Kabanata 10

274 7 2
                                        

My sleep last night was so peaceful. Nakakatunaw ng puso yung mga sinabi ni Gelo.

Ngayon pauwi na kami ni Ellen. Maghahanda muna kami ng dinner sa condo para sa buong grupo. Kailangan namin matulog ng maaga para 6AM bukas makaalis na kaagad kami. Gusto namin sulitin ang panahon doon para makapag relax na din.

"Kaye magluluto pa ba o pizza nalang?", ani Ellen habang nilalakad namin ang kahabaan ng La Salle palabas.

"Order nalang tayo, tinatamad ako maghugas ng plato", tumawa ako.

"Yung kasipagan mo talaga ha, umaabot pabalik ng Davao".

Pagkauwi namin sa condo nag order na kami agad ng pizza sa yellow cab. Di bale ng malayo at matagal pa basta masarap daw sabi ni Ellen. Mag sisix thirty na at parating na daw sila.

"Kaye!".

"Ano?", makatawag naman to.

"Wala ka bang training?", umiling ako.

Kinwento ko sa kanya yung nangyari sa smx. Nasa sala kami ngayon hinihintay ang buong grupo at ang mga pizza. I told her about Gwen. Namangha din siya sa pagtatago na ginawa ni Gelo para hindi malaman ng fans.

Medyo nainis din daw siya kay Gelo pero pinaliwanag ko sa kanya na hindi pa naman kami official kaya ok lang yun.

"Alam mo later on pag tumagal yang walang commitment status niyo, magsisisi ka. Wala kayong label ibig sabihin libre lang kayo", nagkibit balikat siya. But I won't doubt Gelo. I trust him. Sana nga lang talaga hindi umabot sa punto na hindi na siya makapaghintay ng label. Na sa tingin ko hindi naman mangyayari. Naalala ko na naman yung sinabi niya kagabi, napangiti ako ng bahagya.

"Oh bakit ka nakangiti? Masaya ka na wala kayong commitment?", napakunot ang noo niya.

"No, Ellen. He won't do that I'm sure. Besides he told me he doesn't want to rush everything, he want to take it slow", kinindatan ko siya.

"OMG! Paano niya sinabi?", excited niyang tanong.

"Sa call", maiksi kong tugon.

"That's doing great!", pumalakpak pa siya, "alam ko ma prinsipyo kang tao pero baka hindi mo mapigilan kaya binabalaan kita, ang v card mo ha!", pinag ekis niya ang kanyang kamay.

"Of course hindi pa no! Ikaw, wala pa ba?".

Nginitian niya ako. What the?!

"Syempre hindi rin muna no! Maka react naman to", tinawanan niya ako. Nabunutan ako ng tinik, akala ko naman.

"Pero teka ano nga ba ang pangalan nung ex ni Gelo?", pag iiba niya ng usapan.

"Gwen".

"May lahing linta ata yon eh. Siya rin yung kaharutan ni Rance nung nasa smx kami. Sinabihan niya pa ako na wala daw akong pakealam kasi mag bestfriend daw sila, ang sarap lang upakan talaga!".

"Baka naman super close talaga nila na mag best friend", para mahimasmasan naman konti ang galit niya. Parang sasabog na eh.

"So kakampihan mo yon? Kahit parang higad kung makakapit kay Gelo? May pa yakap pang matagal yun ha!".

"Well-", hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana ng may marining kaming nag doorbell. Pinagbuksan naman agad ni Ellen at nakita kong pumasok na ang mga kaibigan namin, kasunod lang nila pinapasok na rin ni Ellen ang delivery boy ng yellow cab at nagbayad na kami.

Chase Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon