THIRD PERSON'S POV
Sa isang malaking bahay naninirahan ang anim na magkakaibigan. Kapwa mga gising ito sa gabi kaya kahit 11:46 na ng umaga ay natutulog pa rin ang mga ito. Ang isa ay nasa kusina na at nagluluto ng kanilang kakainin sa araw na iyon.
Pumunta na sa kwarto ang kaawa-awang lalaki at nagpasyang gisingin na ang mga batugan.
"HOY! gising na!" Tinabunan nito ng unan ang isang lalaking napakahimbing matulog. Nagsasalita kasi ito kapag natutulog. Buti nalang ay hindi nag s-sleepwalk.
"Puta! Sino yumakap sa'kin?" Kagigising lamang ng isa na tila nagising sa maling parte ng kama.
"Ang ingay n'yo! Natutulog ang tao!" Isang tadyak ang inabot ng lalaking maingay.
"Langya. Ang sakit ng balikat ko!"
"Where's my phone?" Tumayo naman ang isa at nagsimulang hanapin ang kanyang cellphone na nasa tabi lamang ng lampshade.
"Taena. Nasa'n ang cellphone ko?"
"Noisy people. Stop shouting at each other!"
"Ang ingay. Shut up, guys."
May kanya-kanyang serimonyas na ginagawa ang lahat. Napakamot nalang sa ulo ang lalaki.
Tila isang delubyo ang nagdaan sa isang silid na kinalalagyan nila. Maraming bakanteng silid sa mansyon ngunit napagpasyahan nilang sa isang kwarto lang matulog. Anim silang malalaking tao kaya't hindi sila magkakasya kahit sa isa pang king sized bed na kama. Itinabi nila ang kama sa gilid pati na rin ang mga malalaking gamit tulad ng bookshelves, etc. para magkaroon ng malaking espasyo sa gitna kung saan nila napagpasyahang matulog.
Hindi alam ng may-ari ng bahay ang gagawin kaya't sa kanyang inis ay muntik na n'yang pagbabaliin ang leeg ng mga lalaking nakatingin sa kaniya ngayon.
"Tumahimik kayong lahat!"
Tila maaamong tupa ang mga ito. Tipa hindi makabasag pinggan. Pagkaraan ng ilang segundo ay sabay sabay nanlalaki ang mata nito.
Isa-isang lumapit ang mga ito at pinalibutan s'ya.
"Magaling ka na?"
"Kelan ka dumating?"
"Diba nasa hospital ka pa?"
"Sinong nagdala sa'yo rito?"
"Nasaan ang mga sugat mo?"
"Nasan si Cindy?"
Napahawak nalang sa kanyang ulo ang kawawang lalaki. Imbes na ang mga sarili nito ang unahin, inuna pa ang pag chismis tungkol sa nangyari sa kanya.
"Idiots-" Naputol ang balak n'yang pags-sermon sa mga ito ng biglang may tumunog na tiyan.
"Ppffft."
"HAHAHAHAHAHAHAHA" Nagtinginan ang lahat sa isang tao na nakaupo sa dulo ng kama.
Nakapout na ito. Naiinis ang katabi nito at hinulog s'ya sa lapag.
"Ouch! Fvck! What was that?" Angil nito habang hinihimas ang puwitan na napuruhan sa pagkakahulog.
"Ikaw kasi e! Imbes na mag k-kwento na si Dee, inistorbo mo pa! Nakuuu kahit kailan talaga!" Nagsitanguan ang lahat at napailing nalang si Dee. 'Kahit kailan talaga' napailing nalang siya.
"Sorry, guys. I'm really hungry right now." Nakapout na sabi nito.
Nasa pintuan na sila at handa ng bumaba ng may maalala ang isa.
BINABASA MO ANG
Possesive Bastard
Action[UNEDITED] [SOME PARTS MAY CONTAIN VULGAR WORDS] I WARNED YOU Former : I'm married to Mr. Mayabang First time we met, okay lang naman e. Hanggang sa lumaon ng lumaon at nagiging territorial na s'ya. Ano ako bagay na pwede n'yang angkinin, anytime he...
