Samantha's POV
Kinabukasan maaga akong nagising para makapaghanda ng umagahan. Im feeling great knowing na nasa isang peaceful place ako at malayo sa mga taong ayaw kong makita. And one more thing I feel dumb for being so emotional that night I don't know how to face him right now, kaya dahan dahan akong lumabas ng kwarto hoping na hindi makagawa ng ingay para hindi siya magising.
"Good morning!" nagulat ako nang biglang may sumulpot sa likuran ko.
"ay kalabaw!Bakit gising ka na?!" he stood so close to me at nakaka insecure dahil mukhang katatapos niya lang maligo, may face towel pa nga sa leeg eh. Pero syet! Nakakahiya parin yung kagabi, kaya naman tumalikod ako ulit. Minsan ang sarap istapler ng bibig ko eh.
"sa gwapo kong to magiging kalabaw pa ako? Aray naman Sam. I cooked breakfast early. Baba na tayo?"
"hehe! Sorry. Hindi mauna ka na, maliligo na muna ako tsaka hindi pa ako—" *grruuu* napakagat ako ng labi ko at naglakad pabalik ng kwarto. Shet naman! Gutom na ako! Nakakahiya kasi! Sana di niya narinig.
"hindi ka pa gutom? Eh narinig kong nagwawala na yang tyan mo eh. Halika na. kain na tayo, mamaya ka na maligo." Aangal pa sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang kusina.
"maganda ka parin naman kahit bagong gising ka." He winked at me and I feel my cheeks blush.
" good morning po." Bati ni ate Risa, nakahanda na ang mga pagkain,tahimik kaming kumain, dahil busy naman akon dahil gutom nga ako. Sobrang awkward ng paligid naming dalawa tanging ang paghuhugas lang ng mga kaldero ni Ate Risa ang naririnig.
"so, may maganda bang pasyalan dito? View? Or anything?" pagtatanong ni Dylan, I checked my phone, ni-isang message wala. Buong gabi ako naghintay ng text ni James, pero niisa wala. I texted him about sa pinag-usapan namin ni Dylan. I wanted to know if he still cares or maybe he can talk to me about it, he knows me better than myself kaya I need his opinion. I feel pathetic.
"meron naman kaso sa looban pa at tinatamad ako, gusto ko lang magstay dito." Pero deep inside gusto kong umakyat doon sa burol na malapit dito para makita ang sunset, I always go there kasama ang mga pinsan ko noon.
"talaga? Im sure meron kang gustong puntahan. Ate Risa, saan ba magandang pumunta dito?"
"ahhmm... doon po sa isang burol na maganda ang tanawin lalo na pag palubog na po ang araw, malapit lang rin po dito yun." Halos mabuga ko naman ang kinakain ko. Humarap si Dylan sakin at ngumiti. Syet, bakit nagmumukhang pa gwapo ng pagwapo tong isang to? Isasama ko na kaya si Ate Risa pag nagpa stapler ako ng bibig? Napailing ako.
"lets go there? Im sure alam kong alam mo kung saan iyon banda." Tumango lang ako at nauna nang umalis.
"san ka?" Umakyat ako papuntang kwarto at sumunod naman siya.
"sasama ka? Bubuntot ka?"
"kung pwede. Sasama ako kahit san ka pupunta." he answered grinning at me. I just rolled my eyes at him. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at iniwan siyang nakatayo sa doorway.
"umalis ka na maliligo ako. Di mo ako kailagang sundan. Nakakahiya kasi ikaw lang yung nakaligo na." balewalang sagot ko. Isasara ko na ang pinto nang harangin niya ito.
"pwedeng sumama?" nakangiting tanong niya halata namang nantitrip lang tong isang to. I rolled my eyes at nilaksan ang pagtulak sa pinto.
"manyak! Shupi!" tinulak ko naman siya palabas at sinira ang pinto, I also locked it to be sure.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Teen FictionWhen your heart has excess baggage, from the past, from other people. How can a cold hearted girl survive countless heartaches and letting go before she finds her way back into love? Im Samantha Blue Villareal and this is how I found my way back int...