FIVE

108 2 0
                                        

<5>

"please! Tell me! Tama na ba tong ginawa ko?!" tanong ko kay Jane at Francis, saka pinakita sa kanila ang solving na ginawa ko. Actually pair quiz namin sa geometry and sad to say di ako naka pag study at wala akong partner, pero ok lang mas trip ko ang solo kahit mag study ako bopols talaga ako sa math.

" hindi! Wala mo pa nilagyan ng square root oh..." turo ni Francis, siya lang naman kasi ang matalino talaga sa amin sa math eh.

" ha? Bakit? paanong nagka square root yan? Eh diba ganito ang formula? Ohmygash! Ayoko na! pakopya!" I pouted at him saka tiningnan na lang ang kanyang paper. Natawa na lang siya at nagpatuloy sa pagsosolve ng iba pang questions.

" tangeks! Iba kaya tayo ng linya line1 ako at line2 ka, iba tayo ng questions!" sabat naman ni Jane, then I realized tama nga siya, mag kaiba ang set namin ng questions, dapat pala kay Jane ako kumopya.

" psshh....bahala na nga!" nagsolve na lang ako ulit based dun sa ginawang pag solve ni Francies at kinopya na ang iba kay Jane. Isang question na lang ang kailangan kong sagutan at matatapos na ako.

"okay pass your papers forward" shet! Wala na,di ko na natapos! I hate numbers,kung bakit pa kasi nauso ang math, kaya kahit na half hearted ay pinasa ko ang aking papel.

" huhuhu! Kaloka naman yun eh! Wala akong sagot sa last number."pagrereklamo ko. I slumped in my chair at pinaglaruan ang ballpen ko.

" ako nga na mental block ako. Pero okay lang may katulong ako eh. Hahaha" Eliz nag-apir silang dalawa ni James. I smirked at them saka bumalik sa pagtatap ng ballpen ko sa notebook ko.

" oo na! ako na kawawa! Kung bakit naman kasi wala akong katabi! Urrghhh!" ginulo ko ang buhok ko saka nilabas ang chocolate sa bag ko. All those failed solvings made me hungry.

<JAMES POV>

" tama na nga yan, Sam! Pangalawa mo na yan oh! Pulang pula na ang ilong mo! Hahaha." Pagsasaway ko, ganyan ka busaw si Sam sa jjampong palibhasa mukhang koreana at adik sa kpop.

"tama! Mamayang lunch na lang ako ulit kakain nito! Mwahahaha!" sabi niya saka nagpunas ng labi gamit ang kanyang kamay, agad ko naming inabot ang aking panyo at ginamit niya iyon para punasan ang kanyang labi at pawis, ang busaw talaga nito.

"ang gwapo ni crush!"biglang tili ni Jane, agad na napalingon si Sam at tumingin sa paligid, ganun na din ang ginawa ko.

" ha? San dyan?" nalilitong tanong namin ni Sam.

" ayun oh! Sa kabilang table! Romeo ang name niya." Ngumuso si Jane sa isang lalaking nasa kabilang table.

" ah, that Romeo, hahaha so ikaw si Juliet? Hahaha!"pagtataray ni Eliz saka tinawanan si Jane, ganun din ang ginawa ni Sam at ng iba.

"oh romeo romeo! Hahahaha! " pag-aacting ni Sam. Kahit kelan ang bully talaga nilang tatlo, sila na nga lang ang mga babae sa tropa namin sila pa ang malakas mang-bully.

" hahahaha wala Jane ikaw ata pulutan ngayon! Hahaha" sabi ko sabay tap sa balikat ni Jane. Umirap lang siya at kumain ulit.

" oi! Asan na kaya yung iba?" tanong ni Eliz.

" baka busy."

" ayun sina Lance oh!" turo ni Sam, agad kaming napatingin sa kanya.

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon