Kabanata Walo: Iyak

965 43 0
                                    


Thank you for adding Kakayahan ni Sabina sa reading list nyo.. This chapter is for all of you..keep reading guys!!

***

Araw ng lunes, unang araw ng pasukan. Magkasabay kami ni Patricia noon papunta sa school. First year na kami. Pag kagraduate namin ng grade six first year na agad noon. Dahilan na rin sa hindi pa nagbabago ang curriculum noon at nasa probinsya pa kami..

Hindi katulad ngayon na may bago ng curriculum na K-12 ang tawag. Ang first year ngayon ay tinatawag na nilang grade seven..

Sa panahon namin noong nag aaral pa ako sa ilalim na mababang paaralan sa bayan namin, first year na nga kami. Kinakabahan kaming pareho ni Patricia dahil alam namin na iba na ang itinuturo sa high school.

Yung mga kaklase namin, yung mga kaklase din namin noong elementary kaya hindi kami nahirapan sa pakisamahan sila.

Masaya kaming naglalakad ni Patricia patungo sa klase namin.. Hindi pa naman siguro mag tuturo ang mga guro dahil unang araw pa lang..

Hindi pa namin nalibot ang buong high school compound dahil sa wala pa kaming oras noon.

Wala pa din akong nakikitang mga kaluluwa na pagala gala sa loob ng campus. O kaya naman sa comfort room at library. Ang unang araw ko noon ay naging maayos hanggang sa maka isang buwan na ako sa first year.

Araw araw kasabay ko sa pagpasok at pag uwi si Patricia. Ayaw nya daw ako umalis mag isa dahil natatakot siya sa dadaanan namin. May parte kasi dito sa lugar namin na mataas ang mga talahib at damuhan. Nakakatakot maglakad mag isa..

Sa nakalipas na isang buwan, maging masaya ako dahil wala pang nagpapakita sa akin. Pero nag iba yon ng isang araw ay utusan ako ng guro ko na maglinis ng silid namin. Maaga umuwi noon si Pat dahil sa hindi maganda ang pakiramdam niya. Alas kwatro ang labasan ng lahat ng estudyante. Dahil ako lang mag isa ang naglinis sa room namin inabot ako ng alas kwatro y medya.

Palabas na ako ng gate ng mapansin ang makulimlim na langit. Tingin ko noon ay uulan. Nagmadali ako sa paglabas ng gate ng high school. Mag isa ako ngayong naglalakad.

Malayo na ako sa school. Wala akong ibang makasabay sa paglalakad na siyang nagbigay ng matinding kaba sa akin. Wala ding dumadaan ng sasakyan o kahit trisikel man lang.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad sa nakakatakot na kalsada. May bakanteng lote kasi doon na may matataas na damo at talahib. Palingon lingon ako sa paligid. Kahit kinakabahan nagawa ko pa ring magpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa ako nakakalampas doon ng makarinig ako ng mahinang pag iyak. Lumingon ulit ako sa paligid. Ako lang mag isa ang naglalakad kaya imposibleng may marinig akong umiiyak.. Nagpatuloy ulit ako pero naririnig ko pa rin ang iyak niya na naging hagulgol na..

Sinundan ko naririnig na iyak hanggang sa tumapat ako sa may mas matataas na talahiban. Walang tao doon pero may naiyak talaga.. Sigurado akong humahagulgol ito.

Napatigil ako sa mismong tapat ng tinig. Nilakasan ko ang loob ko at naglakas loob na magtanong...

"Sino ang nandyan? Bakit ka umiiyak?" kinakabahang tanong ko. Hindi ako takot sa multo dahil bata pa lang sanay na ako. Kinakabahan ako dahil baka may nanloloko sa akin at gawaan ako ng masama. Nakakatakot pa naman ang paligid.

Lumingon ako sa likod ko pero walang tao doon. Wala ding sumagot sa tanong ko pero muntikan na akong atakihin sa takot ng tumingin ako sa parte ng talahiban ay may nakatayo na doon.

Umiiyak siya habang nakayuko. Nakatakip ang dalawa niyang palad sa mukha niya. Maiksi ang maitim niyang buhok. Maputla ang kulay niya at nakasuot siya ng uniporme. Hindi ko alam kung saang school iyon pero alam ko hindi sa San Lorenzo high school ang unipormeng suot niya.

Tinawag ko ulit siya at tinanong. "Miss, bakit andyan ka? Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong ko pa.

Umiiyak pa rin siya. Maya maya ay tumigil siya sa pag iyak at humarap sa akin.

Halos takasan ako ng kulay pagkakita ko sa kanya. Napatakip ang kanang palad ko sa bibig ko. Nakatitig siya sa akin habang naiyak..

Kaya pala maputla ang kulay niya dahil isa na siyang kaluluwa. Ang mukha niya sobrang putla. May dugong umaagos sa noo niya dahil sa malaking sugat doon. Mabasag ang bungo niya dala ng sobrang lakas ng pagpalo doon. Iyon marahil ang ikinamatay niya. Sira na rin ang blusang uniporme niya at may namumuong dugo doon. Umiiyak siya saka nawala sa paningin ko.

Imbes na matakot ay mas naawa ako sa kanya. Kailangan niya ang tulong ko. Kung sino ka man matutulungan din kita..

Nagmadali akong umalis sa lugar na iyon. Ngayon alam ko na kung bakit tila pakiramdam ko ay maalinsangan ang paligid tuwing dadaan ako sa bakanteng lote na iyon. Marahil ay hinintay niya ang pagkakataon na makapag pakita sa akin na ako lang mag isa ang dadaan..

Nakauwi ako ng bahay ng tulala. Hindi ko pinansin sila nanay kahit tinatawag nila ako. Gagawa ako ng paraan upang malaman kung saan nag aaral yung babae upang malaman ko kung taga saan siya..


*****

Ano ang malalaman ni Sabina tungkol sa babaeng nakita?

Kung may tanong ka o hula sa susunod na chapter i comment mo na yan..

Kabanata Siyam susunod...

lablots,

ate shinn

Ang Kakayahan ni SabinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon