Kabanata Pito: Kakayahan

1K 44 0
                                    

Pinagmasdan ko ang unti unting pagkawala ng mga kaluluwa. Yung iba nagawa pang kumaway sa akin. Nginitian ko lang sila habang nakamasid sa paglalaho nila.

Tinulungan ako ni kuya Santi na makatayo upang makaupo na rin ng maayos saka niya ako tinanong kung ano ba talga ang nangyayari noon.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. " Isinugal ko ang buhay ko para sa kalayaan ko. Hindi na nila ako guguluhin pa kuya!" nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Hindi ko maintindihan!" naguguluhang tanong ulit niya.

"Matapos ang pray over sa akin, naging maganda ang pakiramdam ko. Pero nung tinanong ako ni Pastor Arman kung may nakikita ba ako? Oo, ang dami nila. Ang daming kaluluwa ang nakatingin sa akin kanina. Sinabihan nila ako na tumakbo. Wag kang titigil. Wag kang magpapahuli. Kukunin ka nila pag inabutan ka nila!" mahabang paliwanag ko.

"Teka, sinong kukuha sayo? Bakit kailangan mong tumakbo?" tanong ni Pastor Arman.

"Kailangan ko daw tumakbo ng mabilis, upang hindi ako mahuli ng mga anino. Dahil pag naabutan nila ako kukunin na nila ako. Sila yung gumugulo sa akin mula nung bata pa ako. Gusto nila akong kunin!" wika ko pa.

"Pero paanong nangyari na ngayon ka dapat nila kukunin?" tanong ni kuya.

"Hindi ko alam. Pero napanaginipan ko na dati na sinabi nilang malapit na nila akong kunin. Ito na siguro yun!"

"Maaring nagkaroon sila ng pagkakataon ngayon dahil sa nakita mo na ang lahat ng kaluluwa. Nagawa siguro naming buksan ng tuluyan ang third eye mo." sambit ni Pastor Samuel.

Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Siguro nga. Dati naman kasi kaunti lang ang nakikita ko. Hindi ko rin sila naririnig at lalong hindi ko sila nakakausap. Pero pagkatpos ng pray over nagbago ang lahat. Nakita at narinig ko sila..

Pero kahit paano masaya na akong wala na ang mga anino na gustong kumuha sa akin. Maging si kuya napatahimik at tila may malalim na iniisip.

"Naalala ko na. Sinabi noon nung albularyo na nagbigay ng kwintas sa iyo na hindi pa daw tuluyang bukas ang third eye mo kaya siguro konti lang ang nakikita mo noon. Saka hindi mo sila naririnig." ganoon nga siguro. Pero naririnig ko yung mga anino dati.

"Pero naririnig ko yung mga anino noon." biglang sambit ko.

"Dahil na rin siguro sila ang may kailangan sa iyo." singit pa ni Pastor Arman.

Siguro nga. Nagpapasalamat talaga ako at sumama ako dito sa Youth for Christ. Nalabanan ko sila at ngayon malaya na ako mula sa banta nilang pagkuha.

"Gusto mo bang buksan natin yan ng tuluyan? Ipagpi pray over ka ulit namin. Ano ba ang gusto mong makita ng mga mata mo?" mungkahi ni Pastor Samuel sa akin.

Naguguluhan ako pero pumayag din ako sa gusto nilang mangyari. Gusto kong makita ang nakaraan at hinaharap.

Kung bibigyan nga ako ng kakayahan sana makita ko yung nakaraan at hinaharap ng mga namatay na at mamatay pa lang..

Nakatayo na akong muli sa may bilog. Pinapalibutan ng mga pastor at dinadasalan ng Latin. Muli kong naramdaman ang mainit at maginhawang enerhiya na nagmumula sa palad nila. Binigyan nila ako ng sapat na lakas ng katawan na nawala kanina lamang..

Pagkatapos ng pray over ay walang nagbago sa pakiramdam ko pero naniniwala ako ngayon na wala na ang panganib dulot ng mga anino.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong nila sa akin.

"Mas okay na po ngayon. Pakiramdam ko hindi ako tumakbo. Salamat po!" wika ko at nagpasalamat.

"Masaya kaming makatulong sa iyo, Sabina." wika naman nila.

Matapos yun ay hindi kami natulog. Gumawa lang kami ng bonfire at masayang nagkantahan hanggang mag umaga..

Tinanong pa nga ako ni kuya kung nasaan na yung mga kaluluwa na nakikita ko. Sinabi ko na lang na nawala na sila. Siguro naka akyat na sila sa langit dahil sa nailigtas ko ang sarili kong buhay pati na rin ang kaluluwa nila..

*****

Pagsikat ng araw, kanya kanya ng uwi ang mga kabataan na sumali sa Youth for Christ kabilang kami ni kuya Santi.

Umuwi kami ng bahay at halata sa akin ang saya dahil na rin sa nanyari at nagtagumpay ako sa laban namin ng mga anino. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganoon kadali silang nawala. Hindi naman kasi nila ako makukuha basta dahil may proteksyon ako. Yung kwintas. Kaya pagbukas ng third eye ko, naging hudyat iyon na makikita ko na ang lahat. Parang nabigyan na din sila ng pahintulot na kuhanin ako sa paraan na alam din ng mga kaluluwa kaya tinulungan nila ako.

Nakangiti akong umupo sa sofa namin sa may salas na agad napansin ni nanay.

"Maganda ba ang nangyari sa inyo doon at masaya ka?" takang tanong ni nanay.

"Opo, nakipaghabulan lang naman sa kamatayan si Sabina." sarkastikong sambit ni kuya.

Inirapan ko siya. Habang sumimangot naman ako. Si nanay na nag histerical na tuloy.

"Ano? Sabina, Anong sinsabi ng kuya mo?" napatayo na si nanay na tumaas ang boses dahil sa narinig.

"Umupo ka po muna, Nay! Ikukwento ko sa inyo." umupo ulit si nanay at nakinig sa kwento ko.

Sinalaysay ko sa kanya ang lahat. Hanggang kung bakit ako masaya.

"Kung ganoon, wala na ang mga anino?" ulit pa niya.

"Opo. Nakita kong naglaho sila!" niyakap ako ni nanay dahil sa sobrang tuwa.

"Pero buti na lang hindi ka nila inabutan?"

"Oo nga po. Salamat sa mga kaluluwa!" masiglang wika ko.

Noon ko naramdaman ang pagiging ligtas dahil na rin siguro nawala na ang takot ko na maari akong kunin ng mga anino. Pero nagkamali ako. May mas nakakatakot pa palang mangyayari sa buhay ko..







******

May tanong po ba kayo? icomment mo na yan!

wait ko po yung reaction nyo ah..

thank you. please support po..
wag mahiya magtanong!

Kabanata Walo susunod na..

lablots..

ate shinn

Ang Kakayahan ni SabinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon