Nasa walong taong gilang na ako noon ng maranasan ko na naman ang matakot. Bakit? Isa lang ang dahilan. King noong maliit pa ako mga anino ang sumusunod sa akin, ngayon naman mga multo na talaga.
Nasa school ako ng araw na iyon. Kasalukuyang nagtuturo si mam Filipino. Nasa labas ng bintana ang tingin ko. Ang school kasi namin noon ay hindi katulad ng sa mga syudad. Ang sa amin ay mga kwarto lamang na dikit dikit at magkakasunod ang pintuan nito ayon na rin sa grade o antas ng mga estudyante..
Nakatingin ako sa labas ng bintana, hindi pa naman hapon o gabi pero may nakikita akong kakaiba. Magtatanghali pa lang pero hindi pa naman labasan. Natanaw ko ang isang eatudynte na naglalakad sa may tabi ng lumang bodega noon. Hindi ko siya oinansin dahil hindi ko naman nakikita ang kanyang mukha..
Hindi ko na nga namlayan noon na natapos na si mam Filipino kaya hudyat na ng tanghalian.
Nagmadali ako paglabas noon. Uuwi na ako sa bahay dahil kalahating araw lang naman ang pasok namin.
Nakauwi na ako noon at lahat pero nasa isip ko pa rin ang estudyanteng babae na nakita ko kanina. Iba kasi ang pakiramdam ko sa kanya.
Kinabukasan noon..
Naglalakad ako ng papunta sa klase ko. Nasa ikalawang taon ako noon sa elementary. Kaya malapit lang iyon sa may gate ng school na pinapasukan ko.
Marami ako nasalubong na estudyante noon. Karamihan sa kanila iniiwasan ako dahil nga wirdo ang tingin nila sa akin. Hindi ko sila pinansin at nakisabay na lang sa karamihan ng papasok. Malapit na ako sa silid kung saan ako kabilang ng may mahagip ang mata ko.
Kita ko ang pagdaan ng isang estudyanteng babae na kasabay sa karamihan. Malayo pa ito sa akin ngunit kitang kita ko na ang itsura nito. Meron siyang mahabang itim na buhok. Maliit ang mukha niya at may pagka singkit. Maputla ang kutis niya at dirediretso lang sa paglalakad.
Malapit na siya sa akin at makakasalubong niya ang isang barkada ng mga eatudyante na masayang nagtatawanan. Mababangga siya ng mga ito.
"Ate, umiwas ka po!" naibulong ko. Hindi niya narinig yon dahil sa sobrang hina. Para ngang sinabi ko iyin patungkol sa sarili ko.
Ang sumunod na nangyari ang nakapagpatulala sa akin. Bakit? Nabangga niya ang barkada. Ngunit hindi iyon ang ikinagulat ko. Kundi ang pagtagos ng katawan niya sa mga kabanggaan.
Natulala ako hanggang sa lumapit at makalampas siya sa akin. Lumingon pa ako at sinundan siya ng tingin. Sa lahat ng madaanan niya ay tumatagos lamang siya. Noon ko nasiguro na isa nga siyang multo..
Narinig ko na ang pagtunog ng bell kaya nagmadali ako sa pagpasok sa klase ko. Buong araw ko yon iniisip noon. May pagkakataon pa nga na madalas ko siyang makita sa tapat ng room na namin. Dadaan siya doon habang nagkaklase kami.
May pagkakataon naman na nakikita ko siya sa comfort room ng school na iyon. Dahil wala akong kasama pa lagi ako ang mag isang naiiwan sa loob. Minsan nakikita ko siyang palabas o kaya papasok pa lang. Pero imbes na matakot ako ay nasanay na ako. Hindi niya naman ako ginugulo kaya binalewala ko na lang.
Hindi lang siya ang nakita kong multo sa school namin noon. May nakita din ako doong lalaking nakaitim pero hindi naman siya anino. Naglalakad siya pag malapit na mag gabi. Kapag uwian ko siya noon nakikita. Yung unang beses ko siyang nakita yun ang hindi ko makakalimutan.
Alas kwatro ang labasan ng mga estudyante sa amin. Nahuli ako sa paglabas ng school dahil inutusan ako ni mam adviser na tulungan siya magdala ng mga gamit niya papunta sa opisina nila. Dahil sa mabait akong bata noon hindi ako tumanggi.
"Sabina, paki tulungan mo naman ako magbuhat nito. Dadalhin lang sa opisina ko." pakiusap pa ni mam noon.
Tumango ako saka binuhat ang isang patong na aklat. "Opo mam!"
Malayo iyon dahil nasa may gitna iyon ng school. Maraming madaraanan bago makarating ng opisina. May tig aapat na section kasi ang elementary. Apat sa grade one tapos tig dalawa naman sa ibang mataas ng grade.
Nang makarating kami sa opisina agad kong binaba yung dala kong mga aklat.
"Maraming salamat, Sabina!" wika ni mam ng nakangiti.
"Walang anuman po, mam!" magalang na tugon ko.
Naglakad na ako paalis. Nakayingin ako noon sa dadaanan ko. Hindi pa naman gabi pero makulimlim ang langit kaya madilim ang paligid. Luminga ako kung saan maaaring dumaan.
Madili sa magkabilang parte kaya mas ninais kong dumaan pabalik sa dinaanan namin kanina.
Nakakaramdam ako noon ng takot pero hindi ko iyon pinansin. Malapit na sana ako sa may room ng grade two ng matanaw ko ang palapit. Isang lalaking nakaitim at naglalakad ng walang ulo.
Naiiyak na ako noon pero pinigilan ko makagawa ng ingay. Tumabi ako at sumandal sa pader saka siya hinayaan dumaan sa harapan ko. Pigil ko ang kaba pati na paghinga. Pakiramdam ko maririnig niya noon kahit paghinga ko. Nang makalampas siya sa akin ay simulan ko ng kumaripas ng takbo.
Pinangako ko sa aking sarili na hindi na ako magpapaiwan mag isa sa paaralan namin.
******
Yun yung story na mga school na meron talagang nagpapakita or gumagala na kaluluwa. Sabi pa nga nila dati lahat daw ng school merong ganoon.
Sa dating school nyo din ba meron?
Icomment mo na yan!
#KakayahanniSabina
Kabanata Apat susunod na..
lablots,
Ate shinn

BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...