Kabanata 17

239 10 1
                                        

Matagal kaming nagtitigan bago ko siya nasagot. Kanina lang ang sama-sama ng tingin niya sa akin, pero ngayon babatiin niya ako. Siguro kung nakakamatay ang talim ng titig niya sa akin, kanina pa ako pinaglalamayan dito.

"Thank you?", hindi ko alam bakit patanong ko yon sinabi. Nawawala na naman ako sa isip ko.

"A question? Really?", tanong niya pabalik saakin.

Nagkibit balikat ako. May kasalanan pa siya akin. Dapat humingi muna siya ng patawad bago ako kausapin na parang wala lang nangyari.

Pero yung nararamdaman ng puso ko hindi nakikisama. Gusto ko nalang kausapin siya at makipag bati na parang walang nangyari. Na parang wala siyang ginawang masama. I want to be with him again, everyday. Damn, I miss him so bad. I miss those eyes of him that makes me lose strength on my knees.

He let out a sigh. What for?

"Kaye let's dance!", aya ni Ellen saakin. Hinila niya ako palayo kay Gelo. Nagpalunod kami sa dagat ng tao papunta sa gitna ng dancefloor. Hindi parin umaalis si Adam sa tabi niya.

"Nag-usap kayo?", tanong niya taliwas sa sinabi niyang sasayaw daw kami, well.

"Nag congrats lang siya then I thanked him tapos hinila mo na ako", sarkastiko kong sabi.

"Ay! Di pa ba kayo nagbabati?", tanong niya.

"Malamang hinila mo ako kaagad", I said in dismay. Syempre baka nagkabati na kami ni Gelo kung nakapag-usap kami ng mas matagal pa. Pero sa tingin ko okay na rin yun kasi baka isipin nung isa na ang easy ko.

"Ganon ba. Sayang pala, sorry", halos nagsisigawan na kami dahil sa lakas ng music pati ng mga usapan ng tao sa paligid. Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy siyang magsalita, "Sa tingin ko ok na rin yon. Dapat mag effort rin naman siya kahit konti no".

Pagkatapos naming mag-usap sumasayaw na sila ni Adam. Medyo naiilang nga ako kasi ang lapit nila sa isat-isa. Para lang akong poste dito na nakatingin sa kanila.

Pero nagulat ako ng hawakan ni Adam ang bewang ni Ellen, pero mukhang wala lang sa kaibigan ko. Siguro natamaan na to ng spirito ng alak.

Pero mas nagulat ako ng may biglang sumuntok kay Adam.

It's Rance.

"You don't have any right to touch her!", sigaw ni Rance sa kay Adam.

"Rance! What's wrong with you!", sigaw naman ni Ellen sa kanya. Akma siyang susugurin ni Ellen kaya pinigilan ko siya.

Bumangon si Adam at tinulak si Rance. They're making a scene here. Paano nalang kung may fan dito.

"Back off dude! Wala na kayo ni Ellen!", sigaw ni Adam.

Nag igting naman ng panga si Rance, "You son of a bitch!", bulong niya at sinuntok ulit si Adam. Oh my gosh, nagsusuntukan na sila ni Adam!

"Ellen do something!", sigaw ko kay Ellen. Buti nalang at hindi hininaan o pinatay yung music, hindi na rin nakuha ang atensyon ng lahat ng nandito.

Pero ng lingunin ko si Ellen nagulat ako ng makitang umiiyak siya. Damn it! I should do it myself now.

Sinubukan kong pumagitna sa dalawa pero hindi nila ako pinapansin. Parang walang makakapagpatigil sa kanilang dalawa ngayon. Sinubukan ko ulit and this time natulak ako ni Adam. But I don't care, they need to stop kaya sinubukan ko ulit. Pero hindi ito natuloy ng may humigit sa braso ko at inilayo sa dalawang nagsusuntukan.

Gelo pulled Rance away from Adam.

"Ano bang ginagawa niyo?!", sigaw ni Gelo sa kay Rance at Adam. Pero hindi siya pinansin ng dalawa.

"Ano bang pakealam mo? Ano ka ba niya?", sarkastikong sigaw ni Adam sa kay Rance.

"You don't have to give a damn about that! Just don't fucking touch her!", sigaw ni Rance sa kanya.

"Rance stop!", putol ni Ellen sa kanilang dalawa, "Just go with your Gwen and don't go near me anymore!", parang gripong umaagos ang mga luha ni Ellen.

"Babe please let's fix this, let's talk babe please", pagmamaka-awa ni Rance kay Ellen na lumapit na ngayon. Binitawan naman siya ni Gelo at tumabi saakin. What's with him. At akala ko ba sila ni Gwen? Now Rance and Gwen?

Umiling si Ellen, "Don't call me like that. And there's nothing to fix and to talk about, were done", matigas na banggit ni Ellen.

"Ellen, babe pls", may luhang lumandas sa mga pisngi ni Rance.

"Ayaw niya nga diba! Wag ka mamilit pa!", ani Adam.

"Back off!", sigaw ni Gelo. Pursigido talaga siyang pagbalikin ang dalawa.

"Stop now", ani Ellen at hinila si Adam palayo. I saw how hurt Rance was. Tears after tears fell on his cheeks. Now I realized he's real. But how dumb of him to do that things to Ellen before.

"Bro", ani Gelo sa kay Rance pero nagsimula na rin itong maglakad palabas ng bar.

Now it's me and Gelo alone again.

"Kaye, did you get hurt?", nakakatunaw ng puso na ganyan siya ka concerned sa akin ngayon. Pero kung iisipin ko nakaya niya maging malamig saakin ng dalawang linggo. Walang pag-uusap, text, o ano man. Ni ha, ni ho wala.

Inilingan ko nalang siya at sumunod kung saan dumaan si Ellen kanina. Hindi ko alam bakit, pero naging sensitive ako bigla ng makita ang eksena kanina ni Rance at ni Ellen. Tingin ko naiiyak na din ako, at ayokong makita yun ni Gelo.

Dumeretcho muna ako sa table namin kung saan nandon parin sina Brendan at Therd. Nakita kong nandon din si Ellen pero wala si Adam. Wala rin doon si Rance. Kinakausap ngayon ni Brendan si Ellen.

"Where's Rance?", tanong ni Brendan kay Ellen na hindi parin tumitigil sa pag-iyak.

"I don't know. Umalis siya, hindi ko alam", humihikbi niyang sabi.

"I'll find him", ani Brendan at tumayo.

"I'll go with you!", mabilis na sabi ni Ellen at hinigit ang kamay ni Brendan.

"No. You better text or call him baka anong gawin non. Hindi natin alam pero kaya nong magpatiwakal dahil sayo Ellen", ani Brendan kay Ellen. I can sense that he's pissed.

"I'll do that, but please. Just let me go with you", humahagulgol na naman si Ellen. It breaks me seeing her hurting.

Pumayag na din si Brendan at sinama niya si Ellen. Sana naman maayos na nila yan. Naglolokohan lang sila eh. They still love each other and they crave for each other's company.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagseselos na inaayos na nila Rance at Ellen ang problema nila at kami ni Gelo wala lang parin. Sana naman mabalik na sa dati ang lahat. I know everything will fall back into places soon. But how soon enough is that soon? Hindi na kaya ng puso ko na magtiis pa ng mahabang panahon. I need to let go of this. To break out from this pain. Na kahit ganong maikling oras palang kami nagkasama parang buong buhay ko na yung kulang. I want him back. And I need him back, to me.

"Kaye", called Gelo that pulled me out from my revere.

Nilingon ko siya.

"They're fixing theirs. Can we now fix ours too?".
-

VOTE;)

Chase Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon