Kumakalabog ang puso ko. Yung tipong parang may isang daang kabayo na nagkakarera sa kaloob-looban ko. Why would he tell me that? So kung di ako iinom magugustuhan niya ako? But I can't show him na naapektuhan ako. Nasabi ko na sa kanya na dati lang yun.
"A-at bakit naman kita susundin? Tatay ba kita?", pagtataray ko sa kanya.
"Tss", he chuckled.
Aba pagtawanan ba daw ako. Sa pag kakaalam ko di pa kami close eh.
"Magaling ka pala sa actingan", he added and again he let out a chuckle. Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?", nagtataka kong tanong habang matapang na tinitingnan ko siya with matching taas kilay.
"I just thought na you like me kasi yung sa nakita ko sa twitter mo", the guts of him to talk about that!, "but I guess you want to play hard to get".
Uminit ang pisngi ko. Siguro para na akong kamatis. Ito na ba yun? Yung moves niya sa pagiging playboy? Ughh di na naman ako maka imik.
"I realized you're not that great actress I thought you were. You can't control your emotions, you look like a tomato now, really", pang-aasar niya na tawang tawa pa.
Kahit na hindi na magkandamayaw ang loob ko humugot ako ng lakas para makasagot sa kanya.
"Alam mo ang presko mo!", singhal ko na nagpahagalpak sa kanya ng tawa, "I don't know where are you getting that level of confidence! Alam kong pogi ka and you're a Rivero, but-", di ko natapos ang litanya ko nang putulin niya ako sa pagsasalita niya.
"You just admitted na you find me pogi", sabay hagalpak niya na naman ng tawa.
Shit! I said that?!
"Ugh! Ewan ko sayo! Ang presko mo!", umalis ako sa tabi niya at lumipat sa kay Ellen.
Pero narinig ata ng iba yung bangayan namin kaya nagsimula na silang mang-asar.
"Oh! Ano yan bro? Di pa nagsisimula ang season nakakascore ka na agad?", asar ni Vince na tumatawa tawa pa. Nakaka frustrate naman tong mga to! Di siya sinagot ni Gelo kaya ginatungan pa ni Bruce.
"Rivero for three na ba?", ani Bruce.
"Kaye ako dapat unang makakaalam ha", sabat ni Ellen na ikinatawa ni Rance na naka akbay sa kanya.
"Kaye text mo lang ako kung lolokohin ka niya ha", dagdag pa ni Adam na nagpakunot ng noo ko.
"Shut it Adam. You don't even have her number", nilagok niya ang natitirang beer sa pangalawa niyang can. A hard drinker huh.
"Bakit may number ka na ba niya?", tanong ni Adam pabalik sa kanya.
"Why not ask her", mapanuyang sagot ni Gelo. Ugh! Ang confident niya na naman, isiwalat daw bang binigay ko ang number ko sa kanya.
"Wow bro bilis ah!", banat ni Adam at tumawa.
"Nice moves there dude, paturo naman", ani Dietherd kay Gelo.
"Tigil nga!", singhal ko, "it's not what everyone of you think! He got my number kasi-", pinutol na naman ako ni Gelo ang hilig sumabat ha!
"Kasi I want to text her, simple", ani Gelo na nagpagulat saakin. Liar!
"Woaaaaah!", at nagsabay pa silang lahat.
"Ugggh! Bahala nga kayo sa gusto niyong paniwalaan!", nagmartsa na ako patungong kwarto ko.
Humiga ako sa kama at sinapak sapak ang unan ko thinking it's Gelo. Nakakainis siya! Ang presko presko! Akala mo naman sinong gwapo. Well gwapo naman talaga siya. Aish! Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...
