Ayoko na. Tama na siguro yon. Patikim lang yung sayang yon. Bago pa lang kami pero may kapalit agad na sakit. Paano na lang kung mas maging masaya pa ako kasama siya? Edi mas masasaktan din ako kung sakali?
"Ayoko na, and by the way there's nothing to fix because there's no us in the first place", dere-deretcho kong sabi.
"Kaye, why are you talking like that. Maliit na away lang naman yun eh. Pero bakit lumaki ng ganito? Let's fix this, come on", malamlam niyang sabi at hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Oo maliit na away pero bakit hindi mo ako kinausap agad? Bakit wala ka man lang ginawang paraan para magkabati tayo?", kalmado kong sinabi. I'm still composed. I want to let him realize everything with my emotions right now. It'll not help him absorb everything if I act like a crybaby here.
"I tried Kaye. I sent you sticky notes. I even hacked Brendan's account just to get your attention!", singhal niya pero bakas sa boses niya ang pagmamaka-awa.
Ibig sabihin siya yung nagdikit ng mga sticky notes sa mga gamit ko? He said sorry? Sinundan niya ako kung saan ako pumunta ng dalawang araw? At yung tweets? Siya? No this isn't happening.
Tinitigan ko siya sa mga mata niya. I was so dumb to not realize that, to realize everything he did. Masyado ba akong nagpakain sa selos ko sa kanya at sa kay Gwen kahit wala naman silang ginagawang masama? I'm sorry.
"Kaye, please let's fix this. Let's get back together again. Akala ko ba ipaglalaban mo ako? Di ko yun makakalimutan, Kaye. You said it on your birthday. Sabi mo ipaglalaban mo ako. Panindigan mo naman yung sinabi mo, please Kaye", pagmamakaawa niya. It wrecks me seeing him hurt.
"Gelo, ask yourself. Deserve mo ba ang masaktan ng sobra? Deserve mo ba ang questionin ang sarili mo? Hindi. Hindi mo deserve yan. Kung hindi ka pinaglalaban, hayaan mong makita niya kung anong binabalewala niya. Know your worth", nagulat ako ng may biglang magsalita sa gilid namin and it's Gwen. Pagkatapos niyang magsalita umalis din siya agad.
That hit me.
Gelo wiped my cheeks that's when I realized na umiiyak na pala ako. Niyakap ko siya at tinago ang mukha ko sa dibdib niya. Niyakap niya din ako pabalik. I can't lie to myself anymore. I get more hurt seeing him away from me. The happiness I'm feeling when I'm with him is unexplainable. Maybe if I get hurt someday, it's fate.
"I'm sorry. Sorry Gelo", sabi ko sa kanya habang nakatungo parin sa dibdib niya. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. I missed him. I missed the security I'm feeling when I'm with him.
"Hush now. Wala kang ginawang mali. Kasalanan ko to lahat. I'm sorry", aniya.
Kumalas ako sa yakap at inilingan ko siya.
"Wala kang ginawang masama. I overreacted".
He nodded in defeat and again he locked me in his arms.
"Stop crying na please. Naiisip ko tuloy napakawalang-kwenta ko. Hindi pa man nagiging tayo napaiyak na kita", sabi niya habang nakatitig saakin. Nakakatunaw naman.
I wiped my tears and chuckled a bit.
"God knows how I missed you", aniya habang hindi parin inaalis ang mga mata niyang nakatitig saakin.
"I missed you too", mabilis kong sagot na nagpangiti sa kanya.
Napatalikod siya bigla at di ko alam kung anong ginawa niya. Pero hinarap din naman niya ako agad.
"Nakakabading naman to!", tumawa siya na tinawanan ko din, "Hatid na kita. Late na. Ikaw naman kasi tagal mo akong patawarin", aniya sa mapanuyang tono.
"Aba aba!", natatawa kong sagot.
Dumeretcho na kami sa sasakyan niya at nag drive na siya patungo sa condo.
Buong byahe sa paghatid niya saakin naka ngiti ako. Pero napawi rin ito ng maalala ko ang sitwasyon ni Ellen kanina. Nahanap kaya nila si Rance? Nang maka park na siya sa parking lot ng condo I asked something.
"Ba- ay hindi ano", muntik ko na siyang matawag na babe! Bigla ba naman kasing pumasok sa utak ko ang endearment ni Ellen at Rance. Nasapo ko ang mukha ko.
"Ano yun?", nakangisi niyang tanong. Aish Gelo!
"Wala nevermind", sabi ko habang kinakalas ang seatbelt. I need to go now nakakahiya.
"Ano ba yan!", pagmamaktol niya habang nakanguso, kagatin ko yan eh. Ay ano ba Kaye!
"Seryoso na", sabi niya habang sinasampal ng mahina ang sarili para pigilan sigurong ngumiti, "anong sasabihin mo sana?".
"Pwede mo ba tawagan si Brendan o Rance. Itanong mo anong nangyari please", deretchong sabi ko.
"Sure", aniya at nilabas na ang cellphone at nag-dial ng kung ano.
"Bro.. Oh?", tumawa siya, "okay sige bye".
"Ano daw?", agad kong tanong ng putulin niya ang tawag.
"Nakita daw nila agad. Tapos nag-away muna pero nagdramahan rin tapos nauwi lang sa patawaran. Tapos tinaboy na agad si Brendan", sabi niya habang humahalakhak. Nakahinga naman ako ng maluwag at tumawa na rin.
"Buti naman pala. Ano, akyat na ako?", paalam ko sa kanya.
"You should. Sige na bye, goodnight sweetdreams", aniya sa matamis na tono. Ayoko na tuloy umalis. Gusto ko muna sulitin tong panahon na magkasama kami.
"Bye?", tanong ko na nagpangisi sa kanya.
"Okay?", ayan na naman siya sa pa 'the fault in our stars' niya. Di nalang sabihin ng buo eh.
"Okay", sagot ko sa kanya na nagpangisi sa aming dalawa, "sige na nga totoo na. Bye na".
Bumaba na talaga ako ng tuluyan at pumanik na sa taas. Pagkapasok ko sa condo nagulantang ako sa nakita.
"Ellen!", tili ko. Pero hindi nila ako nilingon man lang. Pumasok pa sila ng kwarto ni Ellen! Oo sila! Sila ni Rance! Naghahalikan na parang walang bukas.
Sumugod ako sa kwarto ni Ellen pero naka lock ito.
"Ellen kung di mo bubuksan to tatawagan ko si tito!", banta ko galing sa labas ng kwarto niya habang hinahampas ang pintuan.
"Ellen!", tili ko ulit pero wala talagang sagot galing sa loob.
Ayoko namang tawagan si tito baka itakwil niya si Ellen o ipadala sa US o ipabugbog o ipaanod sa ilog Pasig.
Ay nako ayan ka na naman Kaye!
Sumugod ako sa kwarto at nagdasal, "Lord sana po hanggang first base lang, o kahit second wag lang po third! Please po Lord".
Napabalikwas ako ng may marinig akong katok sa pinto ng kwarto ko. Tinakbo ko ang pinto at pagbukas ko nadatnan ko si Ellen na naka ngisi ng malaki.
Siguro naman hindi umabot ng third base, buti naman.
"Hi!", ani Ellen.
"Wag mo akong ma hi hi jan! Pinauwi mo na ba?!", sinisigawan ko siya, maling-mali Ellen!
"Pinauwi ko na! Prank lang namin yon sayo no!", humagalpak siya ng tawa, "Gulat na gulat ka naman. Ikaw nga eh baka hindi mo lang sinasabi sinuko mo na kay loverboy ang bataan!".
Hinampas ko siya.
"Tumigil ka nga! Yung kahalayan mo ha! Susumbong na talaga kita kina tito!", singhal ko sa kanya.
"Joke lang eh! To naman!", ginulo niya ang buhok ko.
"Wag mo nga guluhin ang buhok ko! Naiinis ako sayo!".
"Sige ganyan ka saakin, nagkabati lang kayo ni loverboy eh! Pagpalit mo na ako don!".
"Ay nako ewan ko sayo", sabi ko at pinagsarhan siya ng pinto. Narinig ko namang humagalpak siya ng tawa. Ay nako babaeng yon!
-VOTE;)

BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...