Chapter 27Jishon Alcantara
(Jishon's POV)Shit! shit! shit!
Nagulat nalang ako ng biglang may nabasag. Muntik na si Cindy, fvck!
"Hoy mga ugok! Dalian n'yo! Tangna!"
Shit. Baka kung anong mangyari sa kanya.
Papunta na ko sa pwesto n'ya ng may humarang sa'kin na mga goons. Shit. Bakit ngayon pa!
Tinignan ko ang kinatatayuan n'ya at nakitang nandun na ang mga ugok. Buti naman.
"Hoy mga pangit! Anong ginagawa n'yo dito?" Sila yung mga lalaking humarang sa'min nung nakaraan. (Flashback on previews chapters)
"Syempre, para gumanti, walanghiya kayo, mamamatay ka na, tarantado ka!" May bitbit itong tubo na nanggaling sa isang kasamahan nito. Nauna itong sumugod sa'kin. Aba, revenge ata ang gusto nito. Wala namang mapapala sa'kin.
Papaluin sana nito ang ulo ko pero sinalag ko ang tira nito. Siniko ko ang mukha nito sabay sipa sa tiyan nito. Napasubsob naman ito sa kung saan.
Sumunod naman ay 'yung natitirang anim na lalaki na sumugod sa'kin. Halos lahat ay pandak at maitim. Ang pinagkaiba lang ay isa ang kalbo, apat na balbas sarado, at dalawang mga galing sa pagdo-droga na ang isa ay nakasubsob na sa sahig.
"T@ngna! Ikaw ba 'yung nambugbog sa mukha ko?" Sabi na naman ng isa at nagtakdang paluin ako ng dospordos pero nakaiwas ako. Sinapak ko ang ang mukha nito sabay tadyak sa tiyan ng isang susugod sa'kin. Sinuntok ko sa sikmura ang lalaking pangit(lahat naman pala sila) at tinadyakan.
"Oo, ako 'yon, 'langya! staka ni hindi naman nagbago ang itsura ng mukha mo ah. Ganyan naman talaga 'yan!" Nakabangon ang isang sanggano at sinuntok ang mukha ko. Langya! Ang pinakaiingatan kong mukha! Magpapakasal pa kami ni Cindy!
"Taena ka pre, sa dinami-dami ng susuntukin mo, mukha ko pa? Insecure ka ba?" Tinignan ko ito ng masama. Ngumisi lang ito.
"Satsat ng satsat, wala namang binatbat!" Saad nito staka sinikmuraan ako. Langya, madedehado ba ako ng mga panget na 'to? Hindi! Hindi ako papayag! Sinipa ko sa kinabukasan n'ya ng dalawang beses. Bwisit! Mabaog ka sana, leche!
Sabay na sabay sumugod ang tatlo sa magkakaibang direksyon kaya yumuko ako ng mabilisan. Kinuha ko 'yung baril ng tinadyakan ko kanina at tinutok sa kanila. Mabilis ang isa sa kanila at yinakap ako mula sa likod. Bading ata ang puta!
"Hoy, walang ganyan, alam kong gwapo ako pero hindi tayo talo, mga ul*l!" Siniko ko ng malakas ang tiyan nito mula sa likod at inunahan ko sa pagsuntok ang isa at h-in-ead lock ko ito. Huh! Serves you right!
Sumugod ang nakahiga kanina at suntukin sana ng isa yung tiyan ko pero inunahan ko na ito. Sinipa ko ito sa *ano* n'ya ng malakas. 'Wag ka na sana magkaanak. Bagay sa'yo mabaog, lul! Salot kayo sa lipunan!
"Hephep. Talo na kayo." Saad ko sa kanila at tinutok ang mga baril sa mga ito, at ang mga loko, hindi tuminag! Nak ng! Hindi ba sila takot sa bunganga ng baril?
"HAHAHAHAHA" nagsitawa lang ang mga gago at hindi pinansin ang baril 'ko. May laman pa naman 'tong bala, diba?
Napapanstastikuhang tumingin ako sa kanila.
"Anong meron?"
"The clock is ticking, tik tok tik tok." Pumailanlang ang isang pamilyar na boses. What the?
"Hoy! Ugok! Nasan ang prinsesa kuno n'yo?" Biglang sikmat ng isang lalaki na kararating lang. Tinutukan ako nito ng baril kaya linipat ko dito ang ulo ng baril.
Taena, nasan na nga pala 'yun?
Sumulyap ako dito at nakitang shit---------
Wala itong malay at nakapatong ito sa balikat ng isang lalaki. At ang bugok, nakangisi pa habang hinahawakan ang hita ni Cindy! Tangin*! Bastos!
Nasaan ang limang tarantado?
"Hoy, Tangin* ka! Ibaba mo s'ya!" Pasugod na sana ako ng biglang may tumamang baril sa balikat ko.
"Ooops, pumutok." Tumawa ito ng mala demonyo.
"Hoy tangina mo, pumutok talaga? Siraulo!"
Ngumisi ito. "Put your gun down. You lose." Tumingin ito ng nakangisi at biglang humalakhak.
Naglakad ito sa kinalalagyan ni Cindy at lumapit. Tumingin ito ng nang-uuyam sa'kin.
"Enough." Biglang dating ng isang lalaking mga nasa edad 40's na. Napustura ito at nakayos na tindig.
"Jishon Andromeda, right?" Napatingin sa'kin ang lalaki na may malaking ngisi sa labi.
"..Hmm. Mukhang nagkamali sila, hindi ko alam na ganito ang mangyayari, ang hina n'yo kaya. 'Ni hindi ako pinagpawisan." Muli na naman itong humalakhak. Tumigil naman ito pagkalipas ng ilang segundo.
"Alfredo, put her in the car." Seryosong sabi nito at tumingin ng mariin sa'kin. Walang kaabog abog ay sumunod naman ang tarantado. Sumulyap ito sa'kin at ngumisi.
Nakatingin lang ako kay Cindy habang walang malay itong nakapatong sa balikat ng isang gagong lalaki. Nandoon na ang mga ito sa sliding door ng mall. Napahawak ako sa balikat ko na may tama ng bala. Fvck! Anong meron sa baril na 'yon? Bakit parang nilalason ang katawan ko?
"Anong pakiramdam ng walang magawa? Poor you, bastards. Kawawa naman ang babaeng 'yon. Makararanas s'ya ng impyerno." Tumawa na naman ito ng malakas.
Napatingin ako sa sliding door at nagulat ako sa nakita ko. Anong ginawa nila?
Si Jonas ay tinutulak ng isang lalaki. Puro pasa ang mukha at ang buong katawan. Namumuo ang dugo sa may gilid ng labi nito, nakahawak ito sa tiyan at napansin na may tama ito ng bala. Kaya pala namumutla ito. Si Andromeda naman ay sunod na pumasok. May tama rin ng bala sa balikat na hawak ang ulo nitong dumudugo. Putok ang nguso nito at puro dugo at pasa rin ang mukha nito. Si Harold naman ay nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.
"Tangin*! Pakawalan n'yo ko! Cindy! Damnit!"
Napatingin ulit ako sa kinalalagyan nila ng nawala na si Cindy. Putangin*!
"Tangin*, nasaan 'yong isang 'yon?"
Napatingin ako sa lalaki na nawala ng bigla. Si Dee, sana mailigtas n'ya sa mga kamay nila si Cindy.
Si Keyso ay bitbit ng lalaki na wala ng malay at tinulak sa gitna ng daanan. What the hell? Freaking bastards. Anong nangyayari?
Si dexter naman ay parang lantang gulay na hawak ng isang lalaki. Tangin* anong meron? Sino ba 'tong mga 'to?
Si Angelo, nasaan?
"Anthony, don't bother. Hindi na rin naman makakahabol 'yon, don't worry." At humalakhak na naman ito ng nakakabuwisit.
Iyon nalang ang huli kong narinig at pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay. Kahit hirap na hirap na ako, sinikap kong tignan ang kinalalagyan ng mga bugok at nakahiga na rin ang mga ito hindi kalayuan sa kinalalagyan ko.
"Bastards."
--
Sorry guys. Hindi ako maalam sa action. HAHAHAHAHA.PS: unedited
BINABASA MO ANG
Possesive Bastard
Action[UNEDITED] [SOME PARTS MAY CONTAIN VULGAR WORDS] I WARNED YOU Former : I'm married to Mr. Mayabang First time we met, okay lang naman e. Hanggang sa lumaon ng lumaon at nagiging territorial na s'ya. Ano ako bagay na pwede n'yang angkinin, anytime he...