Kabanata Isa: Anino

2K 65 3
                                    

Bata pa ako noon, tanda ko pa. Mga limang taong gulang pa lang ako ng
mag umpisa kong maranasan ang kakaiba kong kakayahan..

Naglalaro ako noon mag isa sa malaking bahay namin sa probinsya.
Masyado yung malaki para sa akin. Wala sila nanay at tatay. Wala din ang kuya kong panganay. Ako lang mag isa.

Kung makikita nyo ang malaking bahay, tiyak na matatakot kayo kahit wala pang kababalaghang nangyayari. Dahil nga bata pa ako noon, wala akong pakialam sa paligid ko. Hindi ko iniinda ang nakakatakot na lugar. Ang malaking bahay na puno ng mga antigong gamit mula sa sala. May malaking orasan na malakas kung tumunog. Rinig mo ang bawat tunog ng oras kada usad ng segundo at minuto.

May malaki at luma din kaming kagamitan na hindi ko alam kung para saan noon. Mga mwebles na marmol at  malaking kabinet. Ang sarap noon pagtaguan kung normal akong bata.

Pero hindi ang malaking bahay namin ang kinatatakutan ko, kundi ang sarili ko mismo. Bakit? Kasi ako ang nakakakita ng mga kasama namin sa bahay. Ako lang.

Masaya akong naglalaro noon sa maliit kong silid. Kontento ako kahit wala akong kaibigan. Na siyang naging dahilan upang lapitan ako ng kung anong mga elemento.

Tahimik ako sa paglalaro mag isa ng makirinig ako noon ng sitsit..

"psittt... psittttttt... psitttttttt...."

Mahina nung umpisa hanggang lumakas ng lumakas.. Lumingon ako noon sa paligid pero wala akong makita.

Hindi ko pinansin yon, dahil nga bata lang ako mas pinagtuunan ko ng pansin ang paglalaro. Hanggang makarinig ulit ako ng sutsot...

"psiitttttttttttt"

"psitttttttttttt"

"psittttttttttttt"

Tanda ko pa, tatlong beses akong sinitsitan noon. Hindi ako nakaramdam ng takot. Tumayo ako at hinanap kung sino ang sumisitsit sa akin..

Mabilis akong humakbang palapit sa pinto ng maliit kong silid. Akala ko pa nga noon, sila nanay at tatay yon. O kaya naman ay si kuya na pinagtitripan na naman ako.

Nagmadali ako sa paglabas. Malaki ang bahay namin, dahil sa bata pa ako at maliit lang kung humakbang hindi ganoon kabilis para sa akin ang hanapin ang mga sitsit na iyon.

Nakalabas na ako ng pinto. Hindi naman kasi yon nakasarado. Nagawa ko panga noon magtanong eh. Kasi naisip ko baka yung pamilya ko lang yon..

"Nanay, Tatay...kayo po ba yan?" tanong ko pa. Pero walang sumagot.

Tahimik ang buong bahay. Hindi naman madilim sa loob namin pero hindi rin nakakatakot. Umikot ako papunta sa silid nila upang tingnan, pero wala akong nakita.

Sa silid ni kuya pumunta din ako, pero wala pa si kuya. Nasa dulo ng bahay ang silid niya kaya malayo na yun sa may sala. Maglalakad na ako pabalik ng marinig ko ulit yung sitsit. Mahina lang iyon pero rinig ko pa rin.

"Psitttt"

Mabilis akong lumingon sa paligid noon. Wala pa din naman akong nakita.

Aalis na ako noon..tumalikod na ako at nagsimula humakbang.. Sa pagtalikod ko may maitim na bagay sa likod ko ang nakatayo. Malaki iyon at hindi nag iisa. Gumapang ang takot sa inosente kong kaisipan.

Ang Kakayahan ni SabinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon