Tiningnan ko siya ng matalim. Pero nag-iba ang reaksyon ko ng humagalpak siya ng tawa.
"Joke lang eh!", namimilipit na siya sa sakit ng tiyan, kung maka tawa naman to wagas, "hay nako, you're always jealous".
Ginulo niya ang buhok ko, aba naman talaga!
"Hindi ah! At tigilan mo nga ang paggulo ng buhok ko!".
"Hindi talaga?", umiling ako, "fine, tara na sa van".
Siguro buong byahe pabalik namin ng Taft natulog lang ako. Bagsak na bagsak ang katawan ko. Bago kami unuwi ng condo, binaba muna namin ang archers sa dorm nila. Pagod parin ako pagkauwi namin kaya natulog ako ulit.
Nagising ako ng mag aalas diyes na. Lumabas ako at naabutan ko si Ellen sa sala na nakatitig sa cellphone.
"Ano yan?", tanong ko.
Pinakita niya saakin ang cellphone. May post si Rance na kasama si Gwen, kinuhanan ang picture sa Inflatable Island.
"Nakapag-usap na ba kayo ng maayos?", tanong ko na agad niyang inilingan.
"Sa tingin ko wala na eh".
"I think it's better that way, sorry pero sa tingin ko wala talaga siyang kwenta eh", ngumiti siya at niyakap niya ako.
"Kamusta na kayo ni Gelo?", she changed the topic. It means she doesn't want to talk about it, she's so hurt.
"Okay lang naman. Should we sleep?".
"Yes, I think we should sleep".
Days passed and it's September now. Konting araw nalang season na namin. Hindi na talaga ako nakakasama sa kanila. Nagtatampo na nga si Gelo saakin eh.
"Kahit sandali lang, please. Just taft mall. Ihahatid kita sa training mo", pilit niya ulit saakin for the nth time.
"Gelo intindihin mo naman ako. Napapagod din ang katawan ko. Dapat nga ikaw ang pinaka nakakaintindi saakin, athlete ka din".
He sighed, "Okay". Sabi niya at iniwan ako sa canteen.
I can't have distractions, I need to focus. Para maayos ang performance ko.
"Players! Mag pahinga kayo mamaya walang gagala. Understand?", matigas na sabi ni coach.
"Yes coach!".
Dinismiss na kami kahit mag aalas sais pa lang. Para na rin daw condition ang katawan namin bukas.
Kaya I decided to go straight home. Niyayaya ako ng grupo na mag k-pub daw sa bgc pero once again I declined. Pagod ako. Pagkauwi ko ng condo wala na si Ellen. Hindi ko na siya nahintay dahil antok na ako, kaya natulog nalang ako.
Kinabukasan maaga akong nagising at pumunta ng school. UST ang host ng table tennis kaya pupunta doon ang buong team. May laro ako against an FEU player.
Pagkarating namin ng UST kinakausap ako ni Miguel. He's asking me about Ash. Kung may boyfriend na ba daw. Anong tipo sa mga lalaki. At kung ano-ano pa. Kaya napasyahan ko na I confront siya.
"Alam mo Miguel, may boyfriend si Ashanti. Stop flirting with her kasi minsan nagiging rason yon ng pag-aaway nila. I know you're not that evil naman siguro para manira ng relasyon diba".
BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...