Kabanata Labing Dalawa: Pangitain
Nang makauwi kami ni Patricia galing sa bayan, malaking palaisipan pa din sa akin ang tungkol sa kwintas na Star of Dreams. Kung hindi ako nagkakamali noon, alam ko na vision ang nakita ko noong hawakan ko ang kwintas.
Hindi lang iyon ang nagpagulat sa akin. Hinawakan ko ulit ito kanina at may napansin ako. Yung star na pendant ng kwintas kumikinang. Pinakatitigan ko ang loob noon hanggang sa mapansin ko ang tila gumagalaw na parang maliliit na buhangin sa loob mismo ng star. Inalog alog ko pa nga ito. Kaya ganun na lang ang gulat ko ng kumislap iyon. Oo. Kumislap ang loob ng star. Katulad ng pagkislap ng mga bituin sa langit..
Kahit puno ng pagtataka hindinko nagawang ipaalam sa pamilya ko ang tungkol sa panibago kong kwintas. Inalis ko na yung luma kong kwintas dahil ligtas na ako sa mga anino.
Isang linggo na lang at bakasyon na. Excited na ako noon. Hindi pa kasi pinapaalam nina nanay kung saan kami magbabakasyon. Ayaw ko naman kulitin sila nanay dahil baka hindi na kami matuloy kung saan man kami pupunta laya hinintay ko na lang ang kanilang sasabihin.
Kinagabihan....
"Anak!" tawag ni nanay sa akin. "Gusto mo na bang malaman kung saan tayo magbabakasyon?" bungad niya sa akin nung umagang iyon.
Kakalabas ko pa lang ng aking kwarto. Halos kasunod ko naman si Kuya Santi.
"Saan po ba tayo magbabakasyon 'Nay?" inunahan na ako ni kuya sa pagtatanong.
"Pupunta tayo sa lugar ng mga magulang ko." nakangiting turan ni nanay.
Lugar ng mga magulang niya? Ibigsabihin sa probinsya nila nanay? Saan naman kaya yon?
"Saan po ang probinsya nyo 'Nay?" agad ko namang tanong. Lumingon si nanay sa akin bago siya sumagot.
"Sa Baguio ang probinsya namin. Doon tayo pupunta." halos mangislap ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Hindi pa ako nakakapagbakasyon sa malayong lugar. Yung pagpunta pa lang namin sa Baguio ang magiging una.
"Talaga po 'Nay? Doon tayo pupunta?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga. Makikilala nyo na yung ibang kamag anak natin doon." wika ni nanay habang nag aayos ng hapag kainan.
Dahil sa narinig ko hindi ko na napagtuunan ng pansin ang pagkain. Okupado na agad ang isip ko kung saang lugar ko gusto makapunta.
"Maganda po ba sa Baguio 'Nay?" tanong ulit ni kuya Santi habang naglalagay ng pagkain. Ako naman nagsimula ng kumain.
"Oo mga anak maganda doon. Pinaka gusto ko sa Sagada at Benguet. Malapit lang iyon sa atin."
"Ha?" kunot noong napaisip ako. Sagada? Benguet? Mointain province na iyon ah..Alam ko malapit na iyon sa Baguio pero hindi mismo doon. Kaya paano kami makakapunta doon?
"Pupunta dib po ba tayo sa Sagada at Benguet?" tanong ko agad pagkalunok ng kinakain ko.
"Hindi tayo makakapunta sa Benguet, pero sa Sagada siguradong makakapunta tayo doon." tumango lang ako ng sabihin iyon ni Nanay.
Kunot noo lang ako habang kumakain. Hindi kasi ako makapaniwala na higit pa sa inaasahan ko ang magiging bakasyon namin. Sigurado akong matutuwa si Patricia kapag nalaman niya ang lugar na pupuntahan namin sa bakasyon.
Mabilis naming tinapos ang pagkain bago kami pumasok sa mga kwarto namin.
Nakahiga ako sa kama ko habamg nakatingala sa kisame. Ano nga kaya ang magandang puntahan sa Baguio? Maganda kaya sa Sagada?
BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...