Magkasabay na naman kami ni Patricia sa pagpasok sa school. Dumaan kami aa bakanteng lote, ngunit wala doon amg babaeng umiiyak. Naisipang kong itanong sa kanya yung suot na uniporme ng babae.
"Ah, Pat, may alam ka bang school na yung uniporme nila kulay blue yung palda tapos mahaba naman yung manggas ng blouse saka may necktie na malapad?" tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. Nag iisip siguro siya.
"Bakit mo naman naitanong?" tanong din niya sa akin.
"Basta sagutin mo na lang. Meron ka bang alamn na goong school?" ulit ko pa. Nag isip siya sandali. Naihawak nya pa sa baba niya ang isang kamay na tila nag iisip talaga.
"Aha! Alam ko na. Ganoon ang uniporme ng San Jose high school!" nagulat pa ako sa pag sigaw niya. Kahit kelan talaga ang lakas ng boses niya.
Kung ganoon taga San Jose yung babae? Paano naman siya napadpad dito sa amin? Maaring naging biktima siya ng rape kaya ganoon ang itsura niya.
"Ah, salamat. Alam ko na ngayon." wika ko sa madaldal na si Patricia.
Pumasok na kami sa klase namin. Ngunit maghapon na hindi pa rin mawala sa isip ko ang babae. Mamaya dadaan kami ulit doon at makikita ko na naman siya. Biyernes pa naman ngauon kaya tiyak na mas maaga ko siyang makikita.
Saktong alas kwatro ay lumbas na kami ng room at diretso na pauwi. Hindi nga ako nagkamali. Mas maaga ko siyang nakita kesa noong nakaraan. Umiiyak pa rin siya. Nakayuko at nakatakip ang dalawang palad sa muka niya. Nilingon ko siya ngunit hindi niya ako pinansin..
Isa na lang ang paraan. Kailangan ko siyang matulungan. Bukas na bukas pupintahan ko si Tiyo Miguel sa San Jose. Magpapatulong ako sa kanya. Kapitan si Tiyo Miguel kaya tiyak may magagawa siya upang malaman ko kung sino yung babaeng umiiyak..
Kinabukasan...
Napagpasyahan ko ang pagpunta sa San Jose. Nagpaalam lang ako kay nanay bago umalis..
Sumakay ako ng jeep na may karatulang San Jose. Nagbayad ako at baba sa may tapat ng bahay ni Tiyo Miguel.
Halos tatlumpong minuto ang byahe bago ako nakarating sa San Jose. Bumaba ako sa may kanto malapit sa bahy ni Tiyo Miguel. Kasalukuyan siyang nakaupo sa teris ng bahay niya at nagkakape. Tumayo siya ng matanaw ako na parating.
"Magandang umaga po, Tiyo Miguel." masiglang bati ko sa kanya.
"Magandang umaga, Sabina. Napadalaw ka yata. May problema ba sa inyo?" agad niyang tanong.
Si tiyo Miguel ay kapatid na pangany ni nanay. Dito siya naninirahan sa San Jose kasama ang kanyang pamilya at kasalukuyang kapitan ng barangay.
"May gusto lang po akong malaman. Tiyak po ako na ikaw ang makakatulong sa akin." wika ko pa habang sumunod sa kanya papasok ng bahay.
"Ah, ganon ba? Sige, ano ba ang gusto mong malaman?" nagtataka man ay handa pa rin siyang tumulong.
"Itatanong ko ho sana kung may nailapit sa inyo na may nawawalang estudyante na nag aaral sa San Jose high school!" agad kong tanong.
Bahagyang kumunot ang noo ni Tiyo Miguel.Marahil nag iisip siya.
"Halika, doon natin tingnan sa barangay. Nandoon lahat ng files at mga reklamo ng nawawala nitong mga nakaraan buwan." wika pa niya. Nagpatiuna siya sa paglalakad kasunod lamang ako..
Malapit lang ang brangay sa bahay nila Tiyo Miguel kaya hindi na ako nahirap na lakarin ang papunta sa brangay..
Pinaupo mina niya ako doon saka nag umpisang maghanap kung may mga reklamo ba tungkol sa nawawala estudyante.
Nakailang isang kahon na si Tiyo pero wala pa siyang makita. Sa ikalawang kahon naman siya naghanap. Napatigil siya at saka umupo sa harapan ko.
May inilapag siyang folder doon. Naglalaman siguro iyon ng impormasyon.
"Eto, estudyante ng San Jose high school at nawawala siya dalawang buwan na ang nakakaraan." basa niya sa laman ng folder.
Mabilis ko iyong kinuha at tiningnan. May kasama iyong larawan kaya iyon agad ang tiningnan ko. Halos lumuwa ang mata ko pagkakita sa larawan. Hindi ako maaaring magkamali, siya ang babaeng yon.
Binasa ko ang impormasyon tungkol sa kanya. Annabeth Perez, 16 years old. San Jose high school. Missing two months ago.
"Ah, tiyo may balita na ba kayo sa kanya?" tanong ko sa tiyo miguel habang nakatingin sa folder.
"Wala eh. Nawawala pa din siya. Hanggang ngayon hinahanap ng mga magulang niya."
"Hindi na po nila siya makikita!" wala sa sariling sagot ko.
Tila naguguluhan si tiyo miguel sa sa sinabi ko kaya sinabi ko na rin sa kanya ang totoo.
"Patay na po siya, Tiyo! Nakikita ko siya sa isang bakanteng lote!"
"Ha? Paanong patay na siya kung nakikita mo siya? Ano naman ang ginagawa niya sa bakanteng lote?" kita ko ang pagkalito sa muka ni tiyo.
"Kaluluwa na lang niya ang nakikita ko Tiyo. Doon siguro siya pinatay sa bakanteng lote na malapit sa school namin." tila di makapaniwala si tiyo miguel. Pero alam ko alam niya ang sinasabi ko.
"Kung ganon, dahil sa kakayahan mo kaya mo siya nakikita?" isang tango lang ang isinagot ko sa kanya..
*****
Bitin this chapter..
Abangan yung sunod na chapter guys..
Comment po kayo.
Kabanata Sampu susunod na...
-ate shinn
BINABASA MO ANG
Ang Kakayahan ni Sabina
ParanormalIsa akong pangkaraniwang teenager. Simple at nabubuhay sana ng normal Pero may naiiba akong kakayahan.. Kakayahan na di ko matatakasan.. Sumusunod sila kahit saan ako magpunta.. Samahan nyo ako na tuklasin ang nakakatakot kong kakayahan.. Ako si Sa...