Kabanata 9

266 11 0
                                    

Ngayon nasa condo na ako, nakahilata sa aking kama habang pinipilit na matulog. Kanina, I succeeded on escaping from Gelo because of Ellen. Dumating siya at nag-aya ng umuwi kasi na badtrip daw siya kay Rance ang dami-dami daw kasing nilalapitan na babae. Nagpaalam kami mag cr pero dumeretcho kami palabas at pumara na ng taxi. We just texted Ash na nauna na kami.

So did I went overboard? Na kahit si Gwen lang nakasalubong namin kanina nag attitude na agad ako? Ay nako, basta. I'm just thankful for Ellen, lifesaver.

I can't sleep. Gelo is bombing my cellphone. I am receiving too much texts from him but I don't bother. I refuse to look at it.

Pero minutes after tumawag siya, so hindi talaga siya titigil. I answered on the third ring.

"Please let's not let this night end na hindi tayo nag kaausap ng maayos", ani Gelo. Hindi makapag relax? Kahit hello muna?

"We're cool, Gelo".

"Bakit kayo umuwi ng hindi nagsasabi?", he sound irritated.

"Kasi nainis daw si Ellen kay Rance, kaya nag-aya na siyang umuwi".

Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na hininga, "then can I go there?".

"Ha? Bakit naman?", please no!

"Ihahatid ko lang yung groceries kanina".

"No!", siguro parang ang defensive ng pagkakasabi ko! "I mean, wag na bukas na lang, gabi na. Super early kaya ng morning training niyo", good thing nakahanap ako ng magandang rason!

"Stop avoiding me, please".

"I told you we're cool, I'm not avoiding you", kalmado kong sagot.

"If not, then I'll go there, be there in ten minutes. Wait for me please", pinutol niya na ang tawag.

Nag-ayos ako ng sarili ko. Bakit ba kasi ganon inasta ko kanina!

Maya maya narinig kong may nag text sa akin. And it was Gelo. He texted daw kasi ayaw niya mag doorbell baka magising daw si Ellen.

"Pasok ka, yung groceries sa counter nalang muna".

He looked at me intently, at nilapag niya na ang groceries sa counter.

"I'm sorry, I'm so insensitive".

"Hindi nga kasi ako nagselos", bakit ba gusto niyang ipilit kasi.

"Ibig sabihin okay lang sayo? Na close ako sa kanya?", tumango ako kahit hindi.

"Pero alam mo, ako ayaw ko ganon ka sa ibang lalaki", umangat ang gilid ng mga labi ko, pero hindi ko pinahalata.

"At yung sinabi mo kanina na wala kang karapatan? That's not true, Kaye. You have all the right to get jealous", bakit ganon, ang dami niyang banat. Ang galing magpakilig at parang may nagkakarerahan na naman sa puso ko!

I nodded in defeat and let out a sweet smile for him.

"So you really got jealous", nagtawanan nalang kami at hinila niya ako para sa isang yakap na ikinagulat ko.

"Damn don't get lost again", ang higpit ng yakap niya hindi na ako makahinga.

"Gelo I didn't got lost, umuwi ako. Ang uh, ang higpit can you loosen up", bulong ko.

Chase Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon