"Kaye bangon na!", sigaw ng bestfriend kong napaka excited na pumuntang school.
"5 minutes", ang aga aga pa naman kasi 8:00 pa ang simula ng enrollment at eto siya nambubulabog 6:30 pa lang ng umaga.
Unang araw ngayon ng enrollment sa La Salle. Naiintindihan ko rin naman ang excitement niya kasi fan talaga siya ng archers high school pa lang kami. At kakalipat lang namin galing Davao so kailangan namin malaman ang environment sa La Salle.
"Hay nako! Mauna na ako iiwan talaga kita!", aniya.
Dahil sa narinig ko bumalikwas ako ng bangon at nagmadali nang maligo, magbihis, at kumain. Kahit na ang aga pa ayaw ko rin naman mag-isa.
"Ang bait mo talaga Ellen. Hihintayin mo ako diba?", biro ko habang nginunguya ang toasted bread na hinanda niya.
Natapos ako ng mga bandang 7:30. Galit na si Ellen kaya di ko na natapos ang ritwal ko sa mukha ko. Di naman ako nag memake-up, nag a apply lang ng cream at kung ano-ano pa.
Galing sa condo namin nakarating naman kami sa campus on time. Yung nga lang medyo mahaba na ang pila para sa mga freshman.
"Ayan, Kaye ang bilis mo kasi", Ellen.
"Sorry na to naman. Ayaw mo nun mas marami kang makikitang papi jan- ARAY! bat ka nang hahampas?!" ang sakit ba naman ng palo niya yung tipong down the line hit ni Ara Galang nung rookie years niya pa lang.
"OMG BEEEES!" tili niya at parang mababali na ang leeg sa tinitingnan. Sinundan ko ang tanaw ng mata niya at OMG nga! Raegan Angelo Paolo Uy Rivero! walking towards us!
Pero nagulat ako nang bigla siyang lumagpas ka kinatatayuan namin. Well nga naman, walking towards the end of the line pala. Napatawa nalang ako sa naisip.
"So ano? Tulala ka nalang jan? Titig is key? Nako Kaye baka matunaw sayang. HUY!".
Napatingin ako kay Ellen, "ha?"
"Ha ka jan! Kung makatitig ka kay Gelo. Akala ko ba move on ka na?"
"Crush ko na pala siya ulit".
Humagalpak siya ng tawa, "you're hopeless Kaye" inirapan ko nalang siya.
Makalipas ang tatlong oras naka pag enroll na kami. At sabi ng registrar sa unang araw nalang daw ng pasukan ang orientation at school tour.
Napagdesisyunan namin na kumain muna kami sa mcdo at pagkatapos mamamasyal kami ng MOA para mamili na rin ng mga kailangan.
"Ano ba yan! Dalawang subject lang tayo classmate!", reklamo niya habang kinocompare ang schedule na binigay sa amin.
Pareho kaming business management ang kinuhang kurso. Gusto kasi naming magtatyo ng sarili naming business ng clothing line at accessories.
"Okay lang yan. Sana maging ka klase si Gelo kahit isa lang", bigkas ko sa kawalan habang naka pangalumbaba sa lamesa.
"Ayan! Ayan tayo ate girl! Akala ko ba. Teka nga mag kwento ka".
"Di naman talaga ako nakapag palit ng idol pagkatapos ni Gelo. Pero di lang ganoong hardcore fangirling gaya nung sayo kay Rance!", paliwanag ko sa kanya.
"Pero na turn off ka diba kasi naging playboy?".
"Sus! Crush lang naman eh. Imposibleng mapag tuonan niya ako ng pansin kaya", nagkibit balikat nakang ako.
"Malay mo. More chances of winning ka na batch mates na kayo", ulit, nag kibit nalang ako ng balikat.
Habang busy na kami kumain may biglang lumapit na lalaki.
"Uh excuse me miss?".
Napalingon kami ni Ellen.
O.O
The great Gelo Rivero and Rance Romero.
"Y-yes?", nauutal na tugon ni Ellen. Kumakalabog ang puso ko! Di ako makapagsalita! Oh no send help.
"Can we sit with you two? Wala na kasing bakante eh at table for four naman so I guess?", matigas na ingles na sambit ni Gelo.
"Okay lang sa akin. Ewan ko kay Kaye", sabay lingon niya sa akin. Pinandilatan ko siya. Tumaas lamang ang gilid ng labi niya. Nako Ellen isusumpa kita!, "Ano Kaye? Ok lang ba sayo?".
"Ha? Uhhh. Ah! S-sh-sure!", sabay pilit ko ng ngiti. Nakakahiya! Bat ba ako nauutal ughh!
Naupo na silang dalawa. Si Gelo sa tabi ko at si Rance naman sa tabi ni Ellen. Ewan ko ba sa bestfriend kong to di man lang nahihiya, na alam ko si Rance talaga ultimate crush niya sa lsgh pa.
Hindi na ako makakain ng maayos!Paano ba naman Rivero na tong katabi ko. Nang di na talaga ako mapakali nilingon ko si Ellen na parang sobrang pagpipigil na ang ginagawa niya para pagtawanan ako. Siguro mukha na akong natatae dito.
Halos sabay lang kaming apat natapos kumain ng rice. At ngayon nilalantakan na namin ang fries. Ang awkward walang nagsasalita ni isa sa amin.
Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Rance, "can I ask something?", sabay tingin niya sa akin.
"Go on", nahimasmasan naman ako sa kaba kaya medyo maayos na ang pagsasalita ko.
"Parang we saw you both kanina eh. Nakapila sa mag eenroll ng first year. Kayo ba yon? Sa La Salle?"
"Yup! Actually we're enrolling for business management kayo ba?", mabilis pa sa alas kwatrong tugon ni Ellen kay Rance.
Bes napaghahalataan ka ha.
"Pareho kaming athlete management", ani Rance.
"So I guess pwede tayong mag ka classmate since management related course natin diba?", ani Gelo.
"Well yes, by the way the conversation is getting deeper pero di pa natin kilala ang isa't isa", natawa naman sila, "I'm Kaye".
Naglahad ng kamay si Gelo at Rance.
"Gelo"
"Rance"Sabay nilang sabi. Una kong tinanggap ang kamay ni Gelo, syempre! Ang bait ng chance grabe kusang pumunta saakin open handed pa!
"Nice to meet you", sabay ngiti ko at vice versa. Nakipagkamayan din ako kay Rance at si Ellen din sa kanilang dalawa.
"Of course we know you both! Jr. NBA stars", ani Ellen na nagpalaki ng mata ng boys.
Nako Ellen ikaw na talaga inamin pang fan tayo ah?
"Talaga? That's nice then", giit ni Rance na nakatitig kay Ellen. Kanina ko pa napapansin tong lalaking to ha. Makatitig wagas. Baka bukas o makalawa magulat nalang ako pinopormahan niya na si Ellen nito.
"Rance it's already 2:30, training.", ani Gelo.
"So we'll go na. Di pa ba kayo sasabay?", umiling kami ni Ellen.
"See you both around sa school! Wag kayong mang snob ah!", ani Gelo na nagpangiti sa akin ng wagas at kumalabog na naman puso ko.
"Bye!", nag jinx kaming apat.
-VOTE ;)
BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...