<Samantha's POV>
Isang month na lang matatapos na ang aking pagiging 3rd year student at magiging graduating student na ako, ang bilis ng panahon at parang nung isang araw lang tatanga tanga pa si Jayson at ayaw kay Risha pero ngayon ayan head over heels ang mokong, too bad at may bf yung tao.
Naglalakad ako sa pathway papuntang building naming, buti nga bukas Friday na, parang nadrain lahat ng energy ko sa kakagawa ng mga projects for finals.
" hey! Bestprend! Haha goodmorning!" speaking of the devil, the devil is here. Inakbayan ako ni Jayson saka ginulo ang buhok ko.
"ang ingay mo! Manahimik ka nga!"mataray kong sagot sabay inom sa aking coke in can.
" ikaw ang aga pa highblood ka na, maaga pa! Bakit ka umiinom ng coke? nag breakfast ka na ba?"
"oo naman nuh! Anyway, kamusta nga pala kayo ni Risha? Hahaha kawawa ka naman may gusto na yung taong mahal mo,haha. Is it US girl all over again? " pang-aasar ko, naalala ko kasi iyong kwento niyang may gusto siyang babaeng taken na din noong nasa US siya.
" bakit palaaway ka ngayon ha? May dalaw ka ba?"
"ulol! Wala! Trip ko lang tsaka ganito naman talaga ako haha." Kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para umaray siya at sumimangot we stayed sa labas ng classroom since hindi pa naman time.
"Friends parin naman kami pero wag kang mag-alala di ako susuko , hihintayin ko siya. hihintayin ko silang mag break. Hahahaha!" sinapak ko na, mas Malala nga talaga ang saltik nitong isang to.
" adik ka! Ang corny mo! Sinisira mong umaga ko! Yuck!"
"anong corny dun? Eh mahal ko eh. Di ko susukuan.hahaha wag mo akong itulad sayo di ako emo! Hahaha!" pinalo ko ang braso niya at nagpaluan kami.
"Aray! Ang sakit nun ha! Tama na nga! Nakakarami ka na! puro pasa na tong braso ko sayang ang muscles! Hahaha" mas lalo ko nilakasan ang pagbatok saknya.
"muscles my @ss! Maiwan ka na nga!" tumawa lang siya at pumasok na ako.
"goodmorning brad!" bati ni James pero mukhang namatayan ang itsura. Naupo ako sa chair ko at humarap sakanya.
"yeah.same to you.anyare sayo?"
"Nag-away kami ni Allison eh,nagtatampo kasi siya dahil minsan na lang raw kami magkita. Nasaktan ko nanaman siya, sinubukan ko namang magbago eh, pero parang kulang pa ata effort ko para saknya."
"wow? Para yun lang? then maybe she doesn't deserve you,no offense ha. Try niyo kayang magsama sa isang bahay sa loob ng isang libong taon tingnan natin kung di kayo mag sasawa sa itsura ng isa't isa." Pabirong sabi ko, pero part of me ay na-iinis. Palagi na lang ganyan pag na-aaway sila, lagi na lang ako ang tinatakbuhan. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi nakikita kong nasasaktan ang kaibigan ko, bro's before hoes nga eh diba?
"ang sungit mo talaga kahit kelan! Problemado na nga yung tao tapos aawayin mo pa! ewan ko sayo!" tumayo na siya ng padabog at lumabas ng classroom. Anyare dun? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"aba ewan ko sayo! Bahala ka! Di kita ma gets!" pahabol kong sigaw pinagtinginan naman ako ng ibang kaklase namin " what?! Problema niyo?!" di ko alam pero galit ako sa mundo ngayon, PMS kaya?Makatulog na nga lang, nakakawalang gana itong araw na to.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
JugendliteraturWhen your heart has excess baggage, from the past, from other people. How can a cold hearted girl survive countless heartaches and letting go before she finds her way back into love? Im Samantha Blue Villareal and this is how I found my way back int...
