Hays.. Nasa school na ako ngayon. Halos lahat nakaalam sa nangyari tungkol kay Annabeth, maraming hindi makapaniwala sa kinahantungan niya. Sino ba naman ang hindi di ba? Pinaka naawa talaga ako sa mga magulang at kamag anak niya. Labis talaga silang nag dalamhati sa nangyari.
Ako naman eto, back to normal na. Wala pa naman nangyayari na hindi ko inaasahan. Actually, mag iisang buwan na matapos namin malaman ang tungkol kay Annabeth. Halos lahat din nakaalam na ako ang dahilan kung paano siya natagpuan.
Ako naman araw araw ko pa din kasabay sa pagpasok at pag uwi ang makulit na si Patricia. Nahawa na nga ako sa kanya eh.
"Hoy Sab, nakita mo ba yun?" turo niya sa may likod.
Bigla naman akong napalingon sa direksyon na tinuturo niya. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong nakita.
"Ano ba yon? Wala naman akong nakita eh!" wika ko at bumaling sa kanya.
"Ay, akala ko may nakatayo doon eh!" sambit niya sabay kamot sa batok niya. Napailing na lang ako at nagsimula na maglakad. Mula nung malaman namin ang nangyari kay Annabeth ay hindi na kami umuuwi ng walang kasama. Maging ang ibang estudyante ay nauwi sa kanila ng may kasama. Mahirap na baka matulad kami kay Annabeth.
Kaya kahit saan ako magpunta sinasamahan ako ni kuya o kaya naman kaming dalawa ni Patricia..
Mabilis lumipas ang mga buwan. Ilang linggo na lang at malapit na matapos ang taon na ito. Sa susunod na buwan kasi ay bakasyon na. Ano kaya ang gagawin ko bakasyon? Malalim ang iniisip ko ng kalabitin ako ni Patricia.
"Oy Sab, bakit tulala ka? Wag mong sabihin may nakikita ka na naman?" puna niya sa akin.
Ngumiti muna ako bago sumagot. "Wala akong nakikita. Ikaw lang! Nag iisip lang ako kung ano ang gagawin namin sa bakasyon." Saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
"Ganun ba? Kami meron na. Magbabakasyon yata kami sa probinsya nila nanay!" wika niya. Buti pa sila kami kaya?
"Buti pa kayo meron na. Kami kasi wala pa eh..!"
"Okay lang yan. Tiyak magbabakasyon din kayo. Hintayin mo lang na sabihin nila sayo!"
Hay sana nga..
Naghiwalay kami ni Patricia ng daan pauwi sa mga bahay namin. Marami ng tao dito dahil nasa may baryo na kami.Pag uwi ko ng bahay dala ko pa din ang isipin kung saan ba ako magbabakasyon. Tila naman napansin iyon ni tatay.
"Anong problema anak? Bakit balisa ka?" agad na tanong noon ni tatay sa akin..
"Kasi po tatay iniisip ko kung saan ako magbabakasyon!" pag amin ko sa kanya.
Saka naman dumating si nanay..
"Oh, bakit malungkot ka anak? May problema ba?""Hay yang anak mo, pinoproblema kung saan magbabakasyon!" wika ni tatay habang umiiling pa.
Lumapit si nanay at umupo sa tabi ko. " Wag ka mag alala, sorpresa namin sa iyo ang bakasyon mo." nakangiting wika ni nanay. Dahil sa sinabi nilang iyon ay nawala ang alalahanin ko. Hindi dahil sa may pupuntahan kami sa bakasyon. kundi ang malaman na gagawin nila iyong sorpresa para sa akin.
Kinabukasan..
Magkasabay kami ni Patricia papunta sa bayan. Araw ng sabado at walang pasok. Iregular na din naman kasi ang pasok namin. Minsan tatlong beses na lang sa loob ng isang linggo, dahil malapit na talaga ang baksyon.
Pumunta kami dito ni Patricia dahil sa bibili kami ng mga gagamitin sa ipapasa namin na huling project. Kailangan makapagpasa kami upang mapirmahan ng guro ang clearance namin.

BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...