That stung me. But the fact that we're just real friends, woke me up from my revere. Maybe I should wait a bit more. For that 'girlfriend ko nga pala' moment. Woah! Dream on Kaye!
I chose to think positive nalang muna. Baka naman palusot niya lang yun sa fans niya diba para umiwas nalang muna sa issue.
"Tara na sa counter naghihintay na sila".
Magkikita muna kami sa bandang counter para i check kung kompleto na ba lahat. At kung tapos na magbabayad na kami.
Pagkatapos magbayad dinala muna ng boys yung mga groceries sa sasakyan ni Gelo. Sa condo ko muna yon dadalhin.
Hinintay namin sila sa dairy queen. We ordered ice cream muna kasi malayo yung napagparkan namin, baka matagalan pa bago sila makabalik.
Me and Ash ordered blizzard pero si Ellen pa special, gusto daw niya ng frappe. Pero nagulat siya don sa babaeng nagbibigay ng orders na babae bakit daw binaliktad muna yung amin ni Ash pero yung kanya hindi. Kaya ayon siya nalang daw magbabaliktad, at alam niyo na anong nangyari sa counter.
"Ay maam hindi po yan ice cream eh", matawa tawang sabi nung DQ staff. Pinagtatawanan namin siya ni Ash. Malaking kahihiyan!
"Lipat nalang tayo sa ibang store please!", nagmamaka awa siya. Ang dami ba naman kasing nakakita. Hindi pa nauubusan ng tao tong DQ.
"No!", tumawa ako.
"Just order another blizzard at yon ang ibali-baliktad mo!", ani Ash.
Now I can see her lining up again. Poor girl! I still can't move on from laughing though!
Halos sabay lang dumating ang boys at si Ellen sa table namin. Curiosity bugged them because they saw us still laughing.
"What's so funny?", ani Rance sabay tabi sa kanyang girlfriend. Ellen's blushing. And I don't know kung dahil ba sa kilig o sa kahihiyan?
"At bakit late ka naka order?", dagdag pa ni Gelo.
"Curiosity will kill them Ellen, shall you tell the story?", matawa-tawang sabi ni Ash.
"No!".
"Ako na nga lang", presenta ko.
"Isa Kaye!". Nagkibit ako ng balikat sa kanya.
"Well to make the long story short. Nagulat siya bakit daw hindi binaliktad yung order niya kaya yon siya nalang daw magbabaliktad-", Rance cut me off.
"And unfortunately you ordered frappe?", inaasar na niya ngayon si Ellen. Ginulo niya ang buhok ni Ellen at niyakap siya. Sweet.
"Yeah right! And the rest is history!".
Napuno ng asaran at tawanan ang buong stall ng DQ. There's really no dull time with these guys.
Napansin ko nawala ata si Bruce kaya I asked Gelo. Sabi niya, sinundo daw ni Brendan kasi may family dinner daw sila. Brendan is studying at CSB culinary related kasi ang tipo nung kurso.
"Should we go buy clothes na?", ani Vince.
"Let's go!", hilig talaga mag shopping nito ni Therd.

BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...