Kabanata Lima: YFC

1.1K 32 1
                                    



Bakasyon ngayon kaya palagi kaming gumagala ni Pat. Kung saan saan kami pumupunta. Dito lang din naman sa Bayan namin.

Katulad na din ako ng pangkaraniwang teenager ngayon. Nag lilibang at namamasyal.

Naging masaya ang unang buwan ng bakasyon ko. Dahol nga naranasan ko sa wakas ang maging normal. Nagpapasalamat ako dahil mula ng managinip ako noon tungkol sa pagkuha ng mga anino ay hindi na iyon naulit.

Nakaupo kami nila nanay sa may salas ng dumating si kuya. Si kuya Santi ay nasa high school na din. Fourth uear na siya ngayong taon. Umupo siya katabi namin ni nanay.

"Santi, saan ka galing?" tanong ni nanay sa kanya.

"Sa mga kaibigan ko po. Nga, pala Nay, sasali po pala ako sa Youth for Christ." paalam ni kuya Santi.

"Ano nman yun kuya?" agad na tanong ko. Non ko lang narinig yon kaya na agaw agad noon ang ayensyon ko.

"Youth for Christ isa yung samahan ng mga kabataan na kabilang sa simbahan. May mga activity doon at may camping kapag kagabi!" wika ni kuya Santi.

Na pa 'ah' na lang ako dahil noon ko lang iyon narinig. Nagpapaalam si kuya kay nanay. Hindi sana papayag si nanay pero sabi ni kuya pwede akong sumama kung gusto ko.

"Sige na po, Nay. Pumayag kana. Pwede ko isama si Sabina para malibang naman siya." saad pa niya.

Gulat akong napatingin kay Kuya. "Teka bakit pati ako?"

Inis akong tumingin sa kanya. Pero mas naagaw ni Nanay ang pansin ko ng sumang ayon siya na isama ako ni kuya.

"Sige, isama mo si Sabina pero wag mo siyang pababayaan. Alam mo naman ang kakayahan niya?" makahulugang wika ni Nanay.

"Opo Nay, ako na ang bahala sa kanya." sagit naman ni kuya.

"Ayoko po, Nay. Natatakot ako." pagtanggi ko.

"Sige na Sabina. Pagkakataon mo ng makihalubilo sa ibang tao!" turan pa ni nanay. Wala na along nagawa. Sasama ako kay Kuya Santi sa out reached program ng Youth for Christ.


"Saka pwede ka nilang ipray over doon para mawala na yang kinatatakutan mo! " pahabol pa niya.


"Sa sabado na iyon ng gabi kaya maghanda ka ha?"

Saka ako pumasok sa kwarto ko upang matulog. Sa sabado na daw yun gaganapin. Huling sabado ng bakasyon. Dahil pagdating ng lunes ay pasukan na naman.



*****


Naayos ko na lahat ng gamit ko. Alas kwatro na ng hapon at handa na kami ni kuya Santi sa pag alis.

Ang sabi pa ni kuya sa may school ng elementary ang napili nilang pag kampingan. Mas maganda daw kasi doon at mas praktikal dahil may magagamit kami sa loob ng paaralan.

Alas singko ng hapon umalis na kami. Naglakad lang kami ni kuya papunta sa venue. Pagdating namin, namangha ako sa nakita. Ang daming kabataan doon na kasali din sa youth for Christ.

Lumapit kami sa kanila at pinakilala ako ni kuya sa kanila.

"Guys, ito ang kapatid kong si Sabina." pakilala ni kuya sa akin.

"Sila naman si Pastor Arman, Pastor Samuel at yung mga kasama namin na kasapi ng youth for Christ." wika nni kuya at tinuro sila isa isa. Yung mga pastor daw ang namamahal sa activity kasama yung mga matanda na kasapi ng youth for Christ.

Ngumiti lang ako sa kanila. Dahil nahihiya ako kapag maraming tao ang nakayingin sa akin.




******


Maaga nagsimula ang activity na ginawa namin. May mga games kaming ginawa. Meron din mga riddles na sinagutan pero memory verse naman ang sagot.

Natapos namin ang activity ng mga alas diyes ng gabi. Naging masaya ako ng gabing iyon dahil na rin sa marami akong natutunan. Nagkaroon ako ng chance na makipag lapit sa kanila.

Hanggang sa magsalita ang isang pastor.

"May isa pa tayong activity. Ang pray over. Tinatawag din itong cleansing..Kung gusto nyo na mawala ang lahat ng agam agam at mabigat na problema maari namin kayong ipagdasal." wika pa ni Pastor Samuel.


Marami ang may gustong magpa pray over. Naglapitan sila isa isa at nagsimula na ang mga pastor na mgadasal.


Nakatapat ang mga kamay nila sa ulo ng dinadasalan nila. Habang may binibigkas na hindi maintindihang salita..


Natapos ang lahat ng gustong magpa pray over.

"Wala na bang may gusto? " tanong pa ni Pastor.

Nagkatinginan ang lahat. Maya maya pa nagtaas ng kamay si kuya. "Si Sabina po Pastor, ipag pray over nyo po siya!" saad ni kuya.



"Sige, halika dito iha!" yawag sa akin ni Pastor Samuel.

"Ayoko po. Kuya, ayoko!" pagtangi ko habang umiiling pa.

Ayoko magpa pray over dahil natatakot ako. Hindi dahil sa mga Pastor ang kasama ko kindi sa mga salitang binabanggit nila.

"Sige na, Sabina. Kailangan mo iyon." sagot pa niya.

Hinila niya ako kaya wala na akong magawa upang makatangi sa gusto niyang mangyari. Pumunta ako sa gitna. Pinalibutan agad ako ng mga Pastor at mga kasama nila.




*******

Bitin this chapter ba?

Babawiin ko sa next Chapter.

Icomment nyo na po yung mga reaction nyo. Pati na yung suggestion nyo! Wait ko po.

Ano sa palagay nyo ang mang yayari kay Sabina pagkatapos ng Pray over?

Idedicate ko sa makakasagot yung next chapter.

Kabanata Anim susunod..


lablots,

ate shinn














Ang Kakayahan ni SabinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon