<Samantha's POV>
A week later, pagkalabas ko ng arrival area ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko. I rushed to them, masasabi ko na talagang its so good to be back home.
"OMG! I missed you! " sigaw ni Jane lumapit sila sakin ni Eliz at nag group hug kami.
" Ito naman! Maka sigaw parang one year akong nawala!" naglakad kami palabas ng airport kung saan naghihintay yung driver, hilahila naming tatlo ang mga gamit ko, kinukulit din nila ako kung aling suitcase iyong mga pasalubong nakalagay.
"Syempre namiss ka namin! Ano naman bang pakulo mo at may pasurprise surprise ka pang nalalaman?" tanong naman ni Jane.
"wala lang, trip ko lang. ang boring kaya dun wala akong kasama si Kuya kasi may sariling lakad. Kaya naisipan ko nlng umuwi dito, bakit ayaw nyo ba?" pagbibiro ko. We reached our driver, agad naman niyang nilagay sa trunk iyong mga gamit ko, we went inside the car and waited.
"syempre gusto! Pero, realtalk nga, okay ka na ba? Di na sugatan yang heart mo?" seryosong tanong naman ni Eliz.
"oo nuh! Okay na ako! Ang mga lalake hindi iniiyakan! Dapat sakanila pinapa-iyak. While staying away from this place nag relax na ang utak at puso ko. Right now, im trying to find myself."
"tama tama! Apir sister! Im so proud of you!" niyakap naman ako ni Jane at nagtawanan kami. After a while nakarating kami sa bahay ay agad namang kinuha nina Jane at Eliz ang maliit na luggage na puno ng mga pasalubong para sakanila, natuwa naman ang mga bruha.
"so ano nang balak mo ngayon?"
"ako? Ewan ko? Hahaha eh di, magiging masaya ulit ako. I think I can handle to do that. Tsaka madami na akong pwedeng gawin ngayon at single na ako. Hahaha!" Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga pinagagawa ko sa korea buong maghapon and I also asked them kung anong nangyari noong wala ako.
"what?! Nakilala mo yung lolo ni Dylan?" gulat na gulat na tanong ni Jane
" yeah, awkward nga eh, tsaka di ako komportable pag kaharap ko siya para akong kinakain ng konsyensa and it kindda hurts me. Oh well past is past, wag nang balikan."
"oohhh... sabagay, ikaw yung babaeng kinabaliwan ng apo niya at dahilan kung bakit nasa ospital siya." Napatingin naman kaming dalawa ni Jane kay Eliz.
"huh? Anong na-ospital? Teka, paano mo nalaman? Bakit wala akong alam?" mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Jane, parang may kung anong tumusok sa puso ko. Fine, galit ako but I still care, may puso padin naman ako kahit papano, kahit sino naman siguro matatakot na masaktan ang taong naging parte ng buhay niya.
"anong ospital? Kailan pa?" mahinahon kong tanong but my heart is racing, shit naman akala ko hindi na ako maapektuhan ng sobra, mukhang mas okay nang hindi ko nalaman.
"duhh... sa ospital namin siya sinugod nung last week ata? Naaksidente raw eh habang nasa race track, nawalan ng preno iyong motor na sinasakyan niya, ayun sumemplang sa poste. medyo masama yung tama sa ulo. Pero okay na raw siya ngayon." Simpleng sagot ni Eliz at kinagatan ang hawak niyang slice ng pizza. Para bang tumigil ang mundo ko. Im not supposed to be affected right? Pero bakit ganun? Parang ang bigat ng pakiramdam ko nung nalaman ko na naaksidente siya? Guilt is eating me again. I want to see him.
"huy! Samantha!" bumalik ako sa wisyo nang kumway kaway si Jane sa harap ko.
"affected ka nuh? Akala ko ba past is past?" ngumiti naman ng nang-aasar si Eliz. Sinapak ko silang dalawa, minsan talaga ayaw ko nang malaman ang mga alam nila eh. Tsk.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Teen FictionWhen your heart has excess baggage, from the past, from other people. How can a cold hearted girl survive countless heartaches and letting go before she finds her way back into love? Im Samantha Blue Villareal and this is how I found my way back int...