So I was right. What I thought was right!
Ibig sabihin ba nito seryoso talaga siya sa akin? Na aabot na kami sa puntong ipapakilala niya na ako sa mga magulang niya?
Pero sa naisip ko biglang dumaloy ang kaba sa katawan ko. Parang may kuryenteng nagsimula sa paa ko pataas sa ulo ko. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung ayaw nila sa akin? Paano kung may iba silang gusto para sa kanya?
"Penny for you thoughts?", ani Gelo na nagpabalik sa akin sa ulirat ko.
"Ha?", di ko alam kung anong sasabihin ko. Nakakahiya naman kung malaman niya na pinag-iisipan ko ng hindi maganda ang mangyayari pag pinakilala niya na ako sa pamilya niya.
"Ano na naman bang iniisip mo?", malambing niyang tanong.
"Ano, na baka, hindi maging maganda ang kalalabasan ng gagawin mo. Alam mo na, baka ayaw nila sa akin", tumungo ako.
"Paranoid", tangi niyang sagot sa akin. Did I went overboard? Pero hindi niya ako masisisi, he's too good for me. Kahit na hindi siguro ganon ang naiisip niya ganon yung nakatatak sa isip ko. Na I'm just a nobody compared to him.
"You don't know how much my mom likes you", aniya na nagpagulat sa akin kaya napalingon ako sa mukha niya.
"Talaga?", kuryoso kong tanong habang umaangat na ang gilid ng labi. That's great news kung sakali!
He let out a sexy chuckle, "well yes, so stop being so paranoid and shrug that negative thoughts in your brain".
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Maligo ka na nga muna. Ako na maglilinis dito", presenta niya habang nakangiti.
Ang cute lang tingnan.
I freshened up. Nagmadali lang ako para hindi na siya maghintay ng mas matagal pa. Pagkalabas ko ng kwarto maayos na yung cake. Tapos na lahat pati yung pag lagay ng icing. Paglingon ko rin sa sala malinis na.
"Wow ang galing!", sabi ko at binunot ang cellphone mula sa bulsa ko para kuhanan ito ng picture.
Narinig ko namang tumawa siya kaya nilingon ko siya.
"Cute ba?", tanong niya na agad kong tinanguan.
"Kaya lang... ", hinarap niya ako at tinutok ang mga mata niyang seryoso. Bigla akong kinabahan, "Mas cute ka eh!".
Hinampas ko nga, "Yung mga banat mo ah! Pinakaba mo pa ako akala ko kung ano na!", singhal ko na nagpatawa sa kanya.
"Sabi naman sayo eh tigilan mo na yung pag-iisip ng hindi maganda nakaka panget yan".
Sinimangutan ko nalang siya.
"Panget mo na nga".
"Gelo naman eh!", singhal ko na nagpatawa sa kanya.
"So tomorrow, I'll pick you up before lunch?", aniya.
"Sure", pag sang-ayon ko at nginitian siya.
Natapos ang araw at mag-isa na naman ako dito sa condo. Si Ellen hindi pa umuuwi. Siguro inuwi na yon ni Rance mag aalas dose na eh. Lagot sakin yan si Ellen isusumbong ko siya kay tita.
Si Gelo kanina pang hapon umalis. Nag paalam siya ng maalala na may bibilhin pa daw siya sa mall. Kaya buong hapon akong nakatunganga lang dito. Naubos ko tuloy yung kalahati ng cake. Sira na yung diet ko.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hirap akong matulog eh sa kakaisip kung ano ba dapat ang susuotin ko bukas.
BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...
