasar lahat yon pinahalagahan ko at itetresure ko hanggang sa huling hininga ko.

Ang swerte mo dahil ikaw ang Girlfriend ni Ted, Si Ted na mahal ko! Na minamahal ko at mamahalin kopa.

Ganito nalang ba ako palagi? Palaging nasasaktan? Seriously? O baka kasama to sa mga pagsubok na hinahamon niya sakin? At kaya niya binigay sakin dahil alam niyang kaya ko. Pero bugbug naman ako!


"Ayaw mong sumali don?!" Nagulat ako sa biglang paglapit ni Joana sakin at tumabi siya. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namamalayang nakalapit na pala siya sakin.

"Mamaya na siguro!" Sabi ko at yumakap sakanya habang nakatingin sa dagat.

"Ayos ka lang ba?!" Nag-aalalang tanong niya sakin kaya mabilis akong tumango.

"Namiss lang kita hehe!" Sabi ko at hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.

"Bakit pakiramdam ko mawawala ka samin? May problema ba?!" Biglaang tanong niya. Kaya naman napabitaw ako sakanya.

"Loko! Hindi ah, namiss lang talaga kita! Ayaw mo bang yakapin kita?! Hindi ako mawawala sainyo. Dahil kahit mamatay ako nasa tabi nyo padin ako!" Sabi ko at niyakap ulit siya hindi naman na siya sumagot kaya nanatali lang kami sa ganong posisyon.

"Nagiging mainitin na ang ulo ni Lorine satin, parang onti-onti siyang nagbabago!" Biglang sabi niya kaya tiningala ko siya.

"What do you mean nagbabago?!" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan.

"Ewan ko hindi ko maipaliwanag, basta mapapansin mo naman yon!" Sabi niya kaya napatingin ako kay Lorine! Oonga lately nagiging mainitin na ang ulo niya.

Ano kayang problema niya? Hndi nadin kami masyadong nagkakausap.

"Hoy? Kayong dalawa ano wala kayong balak magsiligo?!" Sigaw ni Monica kaya naman agad kaming tumayo ni Joana at lumapit sakanila.

"Shet! Chix!" Sigaw ni Abe

"Ate paisa!" Divine

"Sorry akin lang siya!" Ep

"Te pembarya!" Hazel

Sigawan nila at nagtawanan naman kami mga baliw talaga, nagsimula kaming maligo at magkasiyahan.

Nakita ko si  Anthony na naglalakad papunta sa gawi namin kaya agad akong kumaway sakanya.

"Join us Anthony!" Sigaw ko kaya naman nginitian niya ako.

"Uyyyy! Comeback is real ba?!" Sigaw ni Avelino.

Kaya naman nagtawanan kami, nung makalapit na si Anthony ay agad niya akong nilapitan.

"Uwaaaah Comeback is Real!" Ep

"Kyah kyah kyah bagay kayo kyah!" Divine

"Owemji! Oxygen please wala pa pero nilalanggam na!" Hazel

Kaya naman nagtawanan kami wala naman ng malisya sakin yon kaya ayos lang.

"Nako Hazel! Baka pagkakataon mona ngayon para maging kayo ni Marc, break na sila ni Sandra!" Sabi ni Anthony kaya naman napatingin ako kay Hazel na ngayon ay nanlalaki ang mata.

"Totoo? Omo!!!!" Sigaw niya at kahit hirap siya makatalon dahil nasa tubig siya ay tumalon padin.

Habang lumalangoy ako ay hindi ko namlayan na may tao pala sa harap ko kaya ayon pag-ahon ko nauntog ako.

"Aray!" Sambit ko at pinunasan ang mukha ko dahil sa tubig.

"Ayan ayan sa sobrang pagkamiss mo sakin hindi mo namamalayang nauntog mona ako!" Sambit ni Ted kaya naman agad kong minulat ang mata ko at hinampas siya.

"Gago ka talaga noh? Palibhasa wala kang bayag!" Sabi ko at tinalikuran siya.

"May bayag ako! Kaya kang paiyakin neto at kaya netong warakin ang edsa mo!" Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko agad ko siyang tinulak.

"Kadiri! As if magpapagalaw ako sayo!" Sigaw ko sakanya kaya naman humagalpak siya sa kakatawa.

"Hindi naman ako papatong sayo don't worry!" Sabi pa niya at iniwanan akong nakanganga. Seriously? Talaga ba? Tangina kabastos ng animal na yon.

Napapailing na lumapit nalang ako kela Ep at pinagpatuloy ang pagligo.

"May padespidida si Mama bukas punta kayo ha!" Sabi ko.

"Hala oonga pala aalis na sila tita sa lunes!" Hazel

"Mamimiss ko nanaman sila!" Divine

"Huehue wag nalang silang umalis sabihin mo!" Monica.

Hindi ko sila masisisi kung ganyan ang naging reaction nila dahil nung dito pa nagsstay sila Mama naging magulang sila dito sa mga kaibigan ko. Gaya ko kase ang mga magulang nila nasa ibang bansa.

Pero yung kanila simula bata ay nasa ibang bansa na sakin kase nung grade 7 lang ako. Eh simula bata palang magkakasama na kami. Kaya si Mama ang tumayong nanay nila.

"That's life!" Sabi ko kaya naman ngumiti nalang sila ng mapakla. Mamimiss ko nanaman sila Mama.

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon