Kabanata 5

291 9 4
                                        

"Yang mga banat mo ha! Tigil tigilan mo nga ako!",maayos kong sagot kahit naghuhuramentado na ang sistema ko.

Akmang hahampasin ko na sana ang braso niya ng mahuli niya ang mga kamay ko. Hinarap niya ako sa kanya.

"Kaye, listen, I'm serious here", tumikhim siya, "can't you feel my efforts to you? My concerns about you? Wala ka lang bang pakealam don?", nag igting siya ng panga at umiwas ng tingin.

My heart is thumping big time! Ito na ba yon? Yung mga matagal ko ng iniimagine? Nangyayari na?

"Kaye", tawag niya na nagpawala sa akin sa pinag iisip ko, "I dont know kung ito nga ba yon, but damn! I like you Kaye!".

The man of my dreams. Standing in front of me. Who would think this is gonna happen. This is too good to be true. Hindi ako makasagot, nanatili lang nakatutok ang mga mata ko sa kanya.

"Will you just stand there and stare at me? I need answers Kaye", he shrugged.

"Ha?", tumungo ako. How am I supposed to answer kung nagwawala na ang puso at isip ko. Napakagat nalang ako sa aking labi.

"That's sexy", bulong niya pero sapat na para marinig ko. Uminit lalo ang pisngi ko. Inangat niya ang mukha ko.

"Hatid na nga lang kita, late ka na", he chuckled.

O shit! May training pa pala ako. Lagot ako kay coach. I checked my watch, 5 minutes pa. Pagdating ko nag wawarm up na sila. Nagpaalam na si Gelo at sabi niya dadaanan niya daw ako mamaya pagkatapos ng training ko. May lakad daw buong tropa mamaya. Pumayag na ako since nandon naman rin ata si Ellen.

Lutang ako sa buong training, pero good thing na hindi naman pumangit ang performance ko. May ka team mate akong kaklase ko rin sa isang subject. Si Miguel. Inaya niya akong sabay na daw kami mag dinner kaso I declined kasi may lakad nga kami. I left him in dismay.

Pagkatapos ng training nakita kong pumasok ng gym si Gelo pero inuna ko muna maligo at magpalit. Habang naliligo, inisip ko lahat. What if niloloko niya lang ako? What if napagtripan niya lang na ako ang sunod niyang babae? But what if totoo yung sinabi ni Rance na hindi nga siya playboy? Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Maybe it's time to let myself enjoy life.

I finished everything after 30 minutes. Pagkalabas ko inapproach na naman ako ni Miguel.

"Please Kaye, just this once. Promise sa susunod di na kita pipilitin", ani Miguel.

"Sorry Migs, may lakad kasi talaga ako ngayon".

"Ngayon lang naman eh".

Sasagot na sana ako ng may boses na galing sa likod ko na nag salita.

"Back off now dude. Sabi na nga niya na ayaw niya diba. Bat ka pa namimilit?", si Gelo. Di ko napansin na lumapit na pala siya.

"Sino ka ba? Boyfriend ka ba?", pagsagot balik ni Miguel.

"Does that even matter?!", tumataas na ang tensyon dito. I need them to stop.

"Di ka naman pala boyfriend eh!", tumawa si Miguel. "Anong karapatan mo?".

"Miguel stop!", sigaw ko pero di nila pinansin.

"So what! She's my friend!", lumalapit na si Gelo sa kay Miguel kaya pinigilan ko siya.

"Gelo stop now please", nilingon niya ako, "Magkakagulo lang. Let's go", mahinahon kong banggit na nagpahinga sa kanya ng malalim.

Chase Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon