Tinitigan ako ni tiyo Miguel. Alam niya na hindi ako maaaring magsinungaling o gumawa ng kwento. Totoo ang mga nakikita ko at napatunayan niya iyon.
"Kung ganon, sigurado ka ba na si Annabeth nga yung nakikita mo?" tanong pa ni tiyo.
"Hindi ako sigurado kung siya nga iyon kung walang niyong larawan. Pero dahil dito siya talaga ang nakikita ko. " siguradong sabi ko.
Alam kong si Annabeth ang nakikita ko. Kailangan niya ang tulong ko.
"Kung ganon, magsasama ako ng mga tanod. Tingnan natin yung lugar kung siya nga yung nakikita mo doon." pahayag pa ni tiyo miguel.
Tumango ako. Tumayo siya saka may tinawagan.
"Oo, may pupuntahan tayo. Papuntahin mo din sila. Salamat." rinig kong sabi niya sa kausap.
Bumalik siya sa pagkakaupo at humarap sa akin. " Mamaya darating na sila. Hintayin yung mga tanod." wika pa niya.
Tumango na lang ako ulit. Wala pang sampung minuto, dumating na ang mga tanod.
"Kap, saan po tayo pupunta?" tanong ng isang tanod..
"Sa San Lorenzo. May titingnan tayo doon." saka niyaya akong lumabas.
Tumango lang sila saka sumunod kay Tiyo Miguel. Huminto kami sa tapat ng isang owner type jeep bago sumakay doon.
Tatlumpong minuto ang byahe bago namin narating ang lugar. Ang bakanteng lote na malapit sa school namin.
Tumigil doon ang sasakyan. Bumaba kami doon. Hindi pa ako nakakalapit aymy kitang kita ko na si Annabeth. Naiyak pa rin siya. Tinuro ko siya kay Tiyo Miguel.
"Nandoon siya sa may matataas na talahib. Umiiyak siya doon habang nakatakip ang dalawang palad sa kanyang mukha." sabay turo sa kinatatayuan ni Annabeth. Lumapit kami doon.
Bumulong ako na siyang ikinatigil niya sa pag iyak. "Annabeth, tutulungan ka namin!" bulong ko.
Tumingin siya sa akin saka ako tinanguan. Naglakad siya papasok sa matalahib na lote.
"Tiyo, pumasok siya sa loob ng bakanteng lote." tumango si tiyo bago bumaling sa mga kasamahan.
"Ilabas nyo ma yung mga gamit. Aalisin natin ang mga talahib." mabilia kumilos ang mga kasama namin. May dalang ang mga ito ng pang gapas ng talahib.
Sumunod ako sa kanila. Nasa tapat na kami kung saan lagi kong nakikita si Annabeth na umiiyak.
Matapos iyong maputulan ng matataas na talahib at damo. Saktong pag tayo ko doon ay parang nakikita ko ang karumaldumal na sinapit ni Annabeth sa bumaboy sa kanya..
Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod na hila si Annabeth sa may talahiban. Nanlaban ang dalagita subalit mas malakas ang lalaki. Sinuntok siya nito sa sikmura na nakapagpaluhod sa kanya. Namilipit si Annabeth na siyang naging pagkakataon ng lalaki upang ihiga siya. Sinira nito ang suot niyang blusa. Saka simulan gahasain. Natauhan ng bahagya si Annabeth at nanlaban pa. Tinuhod niya ang lalaki subalit nakabawi ito agad. Nakakuha pa ang lalaki ng bato at mabilis na ipinukpok sa ulo ni Annabeth. Iyon ang dahilan ng sugat niya sa noo. Tatlong beses siyang hinampas ng bato sa siyang ikinamatay ni Annabeth.
Sinimulan siya ulit gahasain ng paulit paulit. Halos manlambot ako sa nakita ko. Para akong nanood ng totoong eksena.
Mabilis akong inalalayan ni Tiyo Miguel." Ayos ka lang ba?" tanong pa niya.
Tumango lang ako. " Dito po pinatay at ni rape si Annabeth!" saka lang nila ako napinsin. "Pero wala dito amg bangkay niya."
Hindi ko napansin ang pagtayo ni Annabeth sa tabi ko. Umayos din ako ng tayo saka himarap sa kanya.
"Nakita ko ang lahat. Pero hindi ko nakita ang mukha niya. Maaari mo bang ituro kung nasaan ang katawan mo?" malunhkot na tanong ko.
Bahagyang tumango si Annabeth. Nauna siyang maglakad. Dumaan siya sa matalahib kaya doon ang pinauna ko na tabasin ng mga kasama ni tiyo miguel..
Malauo na iyon sa may tabing kalsada. Ang likod ng talahiban sa bakanteng lote ay maliit na ilog. Patag na doon kaya siguro doon nagawang itago ng suspek ang katawan ni Annabeth.
Sinusundan ko siya habang sinusundan naman ako ng mga tanod. Tumigil si Annabeth sa isang bahagi ng bakanteng lote. May malaking plasti doon na kulay itim. Tulad ng lagayan ng basura. Itinuro iyon ni Annabeth kaya itinuro ko din yon kay Tiyo Miguel.
Nilapitan nila iyon saka binuksan. pagkatanggal pa lang ng tali noon ay sumingaw ang nakakasulasok na amoy doon. Binulalat iyon ng mga tanod kya malaya naming nakikita ang naagnas ng katawan ni Annabeth.
Tiningnan ko siya. Umiiyak pa rin ito. Nakakahabag ang sinapit niya. "Annabeth yan ba ang katawan mo?"
Bahagya pa siyang tumango. Kaya sigirado ako na siya nga yung bangkay. Nakabaluktot ang katawan niya doon at halatang pinilit na pagkasyahin doon.
"Tiyo, si Annabeth yan." tumango lang ito saka may tinawagan. Parating na daw ang magulang ni Annabeth dito sbi nung isang tanod. Tahimik lang ako nakamasid sa kanila. Marami na ring tao dito. Mga nakikiusyoso sa amin.
Naghintay lang kami ng ilang minuto halos magkasunod na dumating ang mga magilang ni Annabeth at ang mga pulis kasama ang mag sasagaw ng DNA sa naaagnas na bangkay ni Annabeth.
Halos maghisterical ang nanay ni Annabeth sa nakita. Kahit hindi pa sigurado ay humagulgol na ito pagkakita sa bangkay na anak. Si Annabeth naman ay nakangiti lang na nakatingin sa akin bago unti unting kinukuha ng liwanag..
Narinig ko pa ang huling salita niya bago tuluyang maglaho kasabay ng liwanag..
"Salamat, Sabina!"
*****
Icomment mo na lang po kung may tanong ka..
Keep reading. Pa support na din po..
Kabanata Labing Isa susunod na...
-ate shinn
BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...