Kabanata 4

278 8 0
                                    

Natapos ang program na yon ng may tanong na bumabagabag sa isip ko. Hindi ba dala lang yon ng ilusyon ko? Sa labo ng mata ko?

Yeah right. Baka namamalik mata lang ako.

Dumeretcho na kami ni Ellen sa unang klase namin. Swerte kasi mag classmates pa kami. Economics ang una naming subject. Isang oras lang naman kaya hindi nakakabagot. Sa second subject at onwards hindi na kami magkaklase. Busy ang naging mga sunod na subjects namin. Good thing na nagkaroon din naman ako ng ibang mga kaibigan.

One is Ashanti. Classmate ko siya sa ethics class. Nagkasundo kami kasi sabi niya she's also a fan of the green archers. Wala daw siyang particular na player na nagugustuhan. But I told her na I like Gelo, 'as a player not a man'. I think she won't tell him naman kasi di naman siguro sila close diba? and she likes the green archers as a team lang. Habang free time sa class nag daldalan kami.

"Alam mo these past few days nagiging close kami ni Gelo, but he's such an asshole!", pangunguna ko.

Napatawa siya, "you told me earlier na you like him, pero he's such an asshole naman ngayon?".

Nagkibit ako ng balikat at tumawa. "Well enough about that topic, any thoughts about vince?", pagiiba ko.

"He's handsome and mabait. Pansin ko rin na he's a one woman man", sabi niya na biglang pumula ang pisngi.

"What?", natawa ako napalitan naman ang ngiti niya ng gulat sa reaksyon ko, "tingin ko nga malandi siya eh, he like too much erotic pictures on Twitter! Di mo ba alam?".

"No he's not malandi!", singhal niya na nagpagulat sakin. Edi hindi! Maka taas naman to ng boses sakin.

"If that's what you think then", natatawa kong sabi.

Nag dismiss na si prof kaya natigil na kami sa pag uusap. Niyaya ko siyang sabay na kami mag lunch kaso she declined may kasabay na daw siya which is yung boyfriend niya daw.

Hay nako! Lovelife everywhere!

Nakatanggap ako ng text galing kay Ellen. Sa canteen nalang daw kami mag kikita. So I decided na pumunta na agad kasi wala na man na akong iba pang gagawin.

Pagdating ko naabutan ko si Ellen na kumakain na kasama si Rance. Aba naman talaga chaperone na naman ako. Bumili nalang muna ako ng pagkain bago sila puntahan sa table.

"Kumusta class?", bati ni Ellen.

"Maayos naman, I gained a friend."

"Well that's great!", tugon niya at sumubo ng siomai. Balak siguro nito maging kalansay sa diet, di ata nausuhan ng kanin.

Ngumiti nalang ako at nagsimula nang kumain.

"Kaye, if you're thinking na chaperone ka na naman well shrug off that idea. Gelo, Bruce, and Vince with his girlfriend are coming", out of nowhere na sabi ni Rance.

"Mabuti naman pala", tawa ko.

Kalaunan dumating na sila. Nasa likod nila Gelo at Bruce si Vince at yung girlfriend niya kaya di ko makita kung sino yun. Pero nung umupo na sila sa harap ko. Nabilaukan ako.

"Kaye ano ba ok ka lang?", tanong ni Gelo habang umuubo ubo parin ko. Pinainom niya ako ng tubig. Siguro isang linggo na siya nakakakain ng panis. At bait niya na talaga.

Di ko siya masagot kaya inunahan na ako ni Ashanti. Yes, si Ashanti ang girlfriend ni Vince!

"Kaye, bat parang nakakita ka ng multo jan?", sabi niya habang tumatawa.

"Wait you two know each other?", singit ni Vince.

"Yup! Classmates kami sa ethics", ani Ashanti.

Chase Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon