"Gwen I'm sorry but this is Kaye's party, not mine, you cannot just jump to us and interfere what we are doing", ani Gelo. I know it sounds rude but he's just trying to avoid chaos here.
"Gelo!", sinaway siya ni Rance. Hindi ko alam kung anong ikinakaputok ng butchi niya bakit niya sinasaway si Gelo.
"What?! Magkakilala ba sila ni Kaye para okay lang na makisali siya ng ganon ganon nalang?", he sound so pissed.
I saw Gwen in my peripheral vision. Nakita kong napa atras siya, sa tingin ko napahiya siya. I don't like her here pero I have to say something good. Dapat mawala na ang tensyon dito.
Magsasalita na sana ako ng maunahan na ako ni Ash.
"Gwen can you excuse us? Pinlano kasi namin tong party para kay Kaye. It's her birthday kaya ayaw na sana namin ng gulo. Would you mind to?", sumenyas si Ash ng daan palayo dito.
"Too much rude people. Unethical. And why do you all act like an uneducated person? Gosh! I'm outta here!", sabi ni Gwen sa isang sarkastikong boses.
How dare she! Siya na nga ang nanggulo siya pa ang magagalit.
"Ang kapal ng mukha ah! At ikaw Rance! Bakit mo pa pinapagtanggol yung walang hiyang babaeng yon?!", singhal ni Ellen.
"It's just so rude to not let her join us", malamig na sagot ni Rance. What the?
"Bro hindi sila magkakilala ni Kaye", kalmadong sabi ni Vince.
"We can introduce them to each other. Is that a hard thing to accept and do?", umirap siya. I don't get him.
"Stop it bro. Masamang ipag sama ang past at present baka hindi mo alam", ani Dietherd.
"Whatever", umalis si Rance. Sa nakikita ko sinundan niya ata ang dinaanan ni Gwen.
Nang makalayo na si Rance napansin ko na nag iba ang timpla ng mukha ni Ellen.
"I'll kill him", umirap siya sa kawalan.
"Wag nalang siguro natin to ituloy, ang sama naman nating kaibigan kung magpapakasaya tayo dito na wala ang isa", sabi ko.
"No Kaye, it's your birthday!", ani Brendan.
"Bukas pa ang birthday ko, pwede pa naman ito ipagpatuloy bukas diba?".
"I agree. Siguro mag jamming nalang tayo sa shore, games. Truth or dare", ani Ellen. Nabadtrip na ata siya. I'm hurt for the both of them and to my supposedly party games.
Niligpit muna ni Ash at Ellen ang mga prizes sana. Kung hindi lang dumating yung babaeng yon dapat nagkakasiyahan na kami dito. Nakakainis!
Tumungo kami sa shore at inayos ang mga bean bag pabilog. May dalawa pang grupo na natira dito. Yung isa puro lalaki at yung isa naman magpipinsan ata.
"Bruce hiram ka gitara don, dali", utos ni Brendan sa kapatid. Sinunod naman agad ni Bruce at nagpunta na sa front desk.
Nagpicture picture muna kami habang hinihintay si Bruce. Hanggang ngayon hindi pa namin makita si Rance. I'll punch him in the face if we'll see him together with that Gwen.
Nang makabalik na si Bruce nagsalita si Ash.
"Ganito, kung unang beses pa tumapat sayo ang bote truth muna. Pag pangalawa na, pwede na mag dare. So ibig sabihin dadaan muna tayong lahat ng truth. G?".
Sumang-ayon kaming lahat. Mabuti nalang at gumaan na ang atmosphere dito. Nahimasmasan na din ang inis nila Gelo at Therd kay Rance.
Sa unang ikot ng bote kay Ellen tumapat.
BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...
