Chapter 8

21 2 0
                                    

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong nila mama at papa.

"How's school?!" Tanong ni papa.

"Ayos lang po Pa!"

"Good to know!"

"Akyat lang po ako sa kwarto!" Sambit ko, tumango lang naman sila. Pagdating ko sa kwarto ay agad akong humilata sa kama.

Napahawak ako sa labi ko ng maalala ko nanaman yung nangyare kagabi.

Sa kabila ng kaligayahan ko ay may bumabalot na lungkot! Imbis na gumaan ang loob ko dahil nahalikan niya ako? Mas lalong bumigat ang loob ko.

Kapag iniisip kong hinalikan niya ako natutuwa ako pero kapag naiisip ko din na may Girlfriend sya nasasaktan ako.

Ano ba kami? Magkaibigan ba talaga kami? Ano yon Friends with benefits? Third wheel ako ganon.

Hindi ko alam kong pinapafall niya ako o sadyang assuming lang talaga ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng biglang pumasok si Papa sa kwarto ko.

"Nadistorbo ba kita?!" Tanong niya, tumayo ako at umiling sakanya.

"Hindi po Pa!" Sagot ko at umupo.

"Kamusta ka naman? Balita ko nakabalik na daw si Anthony ng Pinas?!" Sabi ni Papa kaya agad akong napatingin sakanya.

"Im okay Pa!" Sambit 'ko.

"Eh bakit parang hindi? Apektado kapa din ba 'sakanya?"

Napangiti ako dahil sa tanong niya! Siguro nga sobrang tagal na namin hindi nagkasama dahil hindi na ako nakakapagkwento sa kanya.

"No Papa! Hindi sya ang dahilan ng kalungkutan sa mukha ko!" Sabi ko sakanya.

"Wao. May bago ka na agad anak? sino yan?!" Tanong ni Papa.

"Si Tedious Stodgy po Pa!" Sagot ko.

"Si Ted? Ted na kaibigan ni Anthony?" Paninigurado niya. Agad naman akong tumango! Nasapo niya ang kanyang ulo.

"Ang tinde mo Nak. Sinabi ko lang magmahal ka pero hindi ko sinabing magmahal ka ng Magkaibigan!" Natatawang sabi ni Papa sakin.

"Pa naman eh!"

"Biro lang anak, eh bakit ka malungkot?!" Seryosong tanong niya ulit.

"Kase Pa ang labo!" Mabilisang sagit ko.

"Alin ang malabo?"

"Sya po! Alam ko naman pong kaibigan lang ang turing niya sakin! Atsaka may Girlfriend po sya. Pero ang hindi kopo maintindihan bakit kailangan sweet sya sakin? Bakit para kung umasta siya may gusto siya sakin!" Mapait na bigkas ko.


"Nako anak mahirap nga yan! Ang mas madaling sulusyon dyan ay yung sabihin mo sakanya yang nararamdaman mo at iklaro mo kung ano ba talaga kayo!" Sabi niya kaya ngumiti naman ako.

"Natatakot po kase akong masira ang friendship namin!" Sagot ko.

"Natatakot kang masira ang friendship nyo O natatakot ka kase baka hindi mo magustuhan ang isasagot niya sayo?" Biglaang tanong din ni Papa sakin.

"Hindi ko po alam Pa!" Sagot ko.

"Don't be selfish anak. Wag mong pahirapan ang sarili mo! Mas magandang alam mo at alam niya din para hindi ka maguluhan at para hindi ka din umasa! Ayokong masaktan ka nanaman. I'll go ahead anak baka hinahantay nako ng Mama mo! Pagisipan mong mabuti!" Sabi niya at tuluyan ng umalis.



Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon