Kabanata 19

270 12 11
                                    

Lumipas ang mga araw at mag iisang linggo na magmula nung nag champion ang paddlers ng La Salle. Nagsisimula ng bumalik sa dati ang lahat. Buong team ay naghahabol ng mga na miss na klase dahil sa mga trainings namin. Kailangan nang tapusin lahat ng quizzes, reports, at kung anu-ano pa bago mag midterms para hindi magkaka patong-patong ang lahat. Pagdating ng pangalawang linggo ng October sunugan na ng kilay.

Huling araw na ngayon ng September at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatunganga lang ako sa kisame ng kwarto ko naghihintay na may ideyang dumapo sa isip ko kung anong gagawin ko.

Biyernes pa lang ngayon pero buti nalang wala akong klase sa kahit isang prof. Natapos ko na din lahat ng dapat gawin. Kaya ngayon wala na naman akong ginagawa.

Hindi ko naman mayaya si Ellen kasi nagpaalam yun kanina na mag dedate daw sila ni Rance. Si Ash naman out of town para sa family vacation.

Kung mag bake nalang kaya ako?

Bright idea! Nag search ako sa YouTube ng mga tutorial at pinili ko yung madali lang. I love strawberries kaya strawberry flavored ang gagawin ko.

Tiningnan ko sa kusina kung kompleto ang kakailanganin ko at buti naman meron lahat.

Hinalo-halo ko lang lahat ng ingredients at sinalin sa cake pan. Kanina na pre heat ko na yung oven at pinasok ko na yung cake batter sa loob.

Mababato ako kung makikipag titigan ako dito sa cake na to. Kaya umupo muna ako sa sofa ng sala at nanood ng tv habang ngumunguya ng junk foods.

May nag door bell. Maybe Ellen.

"O? Bakit ka nandito?", bigla bigla namang sumusulpot tong lalaking to na parang kabute. May dala-dala siyang isang tupperware ng gummies. Ang laki niyang tao tapos may bitbit siyang tupperware ng gummies, ano yun? Balyenang may dalang chicken nuggets? Ay charot.

"Mind to let me enter first?", matigas niyang sabi. Yes sir!

Pinapasok ko siya at umupo siya agad sa sofa. Bahay mo po?

"Teka, may nililuto ka ba or something?", tanong niya habang inaamoy ang hangin.

"Wala na- Oh shit!", tinakbo ko ang distansiya ng kusina at binuksan ang oven.

"Aray!", napaso ako sa hawakan ng oven. Uso kasi potholder ate.

"Ako na nga. Wait, jan ka lang", aniya at kumuha ng potholder. Nilabas niya ang pink na strawberry cake ko sana pero ngayon para ng bato, hays, "You can burn the whole building down with this Kaye. Ano ka ba".

"Sorry, hindi ko naamoy kasi sinisipon ako", palusot ko pero totoo naman.

"Kahit na dapat hindi mo kinalimutan. Tingnan mo anong nangyari. Dapat hindi lang ganon kadali yung kalimutan. Dapat inaalala yon. Ganon ka bang klaseng tao ha? Na kinakalimutan nalang ang mga ganoong bagay?", bumuntong hininga siya. Hanep na yan ah!

Hindi ko siya masagot kasi mali ko talaga yun. Concerned lang din naman siya sa akin. Kaya parang nagtitigan lang kami ng siguro mga tatlong minuto. Bumuntong hininga siya ulit.

"Joke lang", humalakhak siya at kinurot ang pisngi ko, "Ang seryoso mo ngayon".

Kinuha niya ang mga kamay ko. Iginiya niya akong tumungo sa sink at pina agasan niya ng tubig ang kamay kong napaso.

"5 minutes mo yan gawin", aniya at may kinuha sa cabinet. Bahay niya talaga eh no.

Pagbalik niya sa tabi ko may dala-dala na siyang first aid kit. Buti pa siya alam niya kung saan yan naka lagay. Ako hindi eh.

Chase Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon