Kabanata Labing Apat: Pinsan
Halos ikatumba ko ang katotohanan na nandito sa lugar na ito ang mga taong iyon. Mga taong bahagi ng panibago kong kakayahan. Tama! Sila ang una kong nakita ko sa mga visions ko. Ngunit, ang ipinagtataka ko. Bakit dito? O sadyang ipinapakita lang ng kakayahan ko ang pangitain na mangyayari sa lugar na ito? Kailangan ko ba silang pigilan? Paano? May maniniwala ba kung sasabihin ko na mamatay ang isa sa mga taong yon? Tapos yung isa naman ang may kasalanan? Sa anong dahilan? Dun pa lang para ko na ding pinangunahan ang mga pagkakataon. Anong gagawin ko?
Nakaupo na ako sa upuang kahoy ng bigyan ako ni Nanay ng tubig. " Heto ang tubig, anak! Inumin mo muna!" mabilis ko iyong inabot saka nilagok ng tuloy tuloy.
Pagkalapag ko ng baso ay nahimasmasan na ako. Mga nagtatanong na tingin ang nakabantay sa akin. Huminga ako ng malalim saka nagsalita..
"Natatandaan po ba ninyo yung pangitain ko?" pauna kong tanong. Tumango naman si nanay at si kuya Santi. "Nakita ko sila. Nandito sila sa lugar na ito."
Hindi sila nagulat ngunit napalitan ang mga mukha nila ng pagtataka. " Ano ba yung pangitain mo?" tanong ni lola Magda. Ang tiyahin ni Nanay.
Napatingin ako sa kanila. Umupo ako ng maayos. "Sa pangitain ko, may dalawang lalaki. Ang dalawang lalaki na iyon ay nag aaway. Ang sagutan nila ay nauwi sa suntukan....hanggang sa....saksakin ng isa yung lalaking kaaway niya. Mahigit sampung saksak sa dibdib. Iyon ang ikamamatay niya!" mahabang saad ko.
Napa sign of the cross si lola Magda. Alam ko na nakakatakot ang mga sinabi ko. Pero wala akong ibang alam noon kundi sabihin sa kanila kung ano ang nasa pangitain ko. Kahit mahirap, kailangan ko pa rin gawin.
"Susmaryosep! Sino naman ang walang pusong lalaking iyon na basta nalang papatay?" nahihintakutang wika niya.
Sasagot na sana ako ng pumasok ang dalawang tao. Isang lalaki at isang babae.
"Tiya! Nandito na po kami!" twag ng lalaki habang paakyat ng hagdan. Kasunod niya ang babaeng kasama niya.
Mabilis ko silang nilingon. Pagtama pa lang ng mga paningin ko sa kanila ay halos himatayin ako sa gulat. Nakatayo sa harap naming lahat ang lalaking may mahigit limang talampakan ang taas. Matangos ang ilong at medyo bilugan ang mga itim na mata. Nakangiti ito ng malapad. "Wow! May bisita pala!" wika niya.
Si lola Magda ang unang nagsalita. "Mabuti naman at nakarating kayo?" tanong niya.
"Oo nga ho, hindi sana kami pupunta eh, mapilit lang itong si Melba!" nakasimangot na wika saka tumingin sa babaeng kasama. Sya nga! Siya ang dahilan kung bakit mamatay ang lalaking ito.
"Oh, sya! Mauo kayo ng makapagmeryenda. Nga pala, kilala mo pa ba ang pinsan mo ha, Kanor?" tanong ni lola Magda.
"Oo naman po. Makakalimutan ko ba ang paborito kong pinsan? Di ba, ate Myrna?" wika niya sabay kindat. Nakangiti lang si nanay. Habang ako naman ay nanlalaki ang mga mata. Gulat ang makikita sa aking mukha. Bakit hindi? Pinsan siya ni nanay. Pinsang buo. Ibig sabihin Tiyuhin ko siya. Ang isipin na iyon ang nagpaluha sa akin. Hindi ko napigilan. Bumuhos ang luha ko sa sobrang pag aalala.
Napansin nila iyon. "Hala, bakit ka naiyak, anak?" tanong ni nanay sabay lapit sa akin. Hindi ako makapag salita. Hindi ko sila personal na kilala pero nalulungkot ako.
"Nay!" tanging sambit ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Ang mga tao doon ay baguguluhan. Hindi ko masabi na siya ang mamatay. Ang lalaking bahong dating. Ang anak ni lola Magda at pinsan ni nanay. Si tiyo Kanor.
"Sabina, anak sabihin mo na sa amin. Kilala mo na ba yung tinutukoy mo? Bakit ka naiyak?" muli niyang tanong. Umiling lang ako ng umiling. Hindi ko magawang sabihin. Hindi ko kaya.
Dahil sa pag iyak ay nakatulog ako. Naalimpungatan na lang ako ng may marinig akong nag iingay sa may labas. Dahil sa gulat, agad akong napabangon. Nagunta ako sa may bintana at sinilip ang nangyayari sa labas. May kasayahan. Maraming tao doon at tila nagkakasayahan sila. May nag iinuman at may sayawan. Kahit naguguluhan, bumaba ako ng bahay.
Pagbaba ko nasalubong ko si lola Magda. "Oh, iha..mabuti at gising kana! Halika sa labas nagkakasayahan sila doon!" nakangiting wika niya. Tumango lang ako bilang pagsang ayon. Nang makalabas kami, ang dami ng tao.
Hinanap ng mata ko sila nanay. Doon, nakaupo sila sa mahabang mesa sa labas. Sa bakuran iyon ng bahay nakalagay. Malamig ang gabi doon subalit tila hindi iyon ramdam dahil sa mga siga sa pinapalibutan ng mga nag iinuman. Hindi ko kilala amg mga nandion. Hindi ko na din nakita si tiyo Kanor. Siguro umuwi na.
Nang mapansin ako ni nanay ay kinawayan niya ako at oinalapit sa kanila. Inakbayan niya ako at iniharap sa mga taong kasama nila doon. Sakto pagharap ko. Siya ang una kong nakita. Nakangiti siya sa akin. Maamo ang kanyang mukha at nangungusap ang mga mata.
Nakatitig ako sa kanya ng magsalita si Nanay. " Heto nga pala si Sabina. Ang bunso kong anak!" nakangiting pakilala niya sa akin. "Sabina sila ang iba ko pang kamag anak..Ang mga tiyo at tiya mo na pinsan ko. Saka sila na mga kamag anak natin. Si Selmo na pinsan ko sa lola ng lola mo. Bale, third cousin ko sila!" turo niya sa lalaking mukhang mabait at maamo ang mukha. Siya si Selmo.
Kung ganoon, magpinsan din ang dalawang lalaki. At ang isa sa kanila ay mamatay at ang isa naman ang papatay. Pero ang tanong, kailan?
Ngumiti lang ako ng pilit saka tumango sa kanila. Hindi ako lumapit. Natatakot ako. Napayuko ako ng bahagya kaya siniko ako ni nanay.
"Sabina, nandito tayo para magbakasyon. Maging masaya ka naman. Ngumiti ka! Sige na, anak!" pakiusap ni nanay. "Pero, Nay, hindi ko kayang magsaya lalo na at nakita ko na ang sila. Nandito sila pareho." giit ko. Agad niya akong hinila palayo sa mga kamag anak namin.
"Kahit naman ngayon lang anak,. Kalimutan mo na lang muna yung pangitain mo. Magsaya ka naman." hiling niya sa akin. Sasagot na sana ako ng may magsalita sa likuran namin.
"May problema ba, Ate Myrna?" tanong ng isang lalaki. Si Tiyo Selmo.
"Wala naman! Eto kasing si Sabina bagong gising lang kaya ganyan ang itsura. Hindi makangiti!" dahilan ni nanay. Tumango tango si tiyo Selmo. "Ganoon ba? Aba'y mag saya ka. Minsan lang magkakaroon ng ganitong kasiyahan dito. Tiyak na ma eenjoy mo ang bakasyon mo!" nakangiti at makahulugan niyang sabi. Hindi iyon pinansin ni nanay. Ngunit, hindi ang nakikita ko. Tila may kakaiba sa mga ngiti niya. Hindi din siya sa amin nakatangin. Tagos iyon at alam kong ako lang ang nakakahalata..
Nilingon ko ang lugar kong saan siya nakatingin..
Halos namutla ako sa nakita..Si Tiyo Selmo..Masama ang tingin kila Tiyo Kanor at sa babaeng kasama nito. Masaya ang dalawa at tila maglalambingan..
Ito na ba? Dito na ba iyon magaganap? Ngayong gabi ba niya papatayin ang kamag anak niya? Si tiyo Kanor at Tiyo Selmo...Ano ang mayroon sa inyong dalawa?
**
Now lang ulit ako nakapag UD kasi po naging busy ako. Nag oovertime kasi ako ngayon kaya wala na me time mag update. Mag iipon muna ako ng drafts para mmas mabilis ang update ko sa susunod..
Vote and comment po!
Thanks sa lahat..
-shin
BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...