Kabanata Labing Tatlo: Baguio
Buong maghapon noon inisip ko kung ano ba yung napanaginipan ko? Kung bakit ko iyon napanaginapan? Sino yung mga tao sa panaginip ko? Nakita ko na ba sila? O makikita ko pa lang?
Marami akong tanong sa isipan ko na alam kong hindi pa nasasagot. Ang pagkakaroon ko daw noon ng tinatawag na vision ang isa sa mga bumabagabag sa akin. Hindi ko maintindihan pero tuwing pipikit ako ay nakikita ko ng maayos ang pangyayari.
Para iyong isang high definition video na paulit ulit na nag piplay sa utak ko. Ang mga eksena na aakalain mong nagaganap mismo sa harapan mo. Ang bawat saksak nung lalaki sa biktima. Ang masaganang dugo na umaagos sa dibdib niya tuwing masasaksak ay nagbibigay ng kilabot sa akin.
Ayoko na ng makita ang eksena na iyon, subalit sadyang pinaglalaruan ako ng vision ko. Sa pagpikit ng mata ko ay siyang pagbalik ng mga nakita ko. Ang pag ngisi ng lalaki sa akin. Tila ba alam niya na nakikita ko siya habang walang awa niyang pinatay ang biktima niya. Ayoko na! Ayoko naaaaaa!
"Hoy, Sabina anak! Bakit ka ba sumisigaw dyan?" takang tanong ni nanay. Nakatingin silang lahat sa akin. Naguguluhan at nag aalala.
"Wala po, 'Nay. Yung pangitain ko na naman." walang ganang sagot ko. Bumuntong hininga lang si nanay.
"Oh, sya..Mag impake ka na ng mga gamit mo. Maaga tayong aalis bukas." saka nila ako iniwan mag isa. Kailangan ko nga sigurong maghanda. Inalis ko sa isipan ko ang pangitain na bumabagabag sa akin.
Halos isang oras bago ako natapos sa pag iimpake. Pinaghandaan ko iyon ng bongga dahil minsan lang kung kami ay magbakasyon. Kaya lulubos lubusin ko na.
Kinabukasan..
Sampung minuto bago mag alas tres ng madaling araw. Nakagayak na kaming mag anak. Dala ni tatay yung sasakyan na hiniram namin kay tiyo Miguel.
Nag impisa na kaming ilagay lahat ng gamit naman sa sasakyan. Madami dami iyon dahil doon kami sa loob ng dalawang buwang bakasyon.
Mula sa lugar namin ay mga limang oras na byahe bago kami makarating ng Baguio. Dahil sa maaga nga kami nagising hinila ako ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako..
Isang mahinang tapik ang gumising sa akin.
"Hoy, Sabina. Gumising ka na dyan. Kakain na tayo!" Rinig kong tawag ni kuya Santi. Hindi ko siya pinansin.Pumikit ako ulit saka ako nakaramdam ng pagyugyog. "Hoy, Sabina. Bangon na kasi. Kakain na tayo!" sigaw ni kuya sa tenga ko.
Kahit antok ay bumalikwas ako ng bangon. "Ano ba kuya? Kitang natutulog pa ako eh!" reklamo ko sa kanya. Inaantok pa kasi talaga ako..
"Umayos ka nga! Wala tayo sa bahay! Nasa byahe po tayo ngayon kaya kumilos kana dyan!" inis ng sabi niya sa akin. Ano daw? Wala kami sa bahay? Paano nangyari...
Hala oo nga! Pupunta pala kami ng baguio ngayon! Dahil sa naalala ko ay nagmadali akong bumangon. Ang sarap kasi ng pagkakahiga ko sa loob ng van na hiniram namin.
Nag stop over lang pala kami para makakain sandali. Hindi ko na muna inisip yung mga pangitain ko.
Nag enjoy ako sa pagkain habang ponagmamasdan ang tanawin. Ang ganda! Minsan lang ako makakapunta dito kaya dapat sulitin ko na.
Matapos kaming kumain ay nagbyahe na ulit kami. Hindi na ako natulog ulit kasi baka pagpumikit ako..yun na naman ang makita ko.
Hindibko alam kung nasaan na ba kami pero pakiramdam ko nasa baguio na kami. Ang lamig na kasi. May nakikita na din akong mga fine tree.
Sobrang sariwa ng hangin sa probinsya. Mga isang oras pa ay nakarating na kami sa bahay ng mga kamag anak namin.
Nasa isang compound nakatirik ang bahay na lola at lolo ko. Ang mga magulang ni Nanay.
Pagbaba ko ng van...sinalubong kami ng isang matandang babe.
"Maligayang pagdating dito sa bayan ng Sta. Catalina." wika niya. Sinalubong siya ng yakap ni Nanay.
"Sus, si tiya Magda talaga, hindi na nagbago! Kamusta na ho kayo?" kumalas sila ng yakap sa isa't isa.
"Aba, eh, mabuti naman kami. Masaya kami dahil naisipan nyo magbakasyon ngayon dito sa atin." wika niya na ang mata ay nakatingin sa amin.
Napansin iyon ni Nanay Kaya agad kaya kaming tinawag.
"Mga anak, halina kayo!" tawag niya."Ito nga pala ang akibg tiya Magda. Kapatid ng lola nyo. Siya ang bunso! Hala, magmano kayo!" utos ni nanay.Lumapit kami sa kanya saka nagmano. "Ito naman ang mga anak ko tiya, Si Santi at Sabina."
"Kaawaan kayo ng Diyos! Ang lalaki nyo na ah! Nung unang kita ko sa inso eh, ke liliit nyo pa! Ngayon, binata at dalaga na." wika niya. Si tatay naman kilala na niya kaya kami na lang ang ipinakilala.
"Hala, tayo ng pumasok at ng makapag meryenda tayo!" sumunod kami sa kanya. Pumasok kami sa bahay na may dalawang palapag. Gawa iyon sa kahoy. Parang bahay noong unang panahon. Pagpasok namin, halos mapanganga ako. Antigo ang loob ng bahay.
Pinaupo niya kami sa sopa na gawa sa narra. Ang linis sa loob ng bahay. "Maupo muna kayo, magmeryenda muna tayo! Ang tatay nyo na ang bahala sa mga gamit nyo. Alam na niya kung saan iyan ilalagay!" umalis aiya sandali. Pagbalik niya may dala na siyang isang pitsel ng malamig na inumin saka biskwit!
"Kain kayo! Wag mahihiya ha!" wika niya paglapag ng meryenda. Kumuha ako sa dinala sa may tabi ng malaking bintana. Tanaw mula doon ang kalsada sa labas.
Kumain ako doon habang dinadama ang malamig na hangin. Aalis na sana ako upang kumuha ng pagkain ng may mahagip ang mata ko.
Isang lalaki ang nasa di kalayuan habang may kausap na isang lalaki. Palapit sila ng palapit sa may tapat ng bintana.
Masaya silang nagtatawanan. Pagharap ng lalaki sa may kinatatayuan ko ay ganoon na lamang gulat ko. Yung dalawang lalaki! Silang yung nasa pangitain ko!
Hindi ako makapaniwala. Dito ko sa baguio makikita ang dalawang lalaking iyon? Ang suspek at ang biktima!
Dahil sa sobrang gulat at kaba na aking naramdaman bigla kong natabig ang baso na may lamang inumin.
"Sabina anak, mag iingat ka nga. Nabasag yung baso oh!" sita ni namay sa akin!
"Nakita ko na sila Nay!" agad na wika ko.
"Ha? Sino?" mabilis na tanong ni Kuya Santi sabay alalay sa akin sa pagtayo.
"Yung nasa pangitain ko po. Nandito sila sa lugar na ito!"
****
Pasensya na sa matagal na pag update! Busy po talaga ako!
Please vote po! Thank you!
-shin

BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...