HEATHER POV
ang malas ko lang talaga.alam niyo yung tipong buhat buhat ka niya.
Nakakailang .na nakakainis.Masyado siyang concern.Kahit alam ko naman na wala siyang paki sakin..
Hay..hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi.
Bumangon na ako ng kama kahit hinihila pa rin ako nito pabalik..hayy inaantok pa ako eh..
Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko agad si tita jane na nakaayos.siguro may lakad toh.
"Good morning p-po tita jane!"sabi ko.ngumiti naman siya sakin.bakit ganun.kahit may anak na si tita jane ang ganda niya parin.mukha pa rin siyang dalaga kahit may anak na siyang binata.
"Good morning rin heather...ang aga mo namang nagising"napakamot naman ako sa batok.hehe...hindi naman ako nakatulog ng maayos kaya ganun.
Nakarinig naman ako ng may bumusina sa labas...
"Oh by the way ikaw na munang bahala sa baby boy ko..may lakad pa ako!"
"Po?"totoo ba yung narinig ko.hindi naman ako bingi.gusto ko lang makasiguro.
"Ikaw na munang bahala kay renz..okay lang naman yun hindi bah?"Kusa akong tumango kahit tutol yung isip ko.Ano na lang yung mangyayari sakin pag nagkataon?
Nakababa na si tita jane at kumaway pa sakin.Kumaway din ako..napabuga ako ng hangin...Haysst.Tumingin naman ako sa orasan.Breakfast time na pala.kailangan ko ng tawagin yung lalaking yun.
Naglakad na ako papunta sa kwarto niya.kinatok ko lang yun.
"Renz?"tawag ko.hindi kase bumubukas yung pinto...ano naman kayang trip nito?
"Renz?kakain na tayo....!"mas nilakasan ko yung katok ko kaso wala.Pinihit ko naman yung knob..bukas...bakit hindi ito nakalock?
Pumasok na lang ako.naabutan ko siyang nakahiga parin sa kama at balot na balot.Hayyy..
Dug dug dug dug--
Ayan na naman....Tumigil ka muna plss.lang heart..makisama ka.hindi pa ako ready masaktan...
Nanginginig akong lumapit kay renz.ewan ko ba kung bakit nilalamig ako.siguro malakas lang yung aircon.
Eto namang lalaking toh balot na balot.
"Renz..bumangon ka na diyan...kakain na"sabi ko.pero nanatili siyang nakapikit.hindi ba niya ako naririnig..hayy naku naman.
"Renz hindi ako nakikipagbiruan sa--"
"P-pa-k-kipatay n-ung...aircon"bakit parang ang lamya ng boses niya.tsaka namumutla rin siya.agad ko namang sinipat yung noo niya.ang init napapaso ako..
"Nilalagnat ka..."alala ko...kase sabi ni tita jane ako ang bahala sa lalaking toh.bakit ngayon pa siya nagkasakit?lord naman bakit lagi na lang akong minamalas..no choice tuloy ako..aalagaan ko na lang siya.Kawawa naman siya kung pababayaan ko lang.
"diyan ka lang kukuha lang ako ng planggana at bimpo!"sabi ko.wala naman siyang respond.Hayy bago ako lumabas ay pinatay ko muna ang air con.
Baka mas lalong lumala yung lagnat niya kapag hayaan kong nakaon yung air con eh nilalamig na nga siya.
"Manang nasan po nakalagay yung maliit niyong planggana?"naabutan ko kase si manang na nasa kusina at nagluluto.
"Uhh..nasa labas iha sa may likod!saan mo ba gagamitin iha?"
"Uhh nilalagnat po kase si renz..salamat po manang....!"sabi ko.pumunta na ako sa likod.agad ko namang nakita iyon at kinuha .patakbo kong tinungo ang kwarto ni renz.
Naabutan ko siyang nakabaluktot at balot na balot parin sa kumot.
Sinipat ko ulit yung noo...mainit pa rin siya .
Nilagyan ko muna ng tubig yunt planggana tsaka binasa yung bimpo...
"Renz?"tawag ko sa kanya.tinanggal ko na rin yung kumot na nakabalot sa kanya...
"Hmmm..." Mukhang masama talaga yung pakiramdam niya..
"Uhh ehh..r-renz...Bumangon ka muna...pupunasan kita"sabi ko.ako ang kinakabahan sa gagawin ko eh...
Dumilat naman siya at bumangon.agad ko naman siyang inalalayan..
"Uhh renz...p-pwede mo bang tanggalin yang t-shirt mo!"napangisi naman siya...
"Sabi k-ko na ma-y p-pag nanasa ka sakin eh"ang sarap rin tuktukan ng lalaking toh eh....may sakit na nga nagagawa pang magbiro..grr sarap talaga tuktukan..
"Pwede ba renz..may sakit ka na nga nagagawa mo pang magbiro"inis na sabi ko.kayo kaya dito...Hindi ko alam kung dulot lang ba ito ng walanh aircon kaya ako naiinitan or what...
"Okay!"pagsuko niya at tinaas ang t-shirt niya.inalalayan ko naman siya.agad akong nag iwas ng tingin....Pesti na..bakit ang hot ng lalaking toh...
Matapos niyang mahubad yung t-shirt niya ayy agad ko siyang pinunasan.inuna ko sa leeg papunta sa dibdib...iiwasan ko naman dapat yung abs niya kaso what the ....
"Mainit...heather ..."sabi niya.eh kung sapakin ko kaya toh ng makatulog na siya.nananadya talaga siya eh ...no choice ako kundi..punasan yun...
Binilisan ko lang at kumuha agad ako ng t-shirt niya sa closet...
"Itaas mo yung kamay mo....Isusuot ko sayo toh"tinaas naman niya agad yung kamay niya.Sinuot ko agad yung t-shirt...nagulat ako ng yakapin niya ako..what the...dibah nga sinuot ko sa kanya yung t-shirt tas nakataas yung kamay niya edi pagkababa niyakap niya ako...
Nakakainis..bakit ang lakas pa rin ng lalaking toh.kahit may sakit na..hayy.
"Renz!lumayo ka nga ang init mo"sabi ko .totoo naman eh ang init...
"Plss..ganito lang tayo...Nilalamig pa ako eh.."ako pa talaga ginawa niyang heater...hayy...di bah niya alam ako yung nahihirapan?
Ilang minuto pa na nanatili kaming ganun hanggang sa lumuwag na yung yakap niya at medyo bumigat na yung balikat ko.nang tingnan ko tulog na pala siya.
Ang bigat naman ng lalaking toh.kumpara sa katawan ko .hiniga ko na lang siya sa kama.
Kinumutan ko na rin siya..hayy ....aalis na sana ako kaso hinawakan naman niya yung kamay ko kaya napahinto ako..
"Plss heather...stay here!don't leave"ewan ko pero kusang sumunod yung sarili ko at umupo sa kama.hawak niya pa rin yung kamay ko.
Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog.Hayy...napabuga ako ng hangin.
Bakit mukha siyang inosente kapag natutulog....Parang may kumurot sa puso ko.Hanggang kelan ko ba itatago na ako yung babae sa music room.hanggang kailan ba ako magtatago sa kanya .hanggang kailan ba ako aasa.hanggang kailan ako matatakot ?sana naman pagdating ng araw makaya ko toh..
Napahawak ako sa puso ko.
Kapit ka lang...kaya mo yan..hanggat maari wag kang mahuhulog...hindi niya naman tayong saluhin pareho lang tayong masasaktan..
BINABASA MO ANG
The Secret Voice [C.O.M.P.L.E.T.E.D.]
Teen FictionThe mysterious voice at the music room First cought the full attention of Renz. Nakinig siya sa boses na nagmumula doon and that was time whe he started to listen every tuesday In the morning after class before lunch... Lagi kaseng ganung oras ang n...