TWENTY FOUR

12 0 0
                                    

Samantha's POV

The next morning nagising ako sa aking kwarto at sobrang sakit ng ulo ko. Ano kayang nangyari kagabi? Ang naalala ko lang ay nag-inuman kami ni Dylan tapos dumilim ang paligid tapos may disco...then...

"then? Anong sunod dun? Teka? Bakit iba na ang suot ko?hmm..." nahiga ako ulit sa aking kama at pilit inalala kung anong nangyari kagabi. Ito ang polo ni Dylan kagabi eh,naligo ako at nag-ayos para bumaba na.

"Dylan, mamamalengke muna ako. Paubos na kasi ang pagkain." Rinig kong paalam ni Ate Risa, sumulip ako sa pinto ng kusina at nakitang kumakain si Dylan, mukhang hindi ata maganda ang gising niya dahil nakabusangot ang mukha niya, may nagawa kaya akong mali kagabi?

" sya nga po pala, nag enjoy po ba kayo sa bayan kagabi? Timing nga po at nakarating kayo dahil huling araw na yun kagabi." Nabitawan naman niya ang kutsara niya dahilan para magulat si Ate Risa.

" Ewan ko! Siya lang nag enjoy! Kung alam niya lang gaano nya ako pinahirapan kagabi." Naiinis niyang sagot.

"ha? sino po? Si Sam po ba?" oo nga, ako ba? Medyo masakit pa kasi ang ulo ko, medyo blurry pa ang mga naaalala ko.

"wala wala. Nevermind. Pshh... sige na ate Risa, makakaalis ka na." lumayo naman ako kaunti para di ako makita ni Ate. Anong ibig sabihin nung isang yun? Pssh... Pumasok ako ng kusina na parang wala akong narinig kanina.

"ehem...good morning." Kumuha ako ng plato at kutsara saka umupo sa upuan kaharap niya. Nakayuko lang siyang kumain na parang hindi ako dumating. Anong problema nitong isang to?

"ahhmm... was I wasted kagabi? Anong oras tayo naka uwi?" casual kong tanong. Tumayo naman siya at hinarap ako pero mukhang naiirita ang ekspresyon niya. Ano kayang problema nitong isang to? Nagkatotoo na kaya ang dalawa para sa mga lalaki? Hahaha! This is amazing!

" oo. Mga quarter to 11 ata. Ewan ko! Kumain ka na nga lang dyan! Dami mong satsat." Padabog niyang nilapag ang plato at kutsara niya sa hugasan. Pero may pasa siya sa gilid ng labi niya, ano kayang nangyari dun?

"anong problema mo? Aga aga high blood ka agad. May dalaw ka ba? Nagkakadalaw na ba ang mga lalaki ngayon?" pabiro kong tanong baka sakaling tumino siyang kausap. Dahan dahan kong naalala ang mga nangyari kagabi. Shit. Nagkasuntukan and the next what?

"Ikaw ang problema ko! Kasi kagabi hi...hi... ewan ko sayo! Ikaw na maghugas ng plato at babalik ako sa pagtulog! Tsss.. alalahanin mo ang pinag gagawa mo kagabi! " napakamot siya ng ulo niya saka umalis.

"ano bang ginawa ko? Anong hi? Hinika? Hinapak? O High blood? Psshh...baka may hang over pa yung isang yun. Oh well, whatever." Nagpatuloy akong kumain at tulad ng sinabi niya ako na ang naghugas ng plato after that tumambay na ako sa sala para manuod ng movies.

Humihikbi ako at panayang punas ng luha at uhog ko, I was watching the notebook kung saan nagkita ulit si Ally at yung guy tapos nag talo sila dun sa may dock. Then nung nagkiss sila para akong sinampal. A memory flashed in my mind.

"hi...Hinalikan?" parang may biglang nagflash sakin na nangyari kagabi.

Flashback

"masakit ba? Dumudugo oh."

" me...medyo. Ako na maglalagay ng seat belt mo. Aalis na tayo."

"Wait..."

" gagamutin ko."

" NO WAY! NO FREAKING WAY! OH.MY.GOD! HINDI YUN TOTOO! Oh. My. God! " napasobra ata ang sigaw ko dahil nagmamadaling tumakbo si Ate Risa na may dalang walis tambo na para bang naghahanap ng away.

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon