HEATHER POV.
"Hello?"Sagot ko sa tawag sa kabilang linya.Busy ako ngayon sa sobrang daming dapat ayusin...Andami kaseng nag papakasal ngayon eh..Haysst.
"Bess"Napahinto naman ako.Si ynah lang pala.
"Oh?Ynah...Napatawag ka?"tanong ko habang isa isang chinechekan yung mga nabili ko na kakailanganin..
"Haysst pwede mo ba akong samahan"
"hmm san naman?"Tanong ko kahit hindi ko siguradong masasamahan ko siya.Andami ko kase talagang trabaho..Yung asawa ko naman nasa office rin at busy sa mga paper works..
"Dito sa Night club.."Agad kong nahawakan yung phone ko...Ano bang pumasok sa utak ng babaeng toh at pumunta dun?
"Anong ginagawa mo diyan?"Tanong ko..Narinig kong bumuntong hininga siya....
"Eh bess...Bakit ganun?Ang sakit sakit"Napabuntong hininga na lang din ako.Hindi pa rin pala siya nakakamove on sa ex niyang niloko siya..
"Bess...Dibah ikaw na yung nagsabi?Ang mga manloloko hindi dapat pinag aaksayahan ng panahon at luha...Kaya umuwi kana"Sabi ko.Pagak siyang natawa..Lasing na ata si ynah eh.
"Oo nga noh?Eh kashe ngshamjen..Mahal ko shkya ...Yung manlolokong yun...Ang lakash ng loob niyang ipagpalit ako sa iba"Narinig kong nagsisimula na naman siyang umiyak..
"Ynah..Nasan ka ?Pupuntahan kita diyan..."Hindi ko rin naman matitiis tong kaibigan ko.Tsaka baka mamaya kung ano pang mangyari sa kaibigan kong toh.
"Talaga ? Pupuntahan mo ko dito?Baka naman paasa kashren tulad ng ex ko!*Sob*"Napailing na lang ako at isinara ang notebook ko.
"Oo...Itext mo yung address papunta na ko"Sabi ko..
"Oh shigeh " Inend ko na yung call..Inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas ng office ko..
Agad akong sumakay sa kotse ko at inistart ang engine nun...narinig kong nag ring na naman yung phone ko kaya naman kinuha ko na yun bago sinagot.
"Hello?"
"Hey baby..Nasan ka?Nandito ako sa office mo"
"Huh?Anong ginagawa mo diyan?"Tanong ko.Kung kelan malayo na ako tsaka pa siya dumating.Alangan namang bumalik pa ako.
"Namiss na kase kita.Nasan ka ba?"Tanong niya.
"Nasa byahe ako papunyang night club"Sabi ko.
"What?Night club...Anong gagawin mo dun?heather sinasabi ko sayo kap--
"I love you...!"Saglit na natahimik yung nasa kabilang linya...
"Baby?ano bang gagawin mo dun"This time mahinahon na siya kaya napangiti ako.
"Pupuntahan ko si ynah...Mukhang may tama na eh..Baka mapano na yun"Sabi ko.narinig kong Bumuntong hininga siya.
"San ba?Nang mapuntahan ko kayo dun..Hindi ako mapapalagay na pupunta ka sa lugar na maraming lalaki na pwedeng humawak sayo"Mahina akong natawa.Napaka possesive talaga.
"itetext ko na lang po..Mahal...Wag ka na diyan mag alala...Okay ? I love you po"Malambing na sabi ko..
"Hayy...Okay bye.I love you too..Mag iingat ka "Napangiti ako
"Ofcourse..Bye"Inend ko na ang call at ipinark ang kotse.Nakarating na pala ako sa tinext ni ynah..pagkalabas na pagkalabas ko nakita ko agad ang gusali na maraming nakatambay na nagsisigarilyo sa labas.Napailing na lang ako.Pasaway talaga yang ynah na yan..Makapasok na nga.
Nagsimula na ako maglakad papasok..Agad akong napatakip ng bibig at napaubo ng may sumalubong saking makapal ng usok ng sigarilyo...The hell.May asthma ako...
BINABASA MO ANG
The Secret Voice [C.O.M.P.L.E.T.E.D.]
Teen FictionThe mysterious voice at the music room First cought the full attention of Renz. Nakinig siya sa boses na nagmumula doon and that was time whe he started to listen every tuesday In the morning after class before lunch... Lagi kaseng ganung oras ang n...