Thank you sa pag vote @JessaMarieBayonon
Dahil dyan I dedicate this chapter to you! Enjoy reading!
Kabanata Labing Lima: Hinala
Naging maingay ang gabing iyon para sa akin. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang pagtanggap na gagawin ng mga anak namin sa side ni nanay. Bumaha ng mga alak at lambanog. Nagdatingan din kasi ang ibang kamag anakan ni nanay mula sa Benguet at sa bayan ng Sagada. Masaya at maibgay. Halos lahat natuwa ng makita kami. Ngiti at tango lang ang naisasagot ko kapag may nagtatanong sa akin. Hindi ko makuhang magsaya dahil nararamdaman ko na may mangyayaring hindi maganda.
Tahimik akong nakaupo sa isang sulok habang pinapanuod ang mga kamag anak namin. Nagmamasid lang ako. Bawat kilos at galaw ng lahat ay hindi ko pinapalampas. Nagdadahilan na nga lang sila nanay na masama ang pakiramdam ko kapag may nagtatanong kung bakit ako tulala minsan. Pati nga si nanay nawiwirduhan na sa akin.
"Anak naman, nagkakasayahan yung mga kamag anak natin oh.." turo oa niya sa nagtatawanan kong mga pinsan. "...tapos ikaw nanditi at nagmumukmok lang? Minsan labg ito mangyari kaya dapat sulitin na natin ha?!" pangungulit niya sa akin. Napatango na lang ako. Tama! Pumunta kami dito para magbakasyon. Kaya dapat makipagsaya ako sa kanila.
Sumunod ako kay nanay papunta sa karamihan namingbpinsab. Tulad ng sinabi niya ay nakipagkilala at nakipagkwentuhan ako sa kanila. Magsasaya na sana ako ng isa isa ko silang kamayan. Pero paglapat ng kamay nila sa palad ko ay siya namang dagsa ng mga pangitan sa akin. Madami! Nakakalito! Nakakatakot!
Iniwasan ko iyong isipin pero para iyong telebisyon sa paningin ko. Katulad ng ibang pangitain ko..Malinaw at detalyado ang sa iba. Pero ang naiiba.. Sa pinsan ko na anak ni Tiyo Kanor. Hindi ko alam kung bakit ganoon pero malabo ang sa kanya? Bakit kaya? May itinatago din ba siya?
Ngumiti lang ako ng bahagya matapos namin magkamay. " Ako nga pala si Kulas. Anak nig tiyo Kanor mo. Kuya Kulas na lang." wika niya saka ngumiti ng malapad.
"Ako po si Sabina. Anak ni Myrna at Samuel. Ikinagagalak ko kayong makilala!" pakilala ko sa kanila. Nagkamistahan kami at saka nagkwentuhan. Pero ang mga mata ko ay nakatingin kay Kuya Kulas. Tinitigan ko siyang mabuti. Magkamuka sila ni Tiyo Kanor. Parang pinagbiyak na bunga.. Pareho ang laki ng katawan, ngunit mas matangkad ng kaunti si kuya Kulas. Ang mata niya ay bilugan samantalang medyo singkitin si tiyo Kanor.
Pati ang kakaibang ngiti niya ay may kakaibang pinaparating. Kinakabahan ako sa tuwing makikita iyon.
Hindi ko na siya napagtuunan ng pansin ng hilahin ako ng iba ko pang pinsan at sumayaw kami sa gitna. Nung una nahihiya pa ako, pero kalaunan ay napasayaw nadin ako. Nagpakasaya kami hanggang maghating gabi. Hindi ko na inisip pa kung ano ang posibleng mangyari. Inaalis ko ang isipin na iyon at nagpakasaya na lang.
Kaunti na lang ang mga bisita ng maisipan kong magpahinga na. Nagpaalam ako kay nanay na matutulog na ako. "Nay, matutulog na po ako." paalam ko.
"Sige, anak. Alam ko naman na napagod ka. Matulog ka na. Nandoon na sa loob ang kuya Santi mo." tumango lang ako saka pumasok sa malaking bahay. Paliko na sana ako sa kwartong inuukopa namin ng makarinig ako ng mahinang sagutan. Nilapitan ko iyon ng bahagya at nakinig.
Alam ko na masama ang ginagawa ko pero may nagtutulak sa akin na makinig sa usapan ng mga taong iyon.
"Nakita ko kayo! Kitang kita ng dalawa kong mata! Hindi na kayo nahiya!" wika ng boses lalaki. Mahina iyon pero rinig ko ang hinanakit pagkasuklam sa boses niya.
"Wala kaming ginagawang masama! Nag uusap lang kami!" sagot naman ng boses ng isang babae. Narinig ko na ang mga beses na iyon kaya nagkaraoon ako ng hinala. Pero hindi maaring makita nila ako.
"Anong wala? Sa harapan pa talaga ng mga kamag anak natin? Hindi na kayo napigilan. Naglalandian kayong dalawa!" sigaw ng lalaki. Kasunod noon ay ang tunog ng isang malakas na sampal.
"Walang karapatan na pagsabihan ako ng ganya. Hindi ko nilalandi ang kahit na sino! Gumalang ka kung ayaw mong---" agad na pinutol ng lalaki ang sinasabi ng babae.
"Kung ayaw kobg ano? Ano ha? Ano? Magsalita ka?" galit na bulyaw ng lalaki. Sasagot na sana ang lalaki ng makarinig ako ng tawanan. Agad akong umalis sa pinagtataguan ko at dumiretso papasok sa kwarto namin.
Pagpasok ko ay nakahiga si kuya Santi sa kama. "Matutulog kana ba? " tanobg niya. Bahagya lang akong tumango. Umusod si kuya para bigyan ako ng espasyo. Humiga ako ng tahimik. Hibdi mawala sa isipan ko ang mga narinig ko noon. Kung sino ang mga taong iyon
at kung bakit sila nagtatalo. May hinala na ako pero hanggang hinala palang iyon. Hindi ako pwedeng magbintang. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing iisipin ang mga iyon. Nadagdagan lang nila ang mga takot na kinikimkim ko."Kuya wala ka bang ibang napansin kanina doon sa labas?" wala sa loob na tanong ko kay kuya Santi.
"Huh? Wala naman. Pero may nakita ako!" sagit niya na ikinalaki ng mata ko. Napabangon ako saka napatingin sa kaniya. Nagkainteres ako sa sasabihin niya.
"Ano iyon kuya?" mabilis kong tanong.
"Nakita ko na para kang baliw kanina habang nasayaw! Hahahahahaha!" saka siya malakas na tumawa. Sa inis ko ay malakas ko siyang hinampas ng unan. Siguradong nasaktan siya dahil ang sama ng tingin nito sa akin.
"Ikaw kasi, puri ka kalokohan. Yan tuloy!" nakasimangot kong sabi sa kanya. Nakakainis! Kung kelan seryoso akong nagtatanong ganoon ba naman ang isasagot sayo? Kainis di ba?
"Joke lang. Pero may nakita nga ako! Tunay talaga!" kasabay pa niyag itinaas ang kanang kamay niya na tila nanunumpa.
"Sabihib mo na kasi pabitin ka pa eh!" wika ko sabay irap sa kanya.
Bumuntong hiniga siya. "May nakita akong lalaki at babae doon sa kabilang bahay papunta kanina. Sinundan ko. Nakita ko silang nag uusap. Tapos akala ko ako lang yung nakakita. Meron din pa lang isa pang lalaki ang nakatingin sa kanila. Masama ang tingin sa nauna." pahayag niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Posible kayang iyon ang sinasabi ng lalaki kanina doon sa babaeng kausap niya? Sila nga kaya iyon? Tama kaya ang hinala ko? Pero paano kung hindi? Kung hindi sila? paano na?
**
Short chapter muna..Naisingit ko lang mag update..
Please vote and comment!
-shin
BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...