CHAPTER 35

3.4K 68 3
                                    

--------
HEATHER POV.

Nagmulat ako ng mata at napangiti ako ng makitang nakayakap siya sakin..Natawa na lang ako sa itsura niya eh..Gulo gulo yung buhok.Pinagmasdan ko muna siya...Kahit na tulog siya at ang gulo gulo ng buhok niya....Napangiti na lang ako ng maisip kong walang nagbago sa itsura niya gwapo pa rin...Inosente kapag tulog...

Hinalikan  ko muna siya sa noo niya at dahan dahan ko lang tinanggal ang kamay niya tsaka naglagay ng unan dun.

Tumayo na ako na ako...Magluluto na lang muna ako ng almusal namin.Isang linggo na rin simula ng mangyari ang eksenang yun na pagtakbo ni renz sa kasal nila ni kristine...

Dito muna kami tumutuloy sa isa sa mga condo unit ni chords..Buti nga at pinayagan niya kaming dito muna kami.Tsaka si renz din naman yung nakipag usap.Gusto ko siyang  pagtawanan kase naman ayaw akong ipakita kay chords...Possesive...Hindi niya ba alam na siya lang yung mahal ko.

pumunta na akong kusina para magluto.Binuksan ko ang gastove at nagsalang dun ng kawali..Isinuot ko muna yung apron ko.

Naglagay muna ako ng bigas sa rice cooker bago ko kinuha sa ref yung bacon and hotdog.Iyon lang kase ang nasa ref.Busy pa kase si renz sa work tapos ayaw naman niya akong palabasin..Baka raw saktan ako ni kristine..Di na lang ako umangal..

binalatan ko na yun at sinimulang hiwain...Pagkatapos ay naghugas muna ako ng kamay bago ko inilagay sa kawali...

Sinimulan ko ng iprito yun ...Busy ako sa pagluluto ng may marandaman akong yumakap mula sa likod ko..

"Hmmm?Ang bango  naman niyan"Narandaman kong ibinaon niya ang ulo niya sa leeg ko kaya nakiliti ako..

"Gising kana pala"Sabi ko habang abala sa pag babaliktad nung bacon.Nagpatuloy lang ako sa pagluluto habang  nakayakap siya sakin.

"Hmm..Ang sarap pala sa pakiramdam na ganito"Napangiti na lang ako.Medyo nakiliti lang ako.Tumama kase yung hininga niya sa leeg ko.

"Anong ganito?"Tanong ko habang nagpiprito.Malapit na rin namang maluto yung niluluto ko eh..

"Na magkasama tayo sa iisang bahay tapos kasama kita..Na akin ka ay akin ka lang"Mahina akong napatawa dahil sa sinabi niya.Always talaga  niyang pinapaalala sakin na sa kanya lang ako...Alam ko naman sa sarili ko na bata pa lang kami sa kanya na unang tumibok yung puso ko.

"Ikaw talaga!Sayo naman talaga ako simula pa nung una"Ngiting ngiting sabi ko.

"Baby ko,bitaw muna ililipat ko lang toh"Sabi ko.Kapit na kapit kase sakin.Parang anytime na bitawan niya ako mawawala ako sa kanya.Well siguro dati pero bumalik naman ako eh.

"Hmm okay baby"Bumitaw naman siya agad kaya kumuha na kaagad ako ng plato na pagsasalinan ng hotdog at bacon.

Inilapag ko na yun sa mesa.Napatigil na lang ako sa ginagawa ko ng marealize na nakatingin siya sakin.Hmm..

"Hmm?Bakit ganyan ka makatingin?May dumi ba ano sa mukha?"Tanong ko ng bigla siyang pumihit ng tawa.Napakunot noo lang ako.ANo bang nakakatawa sa tanong ko?

"No baby,ang ganda mo kase eh tsaka hindi ko naimagined na mararanasan kong alagaan ng isang katulad mo"Sabay kindat niya sakin.Napahawak naman ako agad sa puso ko.Gosh...Muntik na siya makawala itong renz ko .Ngumiti na lang ako bago tinanggal ang apron ko...

"Hmm pano ba yan ?Hindi ka gwapo eh"Biro ko sa kanya...Agad naman siyang napasimangot...

"Sinong gwapo sa paningin?Mo si chords?"nagdilim na rin ang mukha niya...mahina akong natawa...Grabeh lang...Great jealous niya ata si chords eh.

The Secret Voice  [C.O.M.P.L.E.T.E.D.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon