Kabanata Dalawa: Kwintas

1.5K 50 2
                                    

Dahil na rin sa nangyari, nilagnat ako kinagabihan. Nagpatawag pa sila tatay ng albularyo noon. Doon nila ako pinatingnan at pinagamot. Natutulog ako ng ginawa nila yun. Pero kalaunan kinuwenyo rin ni nanay sa akin.

Kwento pa niya.. Sabi daw ni mang Ambo na siyang albularyo na gumamot sa akin noon ay..

" Wala dito sa bahay ang inyong problema. Wala akong nakita kahit isang masamang elemento na kasama nyo rito!" wika pa niya.

Abala ito sa pag iikot sa buong bahay noon. Una kasing pinatingnan nila tatay yung bahay namin. Pero walang nakita yung magaling na albularyo.

"Kung wala dito sa bahay, bakit may nakikita si Sabina dito?" nag aalala pa ring tanong ni nanay.

" Marahil ay sadya lang siyang nilalapitan ng mga elemento.!" saka pumasok sila kung saan ako nakahiga.

Nilalagnat ako noon dahil na din sa matinding takot at sobrang pag iyak na ginawa ko. Kahit naman sino siguro ang makaranas ng ganoon siguradong ganoon din ang mararamdaman.

Tiningnan ako ni mang Ambo noon. Tinawas daw ako sabi ni nanay. Pagtatawas ang unang paraan ng pang gagamot na ginamit ni mabg Ambo. Ito yun yung paraan na ginagamitan ng kandila. Sisindihan ang kandila tapos ipapatak iyon sa tubig na nakalagay sa isang maliit na palanggana.

Ipapatak yung kandila sa tubig doon tapos hahayaan na humugis ang kandila sa tubig. Habang ginagawa iyon ni mang Ambo nakikita niya ang unti unting pagbuo ng hugis doon.

Bahagya pa nga daw nagulat noon si mang Ambo sabi ni nanay. Maging sila ay nagulat din kasi nakikita nila ang nabubuong hugis sa tubig.

Matapos magpatak ng kandila sa tubig, kinuha iyon ni mang Ambo at tiningnan na mabuti.

"Tama ang sabi ng inying anak, mga anino ang gustong kumuha sa kaniya." wika ni mang Ambo.

Sabi ni nanay sa akin, hugis tao daw yung nasa kandila noon. Nasabi nila na mga anino nga iyob dahil na rin sa pag itim ng kandila na siyang nabuo sa tubig.

Wala silang ideya kung bakit daw ako gusto kunin ng mga anino. Na siya naman sinagot ng albularyo.

"Bakit naman gusto nilang kunin si Sabina?" tanong pa ni nanay.

"Dahil sa kakayahan niya makita amg mga ito. Iilan lang ang may ganitong kakayahan. Marahil nakabukas na ng bahagya ang ikatlong mata niya!" paliwanag ni mang Ambo.

"Ibig sabihin may third eye si Sabina?" singit daw ng kuya ko.

"Oo, yun ang tawag ng ilan. Kaya wag ninyo hahayaan ng mag isa ang bata. Lalo na wag nyo siya hayaan na magkasakit!" wika niya. Naglalagay daw ng inseso noon si mang Ambo sa may silid ko.

"Bakit naman ho?" nagtataka daw sila noon ni nanay.

"Dahil posible na iyong ang maging daan upang makuha nila siya. Hindi nyo lang nakikita pero marami ang nag aabang na magkaskit ang anak nyo. Kapag mahina ang katawan niya may kakayahan ang mga elemento at multo sa sapian siya.!" nilagyan niya ako noon ng isang kwintas. Maliit na parang pangil ang pendant noon. Wag ko daw aalisin yon kung ayaw kong may mangyari sa akin. Kaya hanggang ngauon suot ko pa rin ang kwintas.

"Kung magkasakit naman siya, hangga't maari wag nyo siyang iiwanan!"

Tanging tango lang daw noon ang naging sagot nila. Habang pinagmamasdan nila ako na nilalagnat ng sobrang taas.

Kwento pa nga ni nanay sa akin noon, may pagkakataon daw na sumisigaw ako kahit tulog. Alam nila na natrauma ako sa nangyari noon..

Sino ba ang hindi di ba? Sa mura kong edad, nakaranas ako ng matinding takot dulot ng kakaiba kong kakayahan. Alam ko na lahat ng tao merong ganoong kakayahan pero kaunti lang ang tulad ko na nakakakita talaga..

******

Simula ng pangyayaring iyon, naulit ng naulit ang pag sitsit ng mga anino sa akin. Hindi ko sila pinapansin o kahit pansinin ko sila hindi naman sila tuluyang makalapit sa akin dahil na rin sa pang kontra na meron ako. Yung kwintas na bigat sa akin ni mang Ambo.

Naulit lang iyon ng isang beses na hindinko nasuot yung kwintas ko. Hinabol ako ng mga anino sa loob ng bahay namin. Mga pitong taon na ako noon. Natakot ako ng sobra noon dahil muntik na nila akong maabutan. Buti na lang nandoon sila nanay at natulungan nila ako.

"Nay!" sigaw ko. Nakatingin si nanay sa akin.

"Hinahabol nila ako. Nakalimutan ko isuot yung kwintas!" takot na sigaw ko.

Nagmadali si nanay noon kumilos. kumuha siya ang inseso at kamanyang saka sinindihan. Pinagoag sa buo kong katawan saka inutusan si kuya na kuhanin ang kwintas ko.

"Kunin mo yung kwintas ni Sabina, dali!" natatrantang sigaw ni nanay.

"Saan nakalagay?" tanong niya.

"Sa ibabaw ng kabinet ko, kuya!" natatakot na sabi ko.

Nakita ko na kasi yung mga anino na malapit na sa akin ngayon. Sisigaw na sana ako noon ng biglang isuot ni kuya ang kwintas sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag noon. Akala ko nga makukuha na nila ako..

Buti na lang talaga kasama ko sila nanay..

****

next Kabanata tatlo...

Kung may tanong o kaya may isusuggest kayo just pm me. @Shinn_Ohara using #KakayahanniSabina

Or just comment na lang po!

please support guys...

ate shinn

Ang Kakayahan ni SabinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon