Pag-akyat ko ng condo naabutan ko pa si Ellen na nanonood ng tv.
"Bat mo ko iniwan don?", patampo kong sabi sa kanya.
"Bakit? Di mo ba na enjoy?", tiningnan niya ako ng makabuluhan.
"Hoy! Ano yang tingin mong ganyan ha?", tinawanan niya ako.
"Wag naman masyado mag paka santo Kaye!", biro niya.
"Alam mo Ellen nahahawa ka na sa kahalayan ni Rance ah! Gosh!".
"Sarap nga eh!", what the hell?!
"Ellen!", tumili ako, "anong masarap?!", tinabihan ko siya sa sofa.
"Nung ano, nung saging sa agno!", matawa-tawa niyang banggit.
Binato ko nga ng unan. Ang halay! Di ko keri.
"Maka bato ka jan ha!", inirapan niya ako, "By the way", ayan na naman yang mga makahulugan niyang tingin,
"Kumusta na kayo ni loverboy?".
"Loverboy?", tanong ko kahit alam ko naman sino ang ibig niyang sabihin. But no I won't mention it straight away from my mouth bahala siyang mag open up ng una, "alam mo, ang dami-dami mong oras ha basta hindi acads".
"Ayan na naman pa santo na naman to! Pero ano nga? Courting stage? Dating? Ano?", mapilit ka talaga, well fine.
"Ano, he's courting me daw".
"WHAT?! Magpapaligaw ka pa? Yolo bes, life is short! Papatagalin mo pa ba?", hanep na reaksyon naman pala ang matatanggap ko. Akala ko pa naman magugulat siya kasi pumayag ako or ano man. O baka magalit bakit ako magpapaligaw ng ganon ganon na lang. Pero what will I expect ba naman sa isang kaibigan na hayok sa lovelife? Napatawa nalang ako.
"Ngayon tatawa ka jan? Nagsisisi ka na ba?", at talagang seryoso siya, oh my gosh Ellen!
"No! Ano ka ba", di ko maiwasang tumawa, "sige na matulog na nga tayo!".
Nang humiga na ako sa kama, bumalik sa isip ko yung sinabi ni Gelo sa sasakyan. Medyo matagal rin akong nakakatitig sa kisame. I need to sleep! August na bukas, birth month!
Kinabukasan maaga ang training ko. Medyo mahigpit na ang schedule ng training kasi malapit na magsimula ang season. Twice na kami kung mag training sa isang araw. Kaya lagi nalang bago matapos ang araw parang binubugbog ang katawan ko. Dahilan ra rin kung bakit di ako masyado nakakasama sa mga labas ng mga kaibigan ko.
Ngayon sabay-sabay kami lahat na naglulunch sa mcdo. Every lunch nalang talaga ang panahon na nakakasabay at nakakabawi ako sa kanila.
"Kaye, anong plano mo sa birthday mo?", tanong ni Bruce.
"Di ko pa alam eh, pero Saturday yon, baka", I paused, "Maybe we can go to inflatable island? Olongapo?".
"Great idea Kaye!", singhal ni Ellen di naman halata na excited tong babaitang to.
Kumain muna kami. Sinabi agad ni Ellen sa boys ng dumating sila galing ng counter. Na excite naman agad si Bruce. Mas madali na daw makahanap don ng potential girlfriend niya.
"Asa pa bro!", inasar siya ni Vince. Kasama na namin ngayon si Ashanti kaya I think na nagbati na sila. Siguro naman inimbita lang din ni Miguel siya mag dinner gaya nung pag imbita niya sa akin. Pero she should've declined his offer. Lalo na at mag on talaga sila. Pero I don't have the right to judge her, I don't know the whole story kaya 'shut up nalang' ako. Ayoko naman umabot sa puntong sasabihan ako ng 'Ano? Sagot!', teka nga lakas maka DJ ah.
BINABASA MO ANG
Chase
FanfictionIsang simpleng fangirl na hindi nag hahangad na magustuhan siya ng idol niya pabalik. Simpleng inspirasyon lang ang gusto niya para sa pag-aaral. Siya si Kaye Jeanine Guevarra. Hindi nalang umaasa para hindi na masaktan. Pero a thought came from her...
