Nakatayo ako sa gitna ng mga pastor at matatandang kasapi ng Youth for Christ. Nakapalibot sila sa akin habang ang mga kanan nilang kamay ay nakatapat sa may ulo ko.
Nag simula silang magdasal. Mga salitang hindi ko maintindihan dahil na din sa Latin iyon. Sa unang dasal wala akong naramdaman, subalit ng ulitin nila iyon ng pang apat na ulit iba na ang pakiramdam ko.
Ramdam ko ang paglabas ng kung anong enerhiya mula sa kamay nila. Nakaangat naman ang palad nila at hindi nasayad sa aking ulo pero ramdam ko paglabas ng mainit na enerhiya mula doon. Iyon na ba ang enerhiya na galing sa dasal?
Mainit na pakiramdam ang unti unting lumulukob sa akin. Malakas iyon at nagsisimula ng gumapang mula sa ulo ko hanggang pababa sa katawan ko. Ilang ulit ko din narinig ang mga salitang Latin..
Palakas ng palakas ang enerhiya at ano mang minuto mula noon ay ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. Bibigay na iyon dahil sa nilulukob ako ng malakas na presensya. Galing na ba iyon sa Panginoon? Binibigyan na ba Niya ako ng matiwasay na pamumuhay? Mawawala na ba ang mga kinatatakutan ko?
Mula sa panlalambot ay napalitan ng tatag at masiglang pangangatawan ang pakiramdam ko. Napangiti ako ng lihim. Ramdam ko na parang nawala ang alalahanin ko. Sana talaga wala na..
Natapos ang mga Pastor at ngumiti sa akin. Tinanong nila ako sa nararamdaman ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo iha?" tanong ni Pastor Arman.
Ngumiti ako bago sumagot. Ang saya ko. "Mabuti po kesa kanina. Pakiramdam ko gumaan ang katawan ko at nawala ang mga alalahanin ko." masiglang sambit ko.
"Mabuti naman kung ganoon! Wala ka bang ibang nararamdaman o nakikita man lang?" rinig kong tanong niya pa na nakapagpakunot sa noo ko. Iiling na sana ako ng igala ko ang mata ko.
Kitang kita ko ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko. Nakikita ko sila. Ang dami nila.
Natulala ako sa nakita. Nagawa ko pang bahagyang tawagin si kuya Santi.
"Kuya, Ang dami nila!" wala sa sariling wika ko. Napatingin ako sa kanya pati na rin sa mga Pastor.
"Bakit po ganoon? Mas marami na ang nakikita ko ngayon? At naririnig ko na sila?" natatakot ko ng tanong. Naririnig ko ang mga bulong nila.
"Tumakbo ka. Wag kang hihinto!"
"Bilisan mo ang pagtakbo. Hahabulin ka nila..Wag mo silang hayaan na mahuli ka.."
"Ituturo namin ang daan. Bilisan mong tumakbo.."
"Sa unang room paikot, hanggang sa dulo ng mga room. Tumakbo ka. Bilisan mo."
"Pag nahuli ka nila kukunin ka na nila. Ito yung hinihintay nila..."
Takbo, Sabina.. Takbo... Wag kang titigil hanggang sa dulo ng huling room.."
"Pagbalik mo tumayo ka ulit sa bilog na iyan.."
Lahat ng nakita ko nagsalita.. Rinig na rinig ko sila..Kailangan kong tumakbo para sa buhay ko..
Kailangan ko silang maunahan. Dahil pag naunahan nila ako, ako naman ang kukunin nila. Hindi pwedeng mangyari iyon..
Nagpasya na ako. Tatakbo ako. Isusugal ko ang buhay ko para hindi makuha ng mga anino..
"Kuya, sabihin mo kila tatay at nanay na mahal ko sila. Mahal din kita kuya. Paki sabi kay Patricia, salamat sa kanya." habilin ko kay kuya. Kailangan kong gawin dahil hindi ako sigurado kung magagawa ko pa iyon sa mga sandaling ito.
"Ano ba ang sinasabi mo Sabina? Bakit nagpapaalam ka?" naguguluhang tanong ni kuya Santi.
"Mamaya ko na ipapaliwanag pag nakaligtas ako dito, kuya. Kailangan ko itong gawin." saka ko siya nilapitan at niyakap.
Konting oras lang ang meron ako. Naglakad na ako papunta sa unang room ng mga grade one.
Nakita ko pang susunod si kuya pero pinigilan ko siya.
"Laban ko ito kuya. Pag nakaligtas ako makakalaya ako sa mga anino. Hindi na nila ako kukunin." nakita ko pa ang pagtango ni kuya Santi. Sinenyasan ako ng mga kaluluwang nakita ko.
"Bilis Sabina, Iikutin mo ang lahat ng room mula doon sa grade one hanggang grade six."
"Wag mo hahayaang maabutan ka nila!"
"Bilis nandyan na sila!"
Tumakbo ako papunta sa unang room. Saktong pagtapat ko doon ay siyang labas ng mga anino sa likuran ko. Nakangisi ang mga ito. Narinig ko pa ang sigaw ng mga kaluluwa.
"Ngayon na. Takbo, Sabina!"
Dahil sa pagsigaw nila mabilis akong napatakbo. Hindi ko hahayaan na mahuli ako ng anino. Ang daming humahabol sa akin. Nakalagpas na ako sa unang room. May distansya pa ako mula sa kanila.
Nakalampas na ako sa room ng mga grade one. Hinihingal na ako. Lumingon ako ng kaunti at nakita ko ang paghabol nila sa akin..
Binilisan ko pa ang pagtakbo. Nakalampas na ako sa room ng grade three at grade four. Malapit na sila sa akin. Wala akong naisip kundi ang magdasal.
"Lord, tulungan nyo po ako! Bigyan nyo pa ako ng sapat na lakas upang di nila maabutan. Please po, Lord!"
Ang dasal ko ay tila dininig agad ni Lord. Naramdaman ko ang sapat na lakas upang makatakbo pa ng mabilis. Nakalampas na ako sa room ng grade five. Apat na room na lang. Malapit na sila. Halos madapa na ako dahil sa pagtakbo. Masakit na din ang mga binti at paa ko.
Hindi ako susuko. Para sa mga magulang ko at mahal sa buhay.. Yun ang nasa isip ko noon. kahit naiiyak na ako nakuha ko pa rin makatakbo ng mabilis..
Paglampas ko sa room ng grade six kaunti na lang. Kita ko na ang kinatatayuan nila kuya. Yung mukha niya na awang awa sa akin. Yung mga pastor na di makapaniwala sa ginawa kong pagtakbo at yung mga kasama namin na naguguluhan sa nangyayari.
Konti pa. Bilis Sabina. Sigaw ng utak ko. Malapit na. Saktong pagtapak ko sa bilog kung saan ang dinasalan kanina ay syang paglaho ng mga anino..
Hinihingal akong napaupo sa loob ng bilog. Naiyak ako sa sobrang tuwa, dahil sa wakas tapos na ang paghihirap ko. Wala nang kukuha sa akin..
"Sabina!" tawag ni kuya sa akin sabay yakap.
"Nagawa ko kuya! Nagawa ko. Wala na sila. Hindi na nila ako guguluhin." magiyak ngiyak na sambit ko noon.
Napatingin ako sa mga kaluluwa na tumulong sa akin. Nakangiti ang mga ito.
"Nagawa mo. Nakalaya kana sa kanila.."
"Binigyan mo kami ng katahimikan, Sabina..Salamat"
"Salamat sa tulong! Salamat!" di ko na napigilan humagulgol. Unti unting nawala ang mga kaluluwang iyon.
******
Nagulat ba kayo sa ginawa ni Sabina? kung oo icomment mo na yan..
Kabanata Pito susunod....
Abangan nyo po yan. Malalaman nyo kung bakit siya nagawang habulin ng mga anino..
lablots..
ate shinn
BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...