Nagising ako ng mga 5AM. Ginising ko silang lahat para makapaghanda na. Sakto nga na 6AM kami natapos.
"Guys! Come on!", excited na tili ni Ellen.
Nasa parking lot na kami ngayon papunta sa naghihintay na rinentahan naming van.
"Window seat ako!", sigaw ko sa nauuna nang si Ellen.
Si Dietherd nauna na sa front seat. Sa pinakalikod ako, si Gelo, at si Brendan. Sa second row naman si Ellen, si Rance, at si Bruce. Sa pinakaunahan si Ash at Ellen.
"Kompleto na ba?", tanong bi Dietherd galing sa harapan. Mabuti naman at napagdesisyunan niya ding magsalita. Kasi simula kagabi ngayon lang siya ulit nagsalita na para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Yup! Let's go!", ani Ash.
Umandar na ang van at lumabas na ng parking lot. I'm excited. May pinrepare pa nga daw na mga games at kung ano-ano pa sila Ellen at Ash para mamayang gabi, kahit bukas pa naman talaga ang birthday ko.
"Marunong ka bang lumangoy?", tanong ni Gelo ng biglaan kaya tumango ako.
Nagtataas si Vince ng cellphone niya para makapag selfie daw. Pinost niya pa nga ang isang picture sa instagram account niya na nagpagulo sa mga fans.
Wala na, exposed na kami ni Ellen. Sana lang wala akong matanggap na hate galing sa iba na gusto nila mapasakanila ang mga idol nila. Naaalala ko naman na isa lang din ako sakanila noon, nakakataba ng puso na marealize na eto na ako ngayon.
Siguro mga dalawang oras nalang makakarating na kami. Estimated daw kasi ng driver na mga tatlong oras dala na rin ng traffic.
"Kaye", kinalabit ako ni Gelo kasi busy ako sa cellphone, nagbabasa ng kung ano.
"What?", hindi ko parin siya nililingon.
"Knock knock", napalingon ako sa kanya.
"Ano yan ha?", pinanliitan ko siya ng mga mata. Tumawa naman siya ng bahagya.
"Sige na, mag who's there ka muna", pamimilit niya.
"Mag who-who's there pa alam ko namang ikaw yan", tinawanan ko siya.
"Ang KJ!", he pouted. Okay I lose.
"Sige na nga!", tumawa ulit ako, "who's there?"
"Mahal mo", wow ha.
"Mahal mo, who?".
"I wanna make you smile
Whenever you're sad
Carry you around when you arthritis is bad
All I wanna do, is grow old with you".
Napakunot ang noo ko. I don't get it.
"Saan ang mahal mo don?", kunot noo kong tanong.
"Eto sa tabi ko".
Tumili ang girls. Sari-sari naman ang reaksyon ng boys.
"Grabe bro!", eksaheradong banggit ni Rance habang hinahampas hampas pa ang dibdib niya.
"Lodi!", sigaw naman ni Bruce.
"Rivero for three!", ani Vince.

BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...