REN'Z POV.
Nagsuot na lang ako ng earphone para hindi ko na marinig ang tilian at sigawan ng mga hopeless romantic na kababaihan sa corridor.
Tss!Ang sakit nila sa tenga.
Palagi na lang kapag papasok kami ng mga kagrupo ko dito sa St. Benedict ay sinasalubong kami ng mga nagku-kumpulang mga girls at grabe pa kung makasigaw. Hindi rin ako natutuwa sa ginagawa nila dahil masyado silang epal.
Masyadong mga papansin. Nakakainis silang makita araw araw.
"Haha!Anong itsura yan tol?" Narinig ko naman ang boses ni Jin na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti.
Nagmake-face na lang ako dahil wala akong panahon makipag-asaran sa kanila.Huwag nila akong simulan.
"Haha, nagulo na naman kase yung polo niya kaya yan ganyan" Sabat naman ni Chards.
"Manahimik na nga kayo! tsk," Saway naman ni Chords. Sa aming grupo, si Chords ang masasabi kong malapit sa ugali ko. Ayaw niya rin ng masyadong maingay maliban sa musika dahil hindi naman iyon masakit sa tenga.
"Pfft!" Agad ko naman sinamaan ng tingin si chards kaya napatakip na lang siya sa kanyang bibig.
Ayaw pa-pigil. Pasalamat siya at nakaearphone ako, kundi kanina ko pa siya nabangasan.
KRING...KRING
"Excuse lang mga tol" Dinig kong paalam ni Jin. Hindi ko lang siya pinansin dahil busy ako sa pakikinig sa nagpe-play na music. Nang tingnan ko naman ang paligid ko ay hindi ko na mahagilap sila Chards. Napailing na lang tuloy ako. Hindi ko man lang namalayan na naiwan na pala nila ako.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa matapat ako sa isang classroom. Agad na nangunot ang noo ko ng mag-iba ang lyrics ng kanta.
"Ano bang problema mo?! Tsk." Inis na tanong ko sa earphone ko. Bigla-bigla na lang kasing nag-iiba ng music. Inis na tinanggal ko iyon sa aking tenga nang bigla akong matigilan. Agad rin nangunot ang noo ko dahil sa narinig kong boses mula sa loob ng classroom.
Wala sa sariling napasandal ako sa pintuan ng silid. May narinig kasi akong boses ng babae na kumakanta sa loob.
Di pa, di pa handang umibig ngayon.
Di pa handang masaktan...
Di pa, di pa kayang ibigay ang lahat!
baka ang puso ko'y paglaruan.
Pagkat sabi nila pag ito'y totoo.
Ay kaya mong maghintay di agad bibigay.
Ngunit sa ngayon ang puso ay di pa handa..
Di pa
Di pa
Di pa
Di paNgunit sa ngayon ang puso'y hindi pa handa...
Agad akong napapikit ng malinaw kong marinig ang boses niya. Pakiramdam ko ay para akong hinehele. Hindi naman ako nakatiis at agad kong pinihit ang doorknob. Nang makapasok ako ay agad kong nakita 'yong babae. Nagsalubong pa ang kilay ko ng bigla siyang tumakbo.
No choice ako kundi ang habulin siya. Kailangan kong matanong ang pangalan niya. Masyadong maganda ang boses niya at sobrang galing niyang kumanta. Pwede siyang sumali sa aming banda.
"Miss sandali" Malakas na sigaw ko at akmang hahawakan ko na siya ng bigla niya akong tuhurin. Agad naman akong namilipit sa sakit.
"Shit!" Nasapo ko na lang ang kaibigan ko. Ako na nga itong nagpapaka-gentleman. Ako pa itong nasaktan.
Nang makayanan ko na ang sakit ay dali-dali akong tumakbo para sana habulin pa siya ngunit hindi ko na siya naabutan.
"Tss! Nasaan na 'yon?" Takang tanong ko. Hindi ko na kasi nakita kung saan siya lumiko para takasan ako.
"Haysst! Bakit parang takot na takot siyang may taong nakadinig ng kanta niya?" Inis na sabi ko. Plano ko na sanang bumalik nang may mapansin akong papel na nasa sahig. Agad kong kinuha iyon at binasa ang nakasulat.
-Heather-
Nangunot lang ang noo ko ng mabasa ko ang nakasulat na pangalan.
Heather?
Ito ba ang pangalan niya? Pero paano ko naman siya hahanapin? Haysst! Kaasar.
Umalis na lang din ako ng music room at nagmadaling naglakad patungo sa room ko. Ibinulsa ko na lang din 'yong papel na nakita ko.
Prente lang akong naglalakad sa gitna ng hallway habang nakapikit ng may bumangga sa'kin. Napaatras pa ako dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo niya.
What the hell?
"Fuck! Are you blind?" Inis na tanong ko sa babaeng nasa harap ko. Nakatungo lang siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Sorry," Mahinang sabi niya at mabilis na tumalikod 'tsaka nagmadaling maglakad.
What the--- Sorry? Iyon lang ang sasabihin niya? Masyado naman ata siyang matipid kung magsalita. Talagang ginagalit niya ako.
"Hoy! Miss! So, ganun na lang 'yon? Sorry lang?" Malakas na sigaw ko ngunit hindi naman niya ako pinansin at bigla na lang tumakbo.
Mas lalo tuloy nag-init ang ulo ko. Napayukom pa ako ng kamao. Huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin dahil gagawin kong miserable ang bawat araw niya dito sa St. Benedict.
"MR. FORTALEJO, your late!" Galit na singhal ng math teacher ko habang matalim na nakatitig sa'kin. Nagpamulsa na lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.
Pakialam ko naman sa kanya?
"Nah--I don't care!" Walang galang na sabi ko kaya mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin.
"Woahhh!" Dinig ko pang hiyawan ng mga kaklase ko.
"QUIET!!" Galit na sigaw ng teacher namin. Iyong tatlong ugok naman tawa lang ng tawa sa dulo. Dumiretso na lang ako sa assign seat ko at tsaka naupo.
"Miss? Anong building ka at mukhang naliligaw ka pa" Tanong naman ni ma'am doon sa isang babae. Medyo kalmado na rin ang tono ng teacher namin. Nang makita ko naman ang mukha nung babae ay agad akong napangisi.
Hindi ko akalaing dito pa kita makikita. Humanda ka sa'king babae ka!
"D-Dito po," Maikling sagot naman niya. Napailing naman ako dahil sa sobrang tipid niyang magsalita.
"What's your surename?" Naiinip na tanong ni ma'am kat sa kanya. Ang tagal niya kasing dugtungan ang sasabihin niya.
"Fortez po," Maikli na naman niyang sagot. Nakita ko naman na inirapan siya ng teacher namin. Masyado naman kasi siyang mahiyain.
"Oh, well, dito ka nga. So, introduce yourself first," Walang ganang sabi nito sa babae. Kahit sino naman siguro ay hindi gaganahan kung ganyan katipid magsalita ang kausap.
Tss!
"H-hi! I'm--H-hime Heather--F-o-r-tez" Bigla na lang nanginig ang boses niya. Natigilan naman ako ng marinig ko ang pangalan niya.
Teka? H-Heather?
Agad ko naman naipilig ang ulo ko.
Ano ba itong iniisip ko?
Paanong magiging siya iyong babae sa music room kung nakita ko siya sa hallway at binangga pa ako?
Napaka-imposible, masyado siyang mahiyain para masabi kong siya 'yong babae sa music room.
BINABASA MO ANG
The Secret Voice [C.O.M.P.L.E.T.E.D.]
Teen FictionThe mysterious voice at the music room First cought the full attention of Renz. Nakinig siya sa boses na nagmumula doon and that was time whe he started to listen every tuesday In the morning after class before lunch... Lagi kaseng ganung oras ang n...