Kabanata 2

293 11 0
                                    

Tumatakbo na ako para lang maka alis don. I don't want another conversation with him anymore. Baka may masabi na naman akong mali. But why in the world am I hearing footsteps behind me and someone calling my name? Kung pwede lang magpalamon sa lupa ginawa ko na.

Nang maabutan niya ako hinigit niya ang braso ko. Nilingon ko siya malamlam ang kanyang mata pero nakasalubong ang kanyang mga kilay. I got this! Kailangan ko na siyang unahan.

"If your going to talk to me about what I said yesterday, I'm sorry I didn't mean it".

"What?", nagtatakang tanong ni Gelo.

Wait no! So he's not intending to ask me about last night? And folks may ginawa na naman akong nakakahiya. Overthinking really will kill me!

"I just want to ask kung nakita mo ba si Rance. We need to go to razon right now but I can't see him. Have you seen him?", inosenteng tanong niya habang nakatingin saakin. Yang matang yan na nakakatunaw. I'm loosing strength on my knees.

"Ah uh h-hindi eh", sagot ko habang di ako maka sulyap sa kanya.

"That guy really", iritadong tugon niya sa matigas na ingles. He brushed his hair with his hands. "Can I have your number?"

"What?! Why?", sagot ko sa gulat. Why would he ask for my number.

"Pa text sana ako eh kung sakali makita o makasalubong mo siya", yeah right, because of Rance, nothing more.

"Oh okay sure", napangiti nalang ako ng matipid. Inilahad niya ang cellphone niya at tinipa ko ang number ko. I saved it as Kaye G. Sana lang natatandaan niya pa ang pangalan ko.

"I have to go. Thanks", pangiting paalam niya at nagmamadaling lumabas na papuntang razon.

What now?

My real purpose of going here snapped out of me. Kailangan ko ng mag madali. Pumasok ako sa isang room at naabutan ko ang isang lalaki na staff ata ng La Salle.

"Good morning sir!", nakangiti kong bati.

"Good morning, what's your cause here?", sagot ng staff.

"Magtatanong po sana ako kung open pa ba for try outs ang paddlers"

"Yes. Actually we're looking for a player for singles. Lumipat kasi ng school yung tinetrain namin. So I guess you want to enter the team?", ani ng staff na Anton ata ang pangalan ng may nakita ako sa table niya.

"Yes sir", maagap kong tugon.

"Are you available tomorrow? Kung pwede sana as early as possible para makapag train ka na with the team"

"I'm good today. Actually may dala na po akong mga gamit", sagot ko habang medyo ngumingiti. I hope I can reach their standards for the players.

"Well that's great. Come with me", aniya.

Sinundan ko siya patungo sa kung saan man. Nakarating kami sa pinag tetrainingan ata ng mga paddlers. Agad niya akong pinag bihis at pagkabalik ko may kasama na siyang dalawang lalaki at isang babae na nagpakilala sa akin bilang coaches ng team. Binriefing nila ako sandali at nagsimula na nila akong paluan ng bola. It's just a short game but I felt confident kasi I think I did great. Nag usap usap sila at pagkatapos ng ilang sandali hinarap nila ako.

"We'll add you to the team".

"Talaga po? Thank you!", masaya kong sabi.

"You just need a bit improvement and you need to train with the team", tumango ako, "you can change first at pumunta ka nalang sa office na pinuntahan niyo kanina".

"Sige po!", di ko maitago ang galak sa mga kilos ko. Nagmadali na akong maligo at magpalit. Pagkatapos tumungo na agad ako sa office.

"So this will be your schedule on trainings. We will adjust you classes according to your training. You'll have your own student manager so dont worry", nakangiting sabi ni sir Anton saakin sabay lahad ng schedule.

Chase Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon