NINETEEN

12 0 0
                                        


<Phil's POV>

"dude! Sigurado ka ba?" tanong ni Renz at James nasa airport kami, hinatid nila at kasalukyan naming hinihintay ang boarding time ko.

" oo. Gagawin ko ba to kung di ako sigurado?" seryosong sagot ko. Pupunta akong Korea para sundan si Samantha. Simula noong nalaman ko ang nangyari sakanya. Gusto ko na siyang protektahan. I don't know why pero i found myself being attracted to her. Di naman kasi siya mahirap magustuhan eh. Tsaka may nakikita ako sa mga mata niya na alam kong iilan lang ang nakakakita. Its like she wants to be saved pero at the same time ayaw niya.

"sabagay. Sige,ikamusta mo ako saknya ha." Tinapik ni James ang balikat ko, tumango lang ako, alam ng buong tropa ang history ni James at Sam kaya naman hindi na ako dumagdag pa noon kahit na simula noong umamin siya sakin na nagustuhan niya ako, I rejected her. Hindi ko naman din kasi alam na may katangahang gagawin si James, abot kamay na niya si Sam pero biglang naglaho ang lahat, the next thing na nalaman namin ay hindi na sila pwede at may kanya kanyang lovelife na sila.

"Samantha!" alam kong siya iyon, kahit nakatalikod siya alam kong siya yun.

"Phil?" kunot noo siyang humarap sakin, I smiled when I saw her face. Mas lalo ata siyang gumanda? Mukhang nakakatulong ang paglayo niya. Shes really strong kaya niyang dalhin ang sarili niya kahit nahihirapan na siya.

"Hey. Andito ka rin pala?" casual kong tanong habang lumalapit sakanya. I don't want her to think that im stalking her, tumayo siya at humarap sakin then she gave me her sweet smile. My heart skipped a beat itong babaeng to talaga diba niya alam na sa bawat ngiti niya may pwedeng mahulog sa kanya?

"duh! Parang di mo alam na nandito ako nuh! Hahaha!" jolly niyang sagot, I walked towards her, something has changed in her hindi ko lang alam kung mabuti iyon o hindi, kung dati malungkot ang kanyang mga mata ngayon naman ay puno iyon ng galit. Ano ba kasing nangyari?

" oo nga nuh? Hahaha I was just joking." Actually kinakabahan ako pag kausap ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero I think I really like her thats why I'm acting this way.

" ah talaga?! Haha sige mauuna na ako." She started to walk away but then I followed her and held her wrist. This time, I'll try, I hope im not too late.

"oh? May kailangan ka pa ba?"

"yeah. Ahmm...actually,can we go on a date? Right now?" abot abo tang tibok ng puso ko, I've asked so many girls this question pero pagdating kay Sam ay para bang natatakot akong ma-reject. I swallowed three times then she smiled.

" huh? Okay ka lang? hahaha! Hmm....libre mo ba ako?" she said saka lumapit sakin at nag puppy eyes. Kinurot ko naman siya sa pisngi at natawa, saka ako nakahinga ng maluwag.

"syempre! Kaya nga ako nagyaya diba?" then her smile widened. Achievement to! Napasaya ko siya! Then I saw her smile, iyong genuine, sa totoo lang mas napapasaya niya ako.

"tara na?!" masiglang sabi niya sabay hila sakin paalis ng Namsan Tower Locks.

Dinala ko siya sa isang amusement park, syempre tuwang tuwa naman siya at agad akong hinila papuntang ticket booth para bumili ng ticket para sa lahat ng rides.

" punta tayo dun!" hinila niya ako papuntang Flume Ride. Nagpahila naman ako at sumakay kami. Being with her for a day is fun. Marami akong sides nya na nakita ko ngayon na dati di ko pansin. Nakakailang rides na ata kami noong napagod siya. She doesn't fear heights, mas gusto niyang nasa itaas siya. Kakaiba talaga siya. We strolled around dahil nagugutom na daw siya.

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon