Lumipas ang mga araw noon hindi na ako nagpaabot ng gabi sa eskwelahan.
Nasanay na din ako na hindi lang sila yung nakikita ko. Nakikita ko sila pero hindi naman sila nagsasalita.Marami pang tulad ni ateng multo. Meron nga ding mas bata pa sa kanya na pagala gala sa school eh. Nakikipag laro sa mga maliit na bata kahit hindi nila nakikita.
Lumipas ang panahon at grade six na ako. Hindi naman naapektuhan ng mga multong iyon ang pag aaral ko.
Nakikita ko sila at nakakasama pa nga minsan. Hindi ko sila pinapansin pero may mga pagkakataon noon na sinisundan nila ako kahit saan ako magpunta sa loob ng school. Kahit nakikita ko sila hinahayaan ko na lang. Hindi naman sila nakakalapit sa akin dahil nga sa suot kong kwintas.
Meron na rin nakipagkaibigan noon sa akin. Si Patricia.
Mabait ito at may kadaldalan minsan. Alam din niya ang mga kababalaghan na nakikita ko. Kung kababalaghan nga iyong matatawag.
Mula nung pasukan ko lang siya naging kaibigan. Sabi pa nga niya swerte daw ako dahil meron akong kakaibang kakayahan.
Naglalakad kami papunta sa canteen noon upang bumili ng makakain. Nagugutom na daw kasi siya. Mabagal kaming naglakad daldal siya ng daldal pero hindi ko pinapansin dahil na rin sa nakikita ko. Masasalubong namin noon yung estudyanteng multo.
Huminto sa paglalakad. Tiningnan ko siya dahil parang may kakaiba sa ikinikilos niya. Parang may gusto siyang sabihin ma hindi niya masabi..
"Hoy Sabina, bakit ka tumigil?" tanong ni Pat.
"Wala naman may napansin lang ako!" sagot ko sa kanya.
Lumampas sa amin yung multo kaya tumuloy na kami sa canteen. Laging ganoon ang eksena.. Hindi lang siya. Lahat silang mga multo na nakikita ko ay ganoon ang ikinikilos. Titingnan ako na parang may nais sabihin tapos lalagpasan lang naman ako.
Sinusundan na din nila ako palagi.Pag uwi ko, nagulat pa sila nanay dahil para akong binagsakan ng langit at lupa.
"Oh, anak. Bakit ang tamlay mo? May nangyari ba?" nag aalalang tanong ni nanay sa akin.
"Wala naman po, Nay. Kaso yung mga multo po kasi kakaiba yung ikinikilos nila ngayon." matamlay na saad ko.
Bahagyang nagulat si nanay noon. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya.
"Pero may ginawa ba sila sa iyo?"
"Wala naman po. Pero pakiramdam ko may gusto silang sabihin sa akin!"
Lumapit si nanay sa akin saka ako niyakap. " Hayaan mo na lang kung walang ginawa sa iyo. Malapit ka ng mag graduate, diba? Ilang linggo na lang!" tama! Sa high school na ako papasok sa susunod. Hindi ko na makikita yung mga multo.
Pinagpahinga ako no nanay at silid ko. Dala siguro ng pagod nakatulog ako agad.
"psiittttttt!" sitsit na narinig ko.
Napabangon ako agad. Sino kaya yun? Luminga ako sa paligid. Walang ibang tao sa silid ko kundi ako.
"psiittttttttt"
Muli kong narinig ang pagsitsit sa akin..Kinakabahan na ako subalit wala naman taon sa silid ko kundi ako.
"Psiiiittttttt"
Inis akong tumayo saka luminga linga.
"Sino ka ba?"Inis na tanong ko noon. Saka lumabas sa kung saan ang mga anino.
"Sumama ka na sa amin Sabina. Matagal ka na naminh hinihintay!" wika niya saka ngumisi.
Tama. Ang aninong gustong gusto na makuha ako may mukha na. Malabo iyon ngunit sapat upang makita ko ang kanyang pag ngisi.
Kinilabutan ako sa nakita. " Hindi ako sasama sa inyo. Umalis na kayo. Umalis na kayo!" matapang kong sigaw.
"Malapit ka na naming makuha. Magiging amin ka na, Sabina!"
"Hindi. Gagawin ko ang lahat. Hindi nyo ako makukuha!"
"Hindi nyo ako makukuha!"
Napabalikwas ako ng bangon saka bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok doon sila tatay at nanay kasama si kuya.
"Anong nangyayari, anak?" nag aalalang tanong ni nanay.
"Napanaginipan ko yung mga anino. Kukinin daw nila ako!" umiiyak na wika ko.
"Shhh...hindi kami papayag na kunin ka nila. Nandito lang kami." saka ako niyakap ni nanay.
"Sabi nung anino, malapit na daw nila akong makuha. Matagal na daw nila akong hinihintay!" saad ko pa.
Lumapit sila sa akin. Magdadasal daw kami upang lubayan na ako ng mga anino na iyon..
Sa tabi ko din natulog si nanay. Dahil ayaw ko maiwan mag isa..
Ang mga pangyayari na iyon ang hindi makakalimutan. Akala ko lang pala dahil may mas malala pa.
Nakapagtapos ako ng elementarya. Nasa pang apat ako at binigyan ng medalya. Masaya ako kahit marami akong nakikitang multo tulad ngayon ay binalewala ko na lang.
May nakikita pa nga akong multo na nakikisama sa kuhaan ng litrato. Sana lang hindi matakot ang mga makakakita sa kanila.
Napansin ko din si ate, yung estudyanteng babae na multo. Natingin siya sa akin. Napatingin ako sa bibig niya. May gusto talaga siyang sabihin pero hindi niya magawa.
Nakatulala ako sa kanya. Yung maputla niyang labi na unti unting bumuka.' Mag iingat ka. Malapit na.'
Walang akong narinig na boses pero nabasa ko ang ibig niyang sabihin.
Umalis na siya ng hatakin ako ni Patricia upang mag papicture."Magpicture tayo, Sab. Remembrance natin!"
"Sige!"
Si kuya ang kukuha ng litrato. Matapos ang ilang shot nagsimula na kaming mag ayos upang umuwi.
"Congrats, Sabina. Aalis na kami. Sabay tayo pa enroll ah. Bye po!" paalam ni Pat sa amin.
"Happy graduation. Oo punta ka sa bahay ah pag mag pa enroll na tayo. Ingat kayo! Bye, Pat." paalam ko din.
Ngayon, hindi na ako dito mag aaral. Sa kabilang paaralan na ako papasok. Sa high school na. Sana naman wala ng magpakita sa akin.
*****
Icomment na kung may alam kayong story na katulad ng kay Sabina..
Please guys support may story...
Any suggestion just pm me or comment po.Kabanata Lima susunod...
lablots,
Ate shinn
BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...