Gulong-gulo na ako. Hindi ko na maintindihan lahat ng nangyayari. Una, yung sa mga neon green na sticky notes na yon. Pangalawa, yung sa tweets pa ni Gelo. Buhay nga naman talaga.
Nasa sala na kami ngayon ni Ellen. Inaya ko na siyang umuwi kasi nababagot na naman ako don. Wala rin naman siyang magagawa kundi umuwi kasi sabi na rin ni Adam.
"Ellen usap muna tayo, dali", sabi ko ng tumayo siya sa sofa para pumunta na ng kwarto niya.
"Ano? Gelo na naman ba?", tanong niya pagkaupo palang ng sofa ulit.
Umiling ako, "It's about you this time. Sure ka na ba don?".
"Ha?", kumunot ang noo niya.
"Rance o Adam?", deretcho kong tanong. Kung mahal niya si Adam edi go. Pero kung ginagawa niya lang rebound si Adam para makalimutan si Rance, ibang storya na yon. Sa pag-ibig kailanmay hindi naging tama na gamitin ang taong may gusto sa atin para makalimot.
Tinitigan lang ako ni Ellen.
"Ano?", dagdag kong tanong.
Nagulat ako ng biglang may pumatak na luha sa kanyang pisngi. Maybe my intuition was right.
"Kaye", humahagulgol na siya.
"Bakit parang permanente na siya dito?", tanong niya sabay turo sa puso niya, "Bakit parang kahit anong gawin kong pagsama sa iba siya at siya lang parin yung naiisip ko? Na kahit alam kong may kasama na siyang iba at masaya na sila, eto parin ako nagmumukmok sa sakit. Di ko na maintindihan eh. Bakit ganon? Wala na man akong ginawa para ikasira ng relasyon namin. May nagawa ba akong mali? Kulang pa ba yong pagmamahal na binigay ko? Tell me please, Kaye. Pupunan ko lahat ng pagkukulang ko bumalik lang siya".
Hindi parin tumitigil ang agos ng kanyang mga luha. She's badly broken.
"Wala kang ginawang masama, okay? Don't take the blame for yourself. Pero dahil sa sinabi mo na realize ko na mahal mo parin siya, na hindi parin siya napapalitan sayo", mahinahon kong sabi habang pilit na pinapatahan siya.
Tinanguan niya lang ako.
"Then why is Adam in the picture now. Tingin mo ba may mangyayari kung lagi kayong magkasama? At wag din sana umabot sa panahon na mangyari kay Adam tong nangyari sayo ngayon. Baka naman pwede mong linawin kay Adam anong gusto mo. Ayoko lang na gumagamit ka ng ibang tao para makalimot, Ellen. If you want to fight for that love, then fight".
Tiningnan niya ako sa mata.
"Then, maybe his love really is worth the risk to fight for", ani Ellen.
Natapos na ang usapan namin. Nakatulog si Ellen sa couch dahil siguro sa pag-iyak. Kaya no choice ako, kailangan ko siyang buhatin para ilipat sa kwarto niya.
Nasa gym ako ngayon para sa training. Whole day kami kasi huling training na to para bukas. Sana palarin kami ng buong team. We want to bag the championship home here in La Salle.
Kaninang umaga nag paalam na din si Ellen na kakausapin niya daw si Adam. Pero hindi ko lang din alam kung anong naging kalabasan ng pag-uusap nila.
Lumipas ang buong araw ng mabilis lang. Nothing special happened, except nalang na nakakakita o nakakapulot parin ako ng sticky notes kung saan-saan. This time nabuo ko na siya agad it's just K-A-Y-E.
Pauwi ako ngayon sa condo. Tinatahak ko na ang madilim na corridors palabas ng building kung saan ang gym namin.
Sa dulo ng corridor may naaaninag akong dalawang lalaking matangkad. It's Gelo and Brendan.
"Uy, Kaye!", bati ni Brendan at tinaas ang palad para mag high five. Sinalubong ko rin naman ito ng palad ko.
"Bakit kayo nandito?", tanong ko na pinagsisihan ko. Syempre Kaye school din nila to hindi naman imposibleng mapadpad sila dito.

BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...