<Samantha's POV>
" So pupunta ka ha! Di dapat mawala ang bestprend ko sa birthday ko!" nasa korea parin ako and its already two weeks. Medyo masaya naman na ako. Nakakangiti na ako. Kaskype ko si James ngayon at nangungulit siya na umattend ako ng joined birthday party nila ng gf niya sa susunod na week.
" adik ka ba?! Uuwi ako dyan ng maaga para lang sa party nyo? Sisirain mo pa ang bakasyon ko!" nang-aasar na sagot ko. But I've already bought tickets for next week, I want to surprise them kahit papano. I've missed them already too.
" wow ha! Ang selfish mo naman eh! Akala ko ba bestprend kita? Sige na uwi ka na dito tapos bumalik ka na lang ulit dyan."
"baliw ka! Pagsasayangin mo pa ako ng pera! Haler! Mahal ang ticket ngayon! Pero pwede rin naman iyong suggestion mo kung ikaw magbabayad ng tickets ko papunta at pabalik. Hahahaha!"
" sabagay, sige wag na nga lang! ganyan ka naman eh. Siguro may nakita ka nang bagong kaibigan dyan. Pinagpalit mo na ako!" nakasimangot niyang sabi. Natawa naman ako. Si james at iyong dalawang babae lang kasi ang palagi kong kausap online but most of the time si James.
" hahahahaha! Aysus! Tampururut ka nanaman! Baka nga ako pa ang pinagpalit mo eh!" bigla naman nawala ang ngiti sa mga mata ni James. Sandal kaming natahimik dalawa, nagkatitigan lang kami, now what did I say wrong?
"hindi kaya! Ikaw ipagpapalit ko? Hah! Aminin mo na kasi pinagpalit mo na ako!" muli siyang ngumiti sakin pero medyo hilaw iyon. I shrugged the thought away, masyado ko lang siguro siyang namiss in person kaya medyo naguguluhan ako sa mga kinikilos niya.
"hahaha! Ikaw ipagpapalit ko? Hmm... pwede rin! Hahaha oa,oa mo! Ako nga pinagpalit mo na."
" hindi kaya! Kanino kita pinagpalit, aber?" naupo siya sa kama niya. Ako naman dinala ang laptop ko sa kama saka doon naupo.
"sa gerlprend mo! Huhuhu! Kinalimutan mo na ako! Uhuhu hindi ka man lang pumunta ng airport para magpaalam sakin." Pag-iinarte ko.
" hahahaha! Baliw! Di kaya kita pinagpalit! Teka nga, bakit ganito na usapan natin?"
"aba malay ko. Ikaw nauna eh! Hahaha" for some reason natawa na lang kaming dalawa. Eversince umalis ako si James na ang palagi kong kausap, mapafacebook man o Skype. Di niya ako iniiwan at halos every night nag-uusap kaming dalawa. He really cares about me.
" sige na. tulog na ako. Goodnight!" pagpapaalam ko.
" tama yan! Para tumangkad ka! Hahahaha! Goodnight! Kunin ka sana ni sadako! Hahaha!"
"gago! Korea to hindi Japan!"
" oh? Eh di si Sangkangkang na lang! Yung sa kimi dora? Hahahaha!"
"hah? Hahahahahaha! Gagu! Sige out na ako! Byebye!" kumaway kaway ako sa kanya bago naglog-out, its really fun talking to James at nakaka-amaze din ang patience niya pagdating sakin.
"ulol. Sankangkang daw oh. Pshh... hahaha!" and after that nakangiti na akong natulog.
Kinabukasan medyo maaga akong nagising, im planning on buying pasalubong for the whole tropa. After kong maligo at magbihis dumiretso ako sa kusina, naabutan ko naman si Kuya Prince na nandoon.
After kong kumain nagpaalam na ako kay kuya at kinuha ang listahan ng mga bibigyan ko ng pasalubong. Wow lang ha! Sa pagkakaalam ko malayo pa ang Christmas pero heto ako at may listahan ng mga gusto ng mga kaibigan ko. I smiled ath their wishlist, simple lang naman iyong gusto ng iba, puro food nga ang gusto nila, lalo na spicy ramen, key chains, caps and chocolates.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Teen FictionWhen your heart has excess baggage, from the past, from other people. How can a cold hearted girl survive countless heartaches and letting go before she finds her way back into love? Im Samantha Blue Villareal and this is how I found my way back int...