(Still Her point of view)
C O N T I N U A T I O N
Chapter 29
Nagising ako sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko. Damn, sino ang nagbukas ng bintana? Ugh. Tirik na tirik pa naman ang araw.
"Hoy, sleeping beauty na pandak, gising na!" Napaungol nalang ako bilang pagtutol. Looks like s'ya ang may kasalanan. Nakuuu, pasaway talaga. Anong ginagawa nito ngayong oras na 'to? Tsk. Kaaga aga nasa kapitbahay ang butiki.
Wala na kasi ang parents nitong umapon dito kaya ulila na ito. Nasa ampunan daw ito nakatira ngayon at tumatakas lang kapag pumupunta sa bahay. Buti nalang at walang nagsusumbong sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako. Sana nga hindi mangyari 'yun. Ayoko pa naman na mawalan ng kaibigan. Napailing ako.
"Hoy, Dalian mo, may pupuntahan tayo." Hindi ko ito pinansin at niyakap ang katawan sa dantayan ng unan. Bit in my surprice, niyugyog ako nito ng niyugyog hanggang hindi ako umaalis ng kama.
"Hey, hey, hey, wake up!"
"Oo na! Argh! Bwisit kang butiki ka, aalis na!" Tumawa lang 'to. Argh! Talandi talaga 'to.
Pumunta na ako sa cr at naligo, I did my usual routine and then lumabas na ng cr. Paglabas ko, wala na ang pakielamero. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang hair dryer staka bumaba na.
Baka kumakain na ito favorite pa naman yata n'ya ang niluto ni mama.
"Hay, buti naman naisipan mo pang bumaba. Akala namin kinain ka na naman ng kama mo e." Napatingin nalang ako kay epal staka umirap.
Tumawa lang s'ya.
"Oh, anak, kain na. 'Wag mo na s'yang tarayan." Sabi ni mom na nakangiti pa. Kinakampihan pa ang epalogs. Grrrr.
"Nakuuu, minsan talaga iniisip ko kung sino ang anak sa ating dalawa e!" Natawa lang sila. Pati si daddy na nagkakape ay tinawanan lang rin ako. Kaasar!
"Oh, kain na. Favorite mo 'yan hijo." Sabi ni mama at nginitian si butiki.
Buti nalang talaga hindi ako seloso. Haist. Maganda nga kasi ako. I laughed.
Hinandaan na ako ng pagkain nito. Bacon, fried rice, milk, and one glass of juice. Lalagyan pa sana ng hotdog pero sabi ko ay 'wag na.
"Oh, Dalian mo! Ang bagal mo pa rin!" Tumawa ito. Naungusan ako nito kaya sinamaan ko ng tingin. Hindi naman s'ya aware na masama ang tingin ko.
"Che! Butiki ka kasi!" Balik na sikmat ko. Leche, bakit ba ang bagal kong magpatakbo?
Sinubukan kong bilisan pang lalo at naungusan ko ito. I laughed.
Nauna ako sa park na pinagusapan namin.
"Oh, sino ang mabagal sa'tin ngayon?" Salubong ko sa kanya na pa easy easy pang nagmamaneho ng bike n'ya.
"Ikaw." Cool pang sabi nito. Grrr. Don't tell me..
"Oo, pinauna lang kita. Kawawa ka naman kasi." Tumawa na naman ito ng nakakairita.
"Argh! Butiki ka! Halika dito!" Tinawanan lang ako nito ay nagbike na naman. Parang hindi s'ya napapagod. Well, bahala s'ya. At least ako nakapagpahinga.
Pagkatapos ng nakakapagod na paghahabulan, nauwi sa panlilibre n'ya sa'kin ng ice cream ang pagkatalo n'ya. Naabutan ko kasi pagod na s'ya. Tinawanan ko lang. Mayabang kasi.
"Hay, sana ganto na lang tayo lagi."
"Oo ba!" Sigaw ko naman.
Medyo nagtagal pa kami ng lalaki sa park bago namin naisipang umuwi.
Sa hindi sinasadya, nahagip ng paningin namin ang isang van na napapabalitang nangunguha ng mga bata para ibenta o pagkakitaan.
Hinabol kami nito.
"Dalian mo!" Sigaw ng batang lalaki sa'kin na tinatawag kong butiki.
Binilisan ko pa ang takbo para hindi ako nito abutan. Nasa guard house na ako at manghihingi sana ng tulong ng marinig ko ang pangalan ko.
"HOY! PANDAK! MAGKIKITA ULIT TAYO! HINTAYIN MO KO, HA?" Sigaw nito at umiiyak. Hilam na ng luha ang buong mukha nito.
Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi n'ya ay kinuha na ng mga lalaki sa van ang batang lalaki.
Hindi!
"HINDIIII!"
"Hoy, gumising ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Boss."
Napabangon ang diwa ko ng walang habas akong hilahin mula sa kama.
"Argh! Let me go, you brute!" Nagpapalag ako sa kanya pero hindi umepekto.
"ARAAAAAAAY!"
Medyo nakakalayo na kami sa kwarto na pinanggalingan ko staka n'ya ako binalya. Bwisit! Ang laki kaya ng katawan n'ya! Kumpara mo sa katawan ko! Argh!
Wala na akong nagawa ng bigla n'yang hilahin ang buhok ko ng pwersahan. Taena.
"Hoy, hindi pa pwedeng dahan-dahanin mo nalang?" Hindi ako pinansin at nagdire-diretso lang.
Malapit na kaming makababa ng tuluyan sa hagdan ng biglang akong tinulak ng damuho. Nakasubsob tuloy ako sa unang tapakan ng hagdan. Nagpatuloy lang ito sa pagbaba.
"Hoy umayos ka, parating na sila." Minuto ang lumipas at narinig kong may umuugong na sasakyan sa itaas. Ugong yata ng eroplano.
Nagbukas ang pinto at nakatanghod pa rin ako. Ang sakit kaya ng katawan ko! Nagsilinya ang mga katulong na nageexist pala sa mundo kasama na ang mga bodyguards.
"Where is she?" Tanong ng isang may katandaan ng lalaki. Kaedad lang siguro ni dad 'to.
"Andito po siya."
Pumunta ito sa tapat ng kinaroroonan ko.
"Kamusta?" Mukhang ako ang kinakausap nito pero hindi ko ito tinignan. Nakayuko na ako kanina kaya yumuko pa ako lalo.
"Sorry, I don't talk to strangers." Malamig na sabi ko dito. Nagulat nalang ako ng tumawa ito. Akala ko sasampalin ako nito o kung ano pa.
"Kamukha ka talaga niya." Napaangat naman ang tingin ko dito.
"The who?" Tinignan ko ito pero nakangisi lang ito. Napatingin din ako sa mga taong kasama ko sa bahay pero nakayuko lang ang mga 'to.
"Sinasabi na nga ba. Dalhin n'yo s'ya sa basement." Umugong ang boses ng lalaki sa lahat ng sulok ng bahay.
"Who are you?"
"Well, let's say na isa ako sa mga kaibigan ng walanghiya mong ama." Tumingin ito ng masama at ginantihan n'ya rin ito.
I don't care kung kaibigan ka ng daddy ko. What do you want from me?
Nakarating kami sa basement na sinasabi ni tandang ugok. Medyo magulo pa ito kaya halata na kagagamit lang nitong kwarto.
"Umupo ka na!" Pinaupo nila ako sa monobloc chair ng patalikod sa kanila. May nakita akong may bitbit na lubid kanina kaya hindi na ako magtataka ng itinali nila ako.
"So, you ready, bitch? It's payback time, huh!" Biglang pumailanlang ang isang boses na kahit matagal ng hindi ko naririnig ay kilalang kilala ko.
BINABASA MO ANG
Possesive Bastard
Acción[UNEDITED] [SOME PARTS MAY CONTAIN VULGAR WORDS] I WARNED YOU Former : I'm married to Mr. Mayabang First time we met, okay lang naman e. Hanggang sa lumaon ng lumaon at nagiging territorial na s'ya. Ano ako bagay na pwede n'yang angkinin, anytime he...